From: Joseph Henry Espiritu
Date: 2014-02-11 15:11 GMT+03:00
Subject: Patnubay Discreet Discussion: KSA HSWs Current Issues and Problems, our Suggestions and Recommendations
To: Amba Ezzedin Tago, Rafael Seguis ,”Sec. Linda Baldoz”, Admin Carmelita Dimzon, HANS CACDAC, Labatt Resty Dela Fuente,
Cc: Patnubay Partners and Friends
Note: with 21 PDF file attachments of (Discreet) HSWs’ Cases for the past two(2) months only
Discreet: HSWs’ Current Issues and Problems, our Suggestions and Recommendations
By: Tasio Espiritu on Wednesday, February 5, 2014 at 1:14pm
Invitation for Discussion
If mapansin nyo sa aming mga emails sa DOLE, POEA at OWWa ang palagi naming tinatanong ay kung nasaan na ang Bilateral Agreement..
Please find the attached 21 PDF file attachments of (Discreet) HSWs’ Cases for the past two(2) months only
Wala kaming nakikitang pagbabago, sa halip ay parang lumalala pa. Kaya, mabuti na rin siguro na pag-uusapan natin ito.
Balik tayo sa nasanayang war-game approach.
- Where are we?
- Where do we want to go?
- How do we get there?
HSWs Current Issues and Problems, our Suggestions and Recommendations:
May agency or wala kung hindi maayos ang paghire, hindi maayos ang contract, hindi nasunod ang contract at walang tamang action sa gobyerno sa atin or sa KSA, wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ng mga HSWs dito. Dapat titiingnang mabuti ang mga sumusunod.
Contract:
Alamin ang bagong standard contract.
Link: https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaWmV3Z0tZUXNvdDdXSTB1VmJ0NlRRNEtZT1k0/edit?usp=sharing
Questions
- is this standard contract ay mandatory ba ng Bilateral Labor Agreement in hiring?
- saan ba dapat ma-execute ang contract na ito, sa Pilipinas or Pagdating sa saudi?
Suggestions
- dapat mandatory ang contract at dapat maexecute ito sa Pilipinas hindi sa airport at lalong hindi sa pagdating dito.
- dapat mapaparusahan ang hindi sumunod nito or yong may intensyon na manlinlang.
Naimplement ba ito? Hindi.. example na lamang ay yong case ni Sitti Sarah (see attached pdf) na nagapply at nahire na janitress sa Pilipinas para magtratrabaho sa MODA daw pero ang totoo pala ay gagawing katulong sa bahay pagdating dito sa Saudi.
Papano sana napigilan ito?
Tamang verification sa identity ng employer, verification ng tamang contract na sang-ayon sa visa. Obligation ito ng POLO, Agency at POEA. Ang verification process ay proceso na yan noon pa man na wala pang Bilateral LAbor Agreement for Household service workers
Verification of Contract vs Visa:
Ito ang pinaka-common na dahilan kung bakit marami tayong problema hindi lamang para HSWs kundi para na rin sa mga non-domestic workers.
Ang verification process ay kasama na sa proceso at dapat lalo na ngayon na may Bilateral Labor Agreement na. Ang verification process sana ang una nating panangga laban sa pang-aabuso pero dahil may POLO at POEA tayo na approved lang ng approved ng contract na hindi mabubusisi lalo na sa pangalan at trabaho na nakalagay sa visa. Ang resulta, nadeploy ang worker na hindi maayos ang kontrata at pagdating dito ay naabuso.
- Sino ang unang mananagot kung may panlilinlang sa visa at contract? ang employer ba or ang agency or ang POLO / POEA?
- Sasabihin ng employer ako ay kumuha lamang ng katulong sa agency.
- Sasabihin ng agency, bakit nyo kami sisisihin samantalang ang nag-approve nyan ay ang POLO at POEA.
- Sasabihin ng POEA na hindi din sila dahil ang naverify ng contract ay ang POLO o di kaya ang agency ay hindi nireflect ang totoong profession at sponsor sa visa.
Tingnan natin ang mga cases sa baba re profession issue
- 聽Naghire ng janitress sa isang company, may contract di pala totoo. Ang visa pala ay katulong para sa bahay. Pagdating dito ang nasunod ay ang nakalagay sa visa, kailangan nyang magtratrabaho bilang katulong sa bahay ng sponsor nya sa visa..
- May case din tayo na naghire ng janitress para sa clinic, tama ang visa pareho ang sponsor at ang profession ng visa sa contract. Pero pinatrabaho as katulong sa bahay ng isang doctor or may-ari ng clinic
Ang dalawang cases sa taas ay malinaw na ang intention ng employer ay kumuha ng katulong. Pero sa hindi tamang na paraan at naging sanhi ng pagkalinlang ng kawawang OFW….
Ang advantage lamang ng second case sa taas ay maari syang magreklamo sa saudi labor office dahil ang visa nya ang janitress at covered ang janitress ng Saudi Labor Law. Ang pinagbabasehan dito ng profession ay ang visa at iqama.
Papano ito maprotektahan?
- tamang verification ng contract at visa ng POLO at POEA
Sponsor issue.
- Dapat malinaw sa contract ang pangalan ng employer na sa kanya din ang pangalan ng sponsor sa visa at iqama.
- Dapat sa sponsor lamang sya magtratrabaho, hindi sa kamag-anak or sa marami pang mga bahay.
Ang cases sa taas ay palaging nangyayari noon pa man at mas lalo na ngayon.
Papano ito maprotektahan?
- dapat malinaw na nakasaad sa contract ang pangalan ng employer at profession na dapat ito din ang sponsor at profession na nakasulat sa visa.
- hindi pwedeng magtrabaho ang HSW sa ibang sponsor
- hindi pwedeng ibang profession ang nakasulat sa visa ng isang HSW.
- at may parusa ang hindi susunod nito.
- dapat malinaw ang parusa sa bilateral agreement kung may panlilinlang sa kontrata.
Katulong sa KSA pero nahire sa ibang middle east countries dinala sa saudi with Visit Visa.
- Tama ang contract, tama ang working visa.. pero hindi para sa Saudi Arabia kundi ito ay para sa ibang bansa, kuwait, qatar, uae. etc.
- Dinala sa Saudi gamit ang visit visa (na magexpire ng 3 months)
- Marami ang gumagawa ng ganito.. yong iba before magexpire ang visit visa ay pababalikin nila ang HSW kung sa bansa kung saan sila ay may working visa. Magstay sila ng ilang araw doon hanggang sa makakuha ng panibagong visit visa para sa Saudi Arabia.
- Marami ang nagkaproblema nang maexpire ang visit visa sa saudi. hindi na makakaalis o makabalik sa bansa kung saan sila may working visa. Karamihan sa kanila ay naabuso at di makakareklamo. Kung magkakasakit o maaksidente di maipasok sa hospital, kung mamatay hirap din pauwiin. kung gusto nang uuwi di makakauwi dahil may penalty ang expired visa.May ganitong kaso na ang HSW ay iniwan na lamang sa airport. (please check pdf files.. re cases of jessica, cristina manicad or jerlyn.)
- ito ay malinaw na intent ng employer na hindi dadaan sa tamang proceso..
Sino ang sisisihin nito?
1. walang iba kundi ang employer.
Papano ito maresolbahan?
1. Dapat may sariling policy ang ministry of labor or ministry of interior or ministry of foreign affairs na ang lahat ng saudis na nagdala ng katulong dito mula sa ibang bansa gamit ang visit visa at paparusahan ng malaking penalty.
House (Private) Nurse namatay ang inalagaang pasyente
- May kaso tayo ngayon tungkol sa isang private nurse na namatay ang kanyang inalagaan na amo, at mahaba pa ang buohin sa contract.
- Hindi pa natapos ang contract ay namatay ang kanyang inalagaan
- Ngayon pinayohan sya ng mga anak ng kanyang inalagaan maghanap na laman ng trabaho sa labas.
- Ang makahanap sya nang clinic na mapagtratabahohan ay naningil naman itong unang sponsor ng 25 thousand sar.
- Lumapit sa polo at pinayohan sya na pupunta sila sa saudi labor office para magfile ng complaint
Reactions
- Ang house (private) nurse ay isang uri ng domestic worker at hindi sakop sa batas paggawa ng KSA. Hindi madaling maitransfer ang isang private nurse (domestic worker) para maging company nurse. hindi tama na maningil ng ganung kalaking halaga ang employer.. una Hindi ang worker ang nagbreach ng contract, dapat pa nga sasahuran sya ng buong dalawang taon kahit wala na syang work.
- Ang employer ang nagsuggest ng options sa worker, una kung uuwi ba, pangalawa ang itransfer na house nurse sa kakilala na colonel ng amo, pangatlo ay ang worker mismo ang maghanap ng malilipatan.
- Pinili ng worker ang pangatlo, Sya ang naghanap ng malipatan at nakapagtrabaho na sa isang clinic. Dapat magpapasalamat ang employer, dahil nawala na yong burden nila sa contract na obligado nilang sasahuran ang worker sa loob ng 2 years.
- Ang kanyang bagong employer ay willing kahit gagastos pa ito sa pagtransfer. maliban sa expenses pagprocess transfer (nagal kafala) ay magbabyad pa ng pagchange ng profession para maging company nurse.
- Ang problema ay naningil pa ng 25 thousand sar.. gustong pang kikita ng doble sa expenses nila paghire ng worker. Hindi ito tama . dapat pa nga ay matutuwa na sila dito dahil yong burden nila pagpapasahod kay anisa sa loob ng dalawang taon ay mawawala na.
- Hindi rin tama na ang employer nag magdecide na itransfer ang worker sa kaibigan nilang colonel na ang dating ay parang binibenta na nila worker sa iba, kahit labag ito sa kanyang kalooban.
- Mali ang payo ng polo na ireklamo ito sa saudi labor office dahil ang work ni anisa sa kasalukuyan ay isang domestic worker dahil momarida al bayt (house nurse) sya . kung aakyat ito sa court, at magtatagal idrop lang ang case at sasabihin ng judge na hindi covered ng saudi labor law as per article 7.
- Hindi kasalanan ng worker na nawalan sya ng work at may karapatan sya na tuloy-tuloy na sahod based sa contract. Wala ring kasalanan ang agency dito, pero maari silang makakatulong para ipaliwanag sa employer na hindi tama ang ginagawa nila.
Suggested Resolutions
- Kausapin ang employer, at tanungin kung magkano ang gastos nila sa pagrecruit sa worker.. divide by 24 months.. then recruitment expenses minus (the amount for the number of months na pinagtrabahoan).. or since hindi naman kasalanan ng worker na nawalan sya ng work. Hindi rin naman nakalagay sa contract na matitigil ang binding kung mamatay ang pasyente.. at sila bilang sponsor ay dapat tumupad sa contract at sasahuran si anisa ng two years may trabaho or wala.. and if mag-agree sila for transfer dapat wala na syang sisingilin pa. at lalong wag pang patuboan pa.
- kausapin ang agency . heto ang inyong nadeploy na worker.. ilang buwan lang ay wala nang work dahil namatay ang inalagaan. Obligasyon nyo na hanapan sya ng trabaho.. if may babayaran sa sponsor dapat ang agency na ang magbabayad dyan.
- Hindi man ito pangkaraniwan, hindi imposible na maulit ang ganitong scenario sa ibang HSWs in the future. kaya we would like to request Admin Hans na kausapin ang Ministry of Labor para sa mga HSW cases na katulad nito.
Rape or Attempted Rape
- May kaso tayo lately (check pdf file – kathryn) – sya ay narape . may ebidensya siya. yong semen sa bedsheets. pero ang alibi ng employer ay ginusto daw ng HSW..
- Ngayon nakulong ang employer pero maaring makakalaya at maaring walang private rights na maibigay dahil walang sign of struggles na maipakita si kathryn. Maari din syang makasuhan ng qadf kung mapatunayan na hindi rape ang nangyari.
Suggestions
- Dapat isama bilateral agreement, na ang lahat ng employer na mapapatunayan na nakipagsex sa kanyang katulong ay considered as rape.
- kahit walang struggle, rape na automatic yan dahil nasa sitwasyon ang HSW na wala syang kalabanlaban. Nasa bahay ng kanyang employer kung saan wala syang power para manlaban.
- Tanggalin na yang sign of struggle as evidence for rape. dahil if pilitin yong sign of struggle, ay maaring maraming mga katulong na makakapatay pa ng employer.
Other abuses
- physical injuries
- yong nagkasakit na hindi pinagamot
- yong naaksidente dahil pinapatrabaho ng hindi trabaho ng katulong
- delayed salary
Suggestion
- Iligtas, sagipin ang HSW
- Dapat parusahan ang abusadong employer.
- pauwiin ang HSW kung gustong umuwi
- hanapan ng bagong employer kung gusto pang magtrabaho (unconditional transfer, without the consent of the abusive sponsor but only with approval of the embassy and of the worker)
- Sa lahat ng pagkakataon ang naabusong katulong ang magdecide. Hindi ang employer, hindi ang POLO o ang embassy.
- Malaking bagay ba ang may recruitment agency din sa Saudi?
- Malaking bagay dahil makakatulong sila sa pakipagusap sa employer at para malocate kaagad ang HSW.
Sapat na ba yon na solusyon sa mga problema ng mga HSWs?
Hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng recruitment agency dito. Maraming kaso tayo na ang agency pa dito ang naging dahilan sa paghihirap ng HSW.
Halimbawa: sa kaso ni Florence (check pdf).. naabuso ng amo. tinawagan ang agency. ang ginawa ng agency binayaran yong amo.. pinauwi lamang si florence.
Pero gusto pang magtrabaho ni Florence. Pero ayaw ng abusadong amo na mailipat ito sa iba kaya walang nagawa si florence kundi umuwi lamang. Ngayon wala syang trabaho, walang pera, hindi nahabol ang agency. Hindi rin sya nakakuha ng mandatory insurance.
Sino ang kawawa nito?
Ang OFW, ang HSW na umaasang makapagtrabaho ng dalawang taon pero dahil takot ang agency na malaman ng gobyernong Saudi ang kapalpakan, at ang POLO /POEA na walang proper verification ay walang ibang paraan kundi pauwiin lamang ang naabusong OFW.
Illegal Transfer to a Different Kafil
Noon pa man marami na ang kasong ganito, hindi alam ng worker na nailipat sya sa ibang employer dahil ibinenta ng kanyang sponsor.
Suggestion
- Lahat ng transfer of sponsorship ay dapat may kasundoan at kasulatan na approved ng worker at ng ating embassy.
Balik-Manggagawa HSWs (uuwi using exit-reentry)
- Nang magkaroon ng standard salary para sa mga domestic workers na 400 USD (1500SAR), marami sa mga HSWs na matagal na nagsilbi sa kanilang amo ay naiingit dahil yong kanilang mga sahod ay nakapako pa rin sa 1000SAR or mas mababa pa. At dahil ayaw na nilang lilipat pa ng employer ang kanilang paguwi sa Pilipinas ay para magbakasyon lamang ( using exit-reentry visa). Para sa mga ganito, nirequire ng ating gobyerno ang bagong contract na may nakalagay na 400SAR para sa balik manggagawa HSWs.
Ang problema ay hindi nasunod yong contract na yon. Kadalasan ay may usapan na ang employer at HSW na ang contract na yon ay for formality lamang. Mayroon din iilang HSW na pumayag babalik sa parehong amo dahil sa panibagong contract. Pero nang nakabalik na, ang sasabihin ng amo na ang contract na yon ay for formality lamang.
Suggestion:
- Ngayon na may Bilateral Agreement na, dapat ang lahat ng HSWs ay hindi tatanggap ng sahod na mas maliit pa sa 400USD. Ang employer na hindi susunod sa standard wage na ito ay dapat lamang na parurusahan.
Tama ba na ang pagkakaroon ng Mega Recruitment Agency ang Solution sa mga problemang ito?
- Hindi, dahil itong mga agencies naman ng tinatawag nilang Mega Recruitment Agency ay sila rin itong mga agency noon pa.
- Mawawalan din ng direktang pananagutan ang abusadong employer dahil ang agency na ang maging sponsor ng worker. Bakit hindi janitress na lamang ang ihire para magtrabaho sa bahay ng 8 hours lamang, tapos uuwi sa accomodation ng agency. Ang importante sa Janitress ay sakop sya ng batas ng paggawa.
- Maari nyong dagdagan ang inyong comments
Drafted By Tas for Patnubay Online
Discussion Patnubay FB Group
Zhariya Silvestre Camid
Salam! Magandang pag-kakataon po na magkaroon ng discussion na ganyan. Just confirm us the preferred day and time so we can set our schedule din po.
Salamat po!
February 5 at 1:19pm 路 Unlike 路 1
Tasio Espiritu
wa alaikumu salam iha.. here we can start the discussion.
February 5 at 1:20pm 路 Edited 路 Like
Zhariya Silvestre Camid
Kung suhestyon palang pala ang agreement po na sinsabi noon, kelan kaya ito mapapatupad ng maipaglaban naman ang karapatan ng HSW. Hindi rin nga po sa lahat ng pagkakataon ay kasagutan ang agency pag hindi magkasundo ang employer at empleyado
February 5 at 1:26pm 路 Edited 路 Unlike 路 1
Tasio Espiritu and the fact that these are the same recruitment agencies we have now. kung saan napakaraming naabusong hsws natin.
February 5 at 1:27pm 路 Like
Zhariya Silvestre Camid
at pag doon nagkaaberya…hidni rin naman basta basta ang pag-rescue… sa huli ang sagot pauwiin nalang ang worker…ang masaklap naabuso na… daig pa ang double jeopardy…
February 5 at 1:32pm 路 Unlike 路 1
Tasio Espiritu
and with the MEGA Recruitment System. the HSWs ay parang nagwork sa isang manpower agency. Hindi na ang taga-bahay ang sponsor kundi ang agency na.. if that is the case then ang kanilang visa ay dapat hindi katulong. dahil on rental basis ito, ang employe ay nagbabayad sa agency ang agency ang nagbabayad sa worker. if masunod ang 1500sar (400usd) na minimum salary then the employer must pay to the agency a higher salary.. or babawasan ang sahod ng worker.. maari syagn ilipat sa ibang employer anytime kahit ayaw nya… hindi rin ito tama.. these are just some factors iha. na sa halip na aayusin lamang yong nasabi kong problema sa taas ay dadami pa ang mga problema nitong mega recruitmetn agency na ito. please check the link below.
ito yong link iha: http://www.gmanetwork.com/news/story/309496/pinoyabroad/news/saudi-arabia-accredits-10-mega-recruitment-agencies
February 5 at 1:38pm 路 Like 路 1
Minda Teves
No to MEGA AGENCY! gusto lang nilang i control ang tao at pati na ang suweldo..at sila ang me magandang trabaho..CONTROL!
February 5 at 2:01pm 路 Unlike 路 1
Tasio Espiritu
yon ang problema sa gobyerno natin ate minda and iha.. di nila alam ang puno’t dulo ng problema dahil sila mismo ang problema lalo na sa verification ng visa at contract.. not for hsws but for all workers
yes. ang mega agency ngayon ay nagign employer na.. lalo silang nadagdagan ng power.. samantalang ang lahat ng abuses or problema ng hsws ay matrace natin sa kanila.. ngayon pinagbigyan pa sila ng control.
nasaan na yong napagkasundoan ng bilateral labor agreement, na kailangang mabusisi ang pagkilatis ng employer na pagtrabahoan ng worker.. para safe ang worker sa bahay..
February 5 at 2:05pm 路 Like
Minda Teves
kaya nga eh..pinapaikot lang nila ang mga pobre..lahat ng mga migration policy na yan ay sila ang me design on their favor, kahit pagpapalitpalitan ng pangalan ng kanilang aksyon ganoon din ang kanilang TUKOY ang mag take advantage…hays!
February 5 at 2:11pm 路 Unlike 路 1
Jong Lagasca
Ang tanong..is this in line sa bilateral agreement or just a diverse action ng agencies specifically those big agencies to be more IN CONTROL from the law…
February 5 at 2:19pm 路 Unlike 路 2
Dette Monte
Nakikita ko na kuya na kung matuloy ang pagbigay ng kapangyarihan ng ministry sa MRA’s na yan , mas marami na naman ang malalgay sa alanganin magpa hsw man , skilled or professional, at sana sa tagal ng panahon na paulit ulit ang kwento ng mga naabuso, napatay na ofw lalo na sa hhw, alam na sana nila ang mga causes nyan..sirang plaka lang paulit ulit bah.
February 5 at 5:09pm 路 Unlike 路 3
Tasio Espiritu
i posted ka Lito B. Soriano’s views sa patnubay online .. may nagcomment dyan na at least di na daw lokohin.. .. noon pa man yong mga foreign owned recruitment agencies na ito ang palaging ugat ng problema.. ngayon iasa natin sa kanila ang ating mga kababaihan?.. malinaw na ang ating gobyerno ay hindi tutok sa mga problema ng ofws
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/10202199962093902?stream_ref=10
February 6 at 2:56pm 路 Like
Tasio Espiritu
by the way, i mentioned na if ganun na scenario na ang hsws ay sponsored by the agency and not by the employer na parang :
1.ang recruitment agency ay naging company na mismo ng worker
2.ang employer ay client lamang ng agency at doon sila nagbayad sa agency at hindi as salary ng workers
then kung ganun dapat ang visa na gagamitin ay janitress. in that way protected ng saudi labor law ang worker. hindi hsw na hindi kasama sa saudi labor law.
but is it safe for a janitress to work sa houses ? are they going to stay and sleep there katulad ng mga hsws?
or are they going to work there for 8 hours at uuwi sa accomodation katulad ng mga janitress sa company?
is it safe for our women to work sa ganung setup?
hindi kaya ito magigign daan for prostitution or any sexual crime?
Tasio Espiritu
This mega is trying to monopolize the recruitment business not only here in ksa but in Philippines as well?
re: recruitment agencies that will act as kafil for all workers .. maraming provisions ng saudi labor law ang masagasaan.. coz aside from being the recruiters, they will be acting as subcontractors also. and the fact that the MOL ay mainit ang ulo sa mga subcon dahil ito yong nakadefeat sa nitaqat.. kaya di magkaroon ng tamang percentage dahil yong companies ay naghire ng mga subcontractors. naging green sila without hiring any saudi national kundi mga expats from subcon din.