SONA 2012 – So Ano Ang Kulang?
By Tasio Espiritu
First posted in Facebook.com
January 23, 2012
1.) PNOY said
“Ito po ang proseso ng pagpapagamot para sa kanila: Papasok ka sa alinmang ospital ng gobyerno. Ipapakita mo ang iyong PhilHealth card. Magpapagamot ka. At uuwi kang maginhawa nang walang inilabas ni isang kusing…”
“Sa tuwing haharap ako sa isang OFW na nagsasabing, “Salamat at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa Pilipinas,” ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito…”
Ano ang kulang ?
Kailangan po namin kayong mga OFWs na magbayad ng Philhealth para mapatupad ang mga programa nito. Pasensya na po kung sa paraang sapilitan namin kayong sinisingil. Pagdating ng panahon ay maintindihan nyo rin kung bakit namin ginawa ito.
Una wala pang pera ang gobyerno at kayo na lang ang tanging pag-asa namin para mabigyan ng Philhealth ang lahat ng mamamayang Pilipino. Ipinangako ko rin habang ako ang Pangulo hindi namin nanakawin ang pera nyo sa Philhealth.
Uulitin ko, sana maintindihan nyo ang gobyerno kung bakit namin ginagawa ito.. Pagdating ng panahon, sa mga susunod na henerasyon kayo ang mga tunay na bayani.
2.) PNOY said
“Nariyan po ang kaso ng North Rail. Pagkamahal-mahal na nga nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa lalo …
“Nariyan ang walang pakundangang bonus sa ilang GOCC, sa kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya….”
“Nariyan ang isang bilyong pisong pinasingaw ng PAGCOR para sa kape….”
“Nariyan ang sistemang pamamahala sa PNP na isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45 porsiyento ng kapulisan, para lang kumita mula sa lumang helicopter na binili sa presyong brand new….”
Ano ang kulang ?
kaharap ko pa rin ngayon ang mga kawatan at ang lakas pa nilang pumalakpak.
3.) to be continued.. ang pinaka-importante sa isang speech ay sincerity ng speaker.. maganda ang speech ni President Noy.. kaso half honest sya.. which to us in patnubay half honest and half truth are still LIES!
4.) During the SONA Senate President Enrile and Speaker Belmonte talked about amending our constitution..
Ano ang kulang?
how about abolishing the pork barrel system?
