Ikotan sa POLO at POEA

Image Source: dreamstime.com
Share this:

Vicious Cycle 1 of 3: Ikotan sa POLO

Pumunta kayo sa Esteraha sa Exit 8 at hanapin ang mga kasagutan sa mga katanungan sa baba.

1. Tanungin nyo sila kung kailan sila tumakas

– ang karaniwang sagot nyan ay after april 6, 2013 (take note na yong covered lamang ng amnesty ay yong mga huroob before april 6, 2013)

2.Tanungin mo bakit sila tumakas?

– normal na sagot , contract, sahod, pananakit, iqama and other valid reasons

3. Tanungin mo sila kung sino ang nagpatakas?

– ang karaniwang sagot dyan ay POLO ang nagpatakas dahil sa amnesty. or maaring may iilan na na-engganyo ng iba na tumakas dahil may amnesty

4. Tanungin mo sila kung nag-file ba sila ng complaint sa saudi labor office pagkatapos tumakas ?

– ang karaniwang sagot ay hindi sila nagfile ng complaint sa saudi labor office (na sana yon na ang panguntra sa absconding/huroob ), sa halip kumuha sila ng travel document para magbakasakali na na mapasama sa amnesty.

5. Tanungin nyo kung sino ang nagpayo sa kanila na kumuha ng travel document at magbakasakali na mabigyan ng amensty?

– ang karaniwang sagot ay ang POLO ang nagpayo sa kanila na kumuha ng travel document sa embassy at magbakasakali sa jawasat na mabigyan ng amnesty.

6. Tanungin nyo kung ilang buwan sila na pumipila doon sa jawasat at saka nila nalaman na hindi sila sakop ng amnesty?

– mahigit isang buwan.. at ang payo ng jawasat di sila sakop ng amnesty at dapat sa saudi labor office na sila sana nagreklamo. (ang problema, di na sila maaring magfile na ng complaint sa saudi labor office, dahil isang buwan na.. nakahuroob na sila. sana nagfile sila kaagad ng complaints, na pangharang sana sa absconding case..

7. Tanugnin nyo, Noong pagbalik nila sa POLO kung ano naman ang payo ng POLO .

– hindi kayo covered ng amnesty dahil tumakas kayo after april 6 na. dapat sa saudi labor office kayo nagreklamo

– kadalasang tanong naman ng workers, sir kayo nagpayo sa amin na kumuha ng travel document at magbakasakali sa amnesty. Anong sagot ng taga-POLO. “hindi ako yon”..

– kadalasang tanong ng workers, “sir anong gagawin namin”. ang sagot naman ng polo, “bumalik kayo sa amo nyo nakausap ko na sya.”

– kadalasang tanong ng workers, sir di na kami babalik doon dahil lalo kaming aabusohin.. “kaya nyo nga kami pinatakas noon sir di ba?” anong sagot ng POLO , “hindi ako yon”.

Nandito na si Labatt Resty, sayang kung napaaga lang siguro sya ng kunti ay wala sanang pangyayaring ganito at kaunti lang sana mga undocumented na kalalakihan dyan sa Esteraha Exit 8

Vicious Cycle 2 of 3: Ang IKOTAN sa POEA

2013/11/21 Joseph Henry Espiritu

Dear POEA and All,

Hindi ko maiitindihan kung bakit ang bagal naresolba ang kasong ito.

Kaya ako nanahimik dahil nahawa na ako sa kaikot-ikot nyo.. Sige nga paikot na rin kahit isang beses lang. Heto ang aking mensahe ulit, ang aming huling ikot para sa pakipaglaban sa karapatan at kagalingan ng mga naabusong dalawang (2) workers.

Sirs, maams, heto ang isang manlolokong agency. Nalinlang kayo ng agency na ito para mapadali ang pagpadala ng workers abroad at maiwasan nila ang tamang proseso nyo. Sumakay kayo, napaniwala naman kayo na Name Hires nga ang mga workers. Ito yong pinakaunang beses na napaikot kayo ng agency.

Dapat ikakagalit nyo na ito nang nalaman nyo na napa-ikot kayo..

Magalit kayo sa Agency, sila ang nanloko sa inyo, sila ang nagpaikot sa inyo. Hindi ang workers kundi kayo ang pinakaunang biktima ng manlolokong agency ito. Pinaikot kayo, at umikot naman kayo. Nakakahiya!

Nang magkaproblema ang mga workers dito.. Ginamit na naman ng agency ang salitang “Name Hire” na dahilan para makaiwas sila sa kanilang reponsibilidad sa pagpauwi sa mga workers.

Ato ano ang aksyon nyo POEA? Pinaniwalaan nyo na naman ang agency, pinanindigan nyo na Name Hires nga ang mga workers. Idinipensa pa nga ng mga tiwaling mga tauhan nyo dyan. Sabi nyo pa sa mga workers “hindi kayo responsibilidad ng agency dahil “Name Hires” kayo”.

Hahay, kung ano ang pinang-ikot ng agency sa inyo noon, ay yon naman ang ginamit para pa-ikotin kayo ulit ngayon.. At umikot naman kayo ulit.

Ipinagdiinan namin ang katotohanan, kaso ang bagal nyong tumugon dahil ang saya-saya nyo sa na napa-ikot kayo. Kung hindi kami sumigaw na hindi totoo na “Name Hires”, ay hindi kayo matauhan at tumigil nang panandalian sa pag-ikot nyo.

Ngayon, hiningan nyo POEA ang mga workers ng sworn statements na tinugunan naman kaagad ng mga workers. Napakalinaw ng sworn statements nila kung papano sila na-hire. Malinaw na hindi sila “Name Hires”..

Pero dahil gusto nyo talagang umikot, naging walang epek ang mga sworn statements na yon, ang pinaniwalaan nyo pa rin POEA ay ang agency.. “Name hire kayo, name hire kayo, beeh name hire kayo”. Nagsulat pa ng pagdepensa para sa agency, itong representative daw land based OFWs. Hindi daw pwede magkakamali ang system ng POEA. Ang taong kinilala kong kasamahan noon ay aba matagal na palang napa-ikot at masaya na rin ngayon sa larong ikotan.

Itigil nyo muna POEA ang pag-iikot nyo at basahin nyo ito.

Naparami nang mga recruitment agencies noon na may deception sa contract, na pinarusahan nyo POEA at pinasuspend nyo kaagad para mapilit na marescue at marepatraite ang distressed worker(s). Kung ang ibang recruitment agency, na contract lang ang deception ay napakadali ninyong kakanain at tatakutin . Bakit itong agency na nagtake-advantage sa inyong vulnerable na sistema, ay wala kayong magagawa kundi ang umiikot lamang? Wala kayong ginawa kundi ang umikot lamang!

Ano ba ang attachment nyo sa recruitment agency na ito? at mas pinaboran nyo POEA ang agency kesa mga naghihirap na workers dito? O baka like nyo lang talagang umikot, ano? Please lang po tama na, pinaikot na kayo ng agency ng maraming beses. Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa nyo na yan? Umikot na lang ba kayo at iikot sa walang kataposang pag-iikot.. Ano ba yan?

Hindi ba kayo nahihilo sa kaiikot?

Please lang tumigil na po kayo kaiikot, pansinin nyo itong mga OFWs na naghihintay na tumigil kayo sa kahibangan na yan at tulongan nyo na po sila.

Dahil tungkolin nyo na tulongan sila kaagad at hindi nyo trabaho ang pag-iikot na yan. Kung gusto nyo talagang umikot, wag na kayong magtrabaho dyan at umikot-ikot na lang kayo sa mga bahay nyo.

Maging honest ako sa inyo, masaya akong pagmamasdan kayo, ang cute-cute nyo sa pagikot-ikot nyo na yan. para kayong mga robot na kontrolado ng agency na nagpapaikot sa inyo. para kayong mga temang..

God bless and more power everyone
Joseph

2013/11/9 Joseph Henry Espiritu

Dear All,

Let us make this simple, the two workers are not “Name Hires” . it was the agency who circumvented the procedure and took advantage of the loopholes of the POEA system..

Dapat magagalit ang POEA. kayo ang pinaikot dito, kayo ang nalusotan kayo ang naloko. Ang problema ginamit nyo pa ito para idiin lalo ang naghihirap na workers..

HINDI NYO NAINTINDIHAN.. PINAHIRAPAN NYO ANG MGA WORKERS DITO AT KAMI.. CRACKDOWN NA DITO .. MAY MGA RAIDS NA . .WALA PA RIN KAYONG CONCERNS!

Noon pa man, pinagdiinan nyo na ang “Name Hires” na yan, ang palagi nyong pinakinggan ay ang agency.. Walang nakinig or nagtanong man lang sa dalawang workers. Ano ang comment nyo doon sa sworn statements ng dalawa na pinadala namin sa inyo? Nagsabi na sila na hindi sila name hires.

Kahit may mga sworn statements na kaming pinadala, hindi nyo pa rin sila pinakinggan.. So ilang dipa pa ang pagpaliwanag namin, wala pa ring epekto dahil hindi kayo nakikinig sa side ng workers, doon kayo nakikinig sa agency, dinepensa nyo pa. Bakit? dahil maaring kasama kayo sa pagpalusot ng mga ganitong kontrata..

Maari tayong magtatalo ng ilang taon. pero may dalawang workers dito na kaialngan nyong tulongan. Hindi kayang talunin ng mga ebidensya nyong papel, papel, or system nyong bulok.. kung pakinggan nyo ang Katotohanan mula sa dalawang workers na naghihirap.

Ang itim ng mga puso nyo! Nagpapahirap kayo ng kapwa at ng kanilang mga pamilya; may GABA na parating sa inyo at sa inyong pamilya. TANDAAN NYO YAN!

Maraming salamat at Mabuhay sana kayo,
Joseph

Share this: