You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Satire: Ang Katangian ng mga Kalalakihan

Warning: Ito ay isang satire, kung ikaw ay isang babae, marupok, selosa, pikon at hindi open-minded, ‘wag mo nang ipagpatuloy pa ang pagbabasa.

Mga kababaihan,

Para sa maayos na relationship, alamin nyo ang mga pinaka-unang katangian ng mga kalalakihan.

  1. By nature polygamous talaga ang mga lalaki. Hindi sila nabubuhay sa isang babae lamang.
  2. Ang tingin nila sa babaeng polygamous at maraming boyfriend, ay isang lalaki.

Mga pinakamalaking pagkakamali ng babae.

  1. Hindi tama na iyong pagdudahan ang iyong partner kung may babae ba sya at ‘wag ng magtanong dahil alam mo naman ang sagot.
  2. Iwasan din ang magtanong kung may ka date ba sya, kung sino ang kausap nya or kung saan sya galing. Dahil pinilit mo lang syang magsinungaling .
  3. At lalong hindi tama ang maghahanap ka ng iba. Lalo ka lang mapapalayo sa kanya dahil sa paningin nya ikaw ay isang lalaki.

Sa halip, ang pinakamagandang gagawin mo ay

  1. Tanggapin mo na may babae sya, nakita mo man or hindi
  2. Lumaban ka, ipakita mo sa kanya na naiiba ka

Unang tip kung papano lumaban at ma-iba

  1. Gusto ng lalaki ang Coke dahil sa tunog-macho nito pero ang totoo ay mas nasasarapan siya sa Pepsi.
  2. Alam mo na ang gagawin mo, ipatikim sa kanya ang Coke na may lasang Pepsi!

Warning: wag magpapahuli dahil magaling magtanong ang lalaki katulad ng

Lalaki: Mahal, saan mo ito nabili?
Babae: Ang alin, ang Coke o ang Pepsi? (toinks)

Warning: wag mong itapon ang laman ng coke magagamit mo yan sa next tip.

Pangalawang tip

  1. Pasekreto kang kumuha ng galing sa katawan nya. Pinakaepektib ay ang libag at kulangot.
  2. Ihalo mo ito sa  coke at inumin mo.

Warning: Ikaw lang ang dapat uminom at hindi sya. Alam na alam ng isang tunay na lalaki ang lasa ng sariling libag at kulangot.

Unang tip para malaman kung sino ang babae nya

Kung pursigido ka talagang alamin kung sino ang babae nya heto ang unang tip.

  1. Hindi uubra yong payo na hintayin mo syang maunang matulog nang mahimbing at managinip na ibang pangalan ang bibigkasin.
  2. Walang lalaking batugan, sanay yan sa puyatan.
  3. Walang lalaking malakas humilik, nagkunwari lang yan na humilik pero ang totoo ay gising yan.
  4. Kung mairita ka na sa kanyang hilik ay sa kabilang kwarto ka na matutulog o di kaya’y sa sunod na gabi ay mauna ka nang matutulog.
  5. At libre na syang makatulog ng mahimbing, managinip at magsalita ng ibang pangalan.

Pangalawang tip

  1. Kung gusto nyo talagang hulihin kung sino ang babae nya, i-hack mo ang kanyang email.
  2. Madali lang yan pumunta ka sa secret question.
  3. Kung ang tanong ay “What is the name of your pet dog”
  4. Ang sagot nyan ay ang iyong pangalan.

Yan lang po muna, sana ito ay nakakatulong sa ating mga kababaihan.

ABANGAN: Para sa patas na pamamahayag, gagawa na rin tayo ng Satire na ang pamagat ay “Ang Katangian Ng Mga KAbabaihan” at ito yong intro:

 “Ang mga Banal na kasulatan na mismo ang nagsabi na ang babae ay nilikha mula sa tadyang ng lalaki. Isang baluktot at basagin na buto na kung pilit nyong tuwirin ay mabibiak at mababasag.”