PATNUBAY EMPOWERMENT: How to check the first entry (working) visa of KSA-bound OFW
It aims to educate our government entities like POLO, POEA, OWWA, etc., on how to protect the rights of the Overseas Filipino Workers (OFWs) in the Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Noong 2012, gumawa ang Patnubay ng video para turuan ang ating gobyerno tungkol sa kanilang pagkukulang at kamalian na naging isa sa pinakamalaking sanhi ng mga problema ng mga OFW pagdating dito sa Saudi Arabia. Una, ang pagkakaiba ng pangalan ng employer sa tunay na sponsor, at ikalawa, ang pagkakaiba ng eksakto (o actual) na trabaho kumpara sa propesyon na nakalagay sa iqama.
Ipinaliwanag ng Patnubay sa kanila kung ano mga naging resulta at epekto nang dahil sa kawalan nang mabusising pagtitiyak (verification) sa first entry visa sa POLO, POEA at sa airport.
Mahalaga na masuri ang first entry visa at masiguro ayon sa mga sumusunod:
1. ang pangalan ng sponsor sa first entry visa ay dapat yun din ang pangalan ng sponsor sa iqama pagdating sa Saudi
2. ang propesyon na nakalagay sa first entry visa ay katulad din ng propesyon na mailalagay sa iqama pagdating ng worker sa Saudi.
3.dapat ang kumpanya at trabaho sa application ay yun din ang mailagay sa employment contract at sa kanyang first entry visa.
Naipaliwanag natin nang maayos sa naturang tanggapan ng ating gobyerno ang kahalagan nang mabusising pag-check ng first entry visa para mapangalagaan ang OFW pagdating sa Saudi Arabia. Pero, tila walang epekto dahil tuloy pa rin ang pagpapadala ng ating gobyerno ng mga trabahador dito sa Saudi Arabia na iba ang employer at trabaho sa nakasaad sa kontrata o sa first entry visa.
Heto ang video:
Kaya ngayon 2014, spoon feeding ang gagawin natin para matigil na itong mga problema na sanhi ng magkakaibang kafil (sponsor) at propesyon. Umaasa pa rin tayo na sana maintindihan na nila ito. Ito ay para sa kapakanan ng mga OFW din na papunta sa Saudi Arabia. Para sa mga bagong employer, maari nyo ring i-check ito base sa mga sumusunod na illustration at text:
1. Visit this link: https://visa.mofa.gov.sa
2. Click English
3. In Query Section, choose “Visa Issued from MOFA”
4. Enter the Visa number
5. Enter the Sponsor ID Number
6. Enter Image Code in the text box
7. Click Inquire
Ang lalabas na result sa iyong query ay arabic. Maari nyo itong itranslate gamit ng google translator or auto translator.
Visa Query Result from mofa.gov.sa
Checking the First Entry (working) Visa in Passport
Sa mga OFW na gustong icheck ang kanilang First Entry (Working) Visa sa kanilang passport, nasa baba ang ating explanation kung ano ang ibig sabihin ng mga nakakasulat sa inyong visa.
Fist Entry (Working) Visa in Passport Explained
Dahil karamihan ay hindi marunong magbasa ng Arabic. Gamit ang illustration na ito, maari nyong icheck ang inyong First Entry (Working) Visa sa website ng Ministry of Foreign Affairs ng Saudi Arabia. Ang dalawang (2) fields na may check mark (✔) ang inyong kailangan para macheck ang inyong visa.
Visa Yellow Slip as Reference for Checking the First Entry (working) Visa
Ganito (see illustration below) ang isusumiti ng employer/company sa POLO at kasama ito sa pag-verify ng contract. At kung maayos lang ang ating POLO sa verification process, ay maiiwasan sana ang mga kaso sanhi ng pagkakaiba ng pangalan ng sponsor at propesyon ng worker sa visa at contract.
Kahit Arabic pa ang nakasulat sa visa reference slip, hindi ito dahilan para hindi maverify ng maayos ng POLO dahil ang ating gobyerno ay may sinasahorang tao na marunong magbasa ng Arabic para sa verification process. Sya ang unang magreview ng visa at ng contract bago ito tatakan ng “VERIFIED” at pirmahan ng Labor Attaché.
Maaring hindi alam ng Labor Attaché na nakalusot or sadyang pinalusot ang contract na hindi magkatugma sa visa. Kaya ating i-educate ngayon ang ating mga Labor Attachés kung papano magcheck ng visa kahit hindi sila marunong magbasa ng arabic.
Visa Yellow Slip
Gamit ang illustration na ito, maaring icheck ng Labor Attaché ang First Entry (Working) Visa ng workers sa website ng Ministry of Foreign Affairs ng Saudi Arabia. Ang dalawang (2) fields na may purple na circle (☻) ang kanyang kailangan para macheck ang visa ng worker.
Related Videos
Ang mga sumusunod na videos ay iilan lamang sa mga kaso ng OFW na sana ay naprotektahan kung naicheck lamang ng maayos ang kanilang mga visa.
- One Thursday Night in Riyadh with 49 Distressed workers
- OFWs Speak: 18 Empowered Workers of Exit 3 (Thumama) Riyadh
- OFWs Speak: 275 Distressed Workers at Exit 34
- OFW Speaks – Rodel Balais Talacay
- OFWs Speak: Six (6) Workers from Al Qaseem
- OFWs Speak Jaygom Ortega and Glenn Maglinis
Mabuhay ang mga OFW!
Drafted by Tasio Espiritu For Patnubay Online
First Posted in Facebook.com/PatnubayOnline