HAGIT: Buwis Mo, Ninakaw Na Nila

Share this:

Sa Saudi Arabia, walang tax na binabayaran ang mga companies, ang mga consumers, ang mga workers both saudis and expats, lahat ay walang tax.. Pero abunda tayo sa malinis na tubig kahit disyerto, mura na kuryente, mura ang gasolina at iba pa, libre na medical insurance at social insurance para sa lahat ng workers. Walang buwis na sinisingil ang kanilang gobyerno, pero hindi naman lumulubog ang kanilang ekonomiya.

Sa Pilipinas lahat na lamang ay may tax, may vat at e-vat pa. Pero bakit palubog nang palubog ang ekonomiya kahit anong singil ng BIR?

Bakit? Dahil ang lahat ng nasa gobyerno administrasyon or oposisyon man ay mga kawatan. Ang BIR? hahaha, tingnan mo ang mga ari-arian nila mas mayaman pa sila kaysa mga congressman. Kawawang Pilipinas, kung wala ang mga OFWs, ano na kaya ang nangyayari sa inang-bayan natin no?

Ano, bakit angat ang saudi? Dahil sa andito ang petrolyo? Dahil sagana sila sa resources? Bakit ang Pilipinas wala ba?

Nasa atin ang pinakamalaking resources kung pag-aangat ng ekonomiya ang pag-uusapan. Nasa angking talino at galing ng mga Pilipino, yan ang resources natin, yan ang kayamanan natin, at napakarami nyan. Kaya nga lang ay hindi nagamit, hindi na-utilize dahil hinayaan natin na kontrolin tayo ng mga bobo at mga kawatan na naghariharian sa inang-bayan.

Tingnan nyo ang Singapore at ang Hongkong, bakit mayaman sila at tayo ay hindi? Dahil walang kawatan. walang kawatan. walang kawatan.

Tayo, na sana ay mas matatalino pa sa kanila, tayo na sana ay may maraming angking galing kumpara sa kanila, heto tayo naghihirap at pahirap nang pahirap. Dahil hinayaan natin ang mga kawatan at ang makalumang kaisipan. “Dapat magbayad tayo ng buwis para aangat ang bansa”. Yan lang ang logic nyo? Alam nyo naman na doon lang mapupunta ang mga buwis nyo sa mga bobo at mga kawatan..

Isipin nyo lang kung hindi natin hinayaan ang mga kawatan na maghahari simula noong nagkaroon tayo ng kalayaan noong 1898, or kahit noong pagkatapos ng World War 2.. or kahit noong 1986 sa EDSA. Kung walang kawatan, napakayaman na natin ngayon.

Gumising na tayo.. dahil kung hindi, mananatili tayong mga OFW’s habambuhay. ang ating mga anak, mga apo at ilang mga henerasyon pa?

– tas

Also Please check our Facebook  Guests’ comments here

Related Link :   Buwis Mo, Nanakawin Lang Nila

Share this: