Patnubay Leaks 2014: Our Victory, Ate Marife Anzano’s Fight for OFWs !

Share this:

Patnubay Leaks: Our Victory, Ate Marife’s Anzano’s Fight for OFWs !

Subject: Our Victory, Ate Marife’s Anzano’s Fight for OFWs
A Must Read, A Shame on PNOY’s Government!
To:  Philippine Government Agencies, NGO Partners, Fellow Advocates and Media Friends

This is a must read if you are a person who upholds the principles of truth, fairness and justice.

Noong December 26, 2014, naka-uwi si ate Marife Anzano sa Pilipinas, pagkatapos ng isang taon at kalahati na pagtitiis sa kamay ng POLO Al Khobar.

Nakauwi si ate na hindi alam ng amo nyang babae, hindi alam ng taga polo at hindi alam ng agency.  So, walang sapilitan na quitclaim napapirmahan para hindi makapagkaso sa kanyang agency at walang sapilitan na attestation letter na napirmahan na maayos ang serbisyo ng POLO Al khobar.

Maganda ang nangyari at maipagpatuloy ang laban ni Ate Fe sa Pilipnas, laban sa kanyang agency at laban sa mga abusadong taga-POLO na maliban sa nagpabaya sa paghawak ng kaso nya, ay harassment pa ang ginawa sa kanya, sa halip na tulongan nila.

Nasa baba ang one hour plus video interview namin kay Ate Fe.

Sa mga tao na may puso, maaantig kayo sa ordeal na pinagdaanan ni ate Fe; ang kanyang struggle, ang pakikipaglaban sa karapatan at paghihirap sa pang-aapi na ginawa ng POLO Alkhobar sa kanya.

Nasa baba din ang summary namin tungkol sa kanyang kaso if wala kayong time na panoorin ang video. Nasa baba ang previous email namin tungkol kay ate Fe.

Naka-attached din ang mga reklamo ni ate Fe sa mga ahensya ng gobyerno sa Pilipinas. Ang mga ahensya ng gobyernong dedma.

Marife Anzano Story

Ang kaso ni Ate Fe ay napakasimple lamang sana. Pero kahit isang beses ay walang nagawa na tama ang mga tauhan ng POLO Al khobar, maging ang mga ahensya ng gobyerno natin dyan sa Pilipinas.

Si Ate Fe ay nagtrabaho sa parlor na pagmamay-ari ng Pilipina na may asawang Arabo. May labor disputes katulad ng sobrang oras sa trabaho, ang sahod sa contract ay hindi nasunod.. at pagiging beautician hindi sa parlor kundi sa bahay-bahay.

Dumulog si Ate Fe sa POLO ERO, Noong ni Ate makausap sa telepono ang coordinator ng POLO sa Jubail, ang sabi sa kanya ay “mananagot ang employer mo na yan!”.

Pero nang bumisita ang taga-POLO sa Jubail kasama ang kanilang coordinator at kaharap ang mga amo ni Ate Fe.

Ang nangyari sa halip na tulongan ng POLO, si Ate Fe pa ang pinahingi ng sorry at sinabihan na pababayarin ng 17thousand Saudi Riyals na refund daw sa gastos ng kanyang employer.

(ganyan ang kadalasan na problema sa mga taga taga-POLO at mga coordinators nila. Sa halip na kakampihan ang workers laban sa mga amo, ay sa amo sila kumakampi.

Lalo na ang mga coordinators dahil sila ang nilalapitan ng mga employers na gustong magpa-verify ng contract sa POLO. Hindi pa nakapaghire ng tao ang employer, kaibigan na nla ang taga polo or ang coordinator ng polo.)

Kaya kung may disputes between employer at worker, ang solusyon dyan ay magiging fair at siguradong magkakaroon ng maayos na resulta.

Fair kung kakampi ang POLO sa OFW dahil trabaho nila protektahan ang mga OFW. Fair lang din kung magpapagitna.

Ang hindi tama ay ang palaging ginagawa ng POLO Al Khobar na doon pa sa employer kumakampi at pagagalitan pa ang worker sa harapan ng employer. O di kaya mag-usap-usap na hindi isasama ang worker.

Nang hindi magkasundo at alam ni Ate na wala syang maasahan sa POLO, pasekreto syang nagsampa ng complaint sa Saudi Labor Office sa Jubail.

Akala ng kanyang amo at nang POLO na tumakas si Ate. Pero nang tinawagan ng taga-POLO ay nakabalik na ng bahay si ate.

Pumunta ulit ang taga POLO- Alkhobar sa Jubail kasam ang kaniang coordinator. Sa halip na dalhin nila si Ate sa al Khobar ay idiniritso nila sa police station.

Ipapakulong daw nila at nag-runaway. Mabuti na lamang at nauna nang nakasampa si Ate Fe sa Saudi labor office ng complaint.

Sinabihan ang taga POLO at ang employer ng taga police station na hindi ninyo pwedeng ipakulong ito dahil may pending case sa saudi labor office.

Ayaw na ni ate babalik pa sa kanyang employer so intinurn-over ng among Saudi ang custody ni Ate Fe kay Samuel Madrid, ang POLO Officer.

Galit na galit ang coordinator ng POLO sa Jubail kay ate fe kung bakit nagkakaso pa sa Saudi Labor Office laban sa employer nito.

Dinala si ate ng taga POLO doon sa shelter ng POLO para sa mga runaway na domestic workers na inuupahan na bahay ng isang translator ng POLO.

Doon sa shelter nag-stay si kasama ng mga runaway domestic workers at alam na alam ni ate kung gaano kasama ang trato ng POLO sa mga distressed na kasambahay na nandoon.

Sa Preliminary Commision, aka Lower court ng Saudi LAbor office.. as expected at palaging nangyayari, ang translator during court hearings ay taga polo rin.

Mag-isang lumaban si Ate sa Saudi Labor office habang ang translator ay di naman ginampanan ang kanyang trabaho. Ang naging hatol ay babayaran si ate ng money claims nya, exit visa at ticket.

Hindi nakuntento si ate sa naging desisyon dahil alam nya na hindi naiparating ang kanyang gustong sabihin doon sa korte.

Kaya, nag-apela si ate sa desisyon ng korte sa Higher Commision.. Ang pag-apela ni Ate ay kinagagalit lalo ng coordinator ng POLO sa Jubail at pinagsalitaan si ate ng masamang salita na may halo pang pagbabanta sa buhay ni ate maging sa kanyang asawa.

Ang asawa ni ate ay nasa dammam din. Legal sila na mag-asawa Pinas at dito sa KSA. Ang lalong kinasasakit ng loob ni ate ay pinagsabihan pa siya na hindi nya totoong asawa ang mister nya.

Dahil sa pananakot at pagbabanta ng coordinator ng POLO sa Jubail, nagfile ng complaint si Ate Fe sa police station laban sa coordinator ng POLO sa Jubail.

Hanggang sa dumating sa prosecutor’s office. Sinamahan sya ng translator na taga-POLO na naman. Kaya, as expected hindi naiparating ng tama ang complaint ni Ate Fe dahil ang translator ay taga POLO din. So malayang malaya ang coordinator, tuloy ang kanyang ligaya at pagpower trip.

Isang epekto sa pagsumbong ni Ate Fe sa police station ay nang tinanong siya kung saan siya nakatira. Sinabi niya ngayon na nasa shelter Philippine Embassy ng mga runaways.

Hindi naman alam ni Ate Fe na illegal ang pagkaroon ng shelter ng runaways sa Eastern Province at illegal din ang pagkaroon ng embassy office sa eastern province.

Kaya minamadali ng POLO na paalisin ang mga runaways sa shelter. Yong mga runaway na nasa illegal na shelter sa dammam ay dinala dito sa riyadh.

Wala nang na-abutang runaway ang mga police nang binisita nila ang bahay.

Maganda na rin na nasara yon dahil doon nakaranas ang mga kababaihan ng pang-aabuso sa kamay ng mga taga polo.

Remember sa case ni adam musa?. Saksi si Ate Fe at marami syang isisiwalat na estorya sa mga pinaggawa ng mga manyak na taga POLO doon sa shelter. Lalo na daw sa abusadong coordinator na kunwari ihahatid sa airport ang runaway, may dadaanan pa palang ibang lugar.

Ngayon, tingnan nyo anga sama ng ugali ng POLO. Pinapakalat pa nila ang kwetno na nasara ang shelter dahil isinumbong ni Ate Fe sa police.

Walang alam si ate fe na illegal ang shelter doon. Sumagot lang si Ate Fe sa police dahil tinanong sya kung saan sya nakatira.

Isa pang ginawang kalokohan ng POLO Al khobar ay pinagawa nila ng sulat ang mga distressed kasambahay sa shelter at pinapirma na isang hindi mabuting babae si Ate Fe.

Ang masama talaga na amoy kahit anong tabon ay lalabas, dahil ang lahat ng mga pumirma doon ay nagsulat kay Ate Fe na pinilit sila ng POLO at wala silang magagawa dahil maapektuhan ang kanilang pag-uwi.

Si Ate Fe ay naiwan sa Dammam, pinabayaan ng POLO al khobar na may papel pa naman sila na custody nila si Ate Fe.

Kaya si Ate Fe ay nangupahan na lang ng kwarto sa flat ng kababayan at sinuportahan ng kanyang asawa na nagtatrabaho sa Dammam.

Lumapit sa Patnubay si Ate Fe noong wala na syang mahanap na kakampi para sa labor case na inapela nya at para ipagpatuloy ang police case laban sa coordinator na nagbanta at nambastos sa kanya.

Sa kanyang apela sa labor case, humiling tayo ng tulong sa aking pinsan na taga-Dawah Islamic Center sa Dammam para maging interpreter ni ate sa kanyang apela sa Higher Commission.

Natapos ang kasao, walang nabago sa desisyon. Kung ano ang desisyon ng lower court ay ganun din ang sa Higher Commission.

Ang kagandahan nga lang ay satisfied si Ate Fe sa naging resulta, dahil nakita nya nag pagmamalasakit ng interpreter mula sa Dammam Islamic Center.

Nabayaran si Ate Fe, nabigyan ng ticket at exit visa. Nakauwi na hindi alam ng POLO at ng kanyang agency. Maging malaya siyang ipagpapatuloy ang kanyang laban sa Pilipinas. Dahil wala syang napirmahang quit claim at attestation letter na kadalasan pinapapirmahan ng sapilitan ng POLO Al khobar sa mga distressed bago umuwi ng Pilipinas. Quit claim para di na makapagkaso laban sa agency at employer pagdating sa Pinas at attestation letter na maayos ang serbisyo ng POLO.

Sa police case na naifile ni Ate laban sa coordinator. Nasarado ito na hindi nya alam. Expected natin ito na mangyari, dahil madali lang sa taga POLO ang magsabi sa Police, na napatch-up na namin ito. Kaya, nang binalikan ni Ate Fe ang Police Station at umiyak sya doon. Kaso na-closed na ang case.

Tinulongan ng Patnubay si Ate Fe na gumawa ng sulat para sa Governor of Eastern Province para ire-open ang case at imbestigahan ang abusadong coordinator ng POLO sa Jubail. Nang ipapatranslate na sana namin ang letter to Arabic, nabalitaan na lang namin na namatay na ang coordinator ng POLO. dahil sa bangungot.

Yan ang karma, yan ang gaba sa kanyang ginawa sa isang babae na matanda na, na inaapi na nga, inaapi pa lalo sa halip na tulungan ng mga tauhan ng gobyerno na dapat umalalay sa kanya.

Samuel Madrid, Manny Toledo, napakasama ninyo na mga tao. Wala kayong respeto sa matandang babae.

Para kayong mga walang kapatid na babae, para kayong walang mga anak na babae, para kayong walang mga nanay.

Kung gaano kasama titingnan ang mga pagmumukha ninyo, pinaindigan ninyo na rin na ganyan na ang mga ugali ninyo!

Alex Padaen naintindihan kita kung bakit galit ka sa babae dahil yon ang frustration mo. Sorry, hanggang sa pagiging mahinhin ka lang.

Secretary Baldoz, sa dami na ng mga complaints namin, bakit parang enjoy na enjoy ka sa ginagawa ng mga tauhan mo dito?

Sana inisip mo na ikaw ay isang babae…at di mo ba alam na ikaw ay napakatanda na rin?

Sana, Secretary Baldoz, tinugunan nyo ang complaints ni ate Marife Anzano. Sabagay kung si Musa nga at si Villafuerte, iniligtas mo.

Mag-iingat kayo sa dasal ng mga inaapi nyo!

I spoke with Amba Tago, at tinanong ko siya kung anong actions ang ginawa niya sa complaints na naisubmit ni Ate Fe sa embassy laban sa mga taga-POLO.

Ang sabi ni amba ay pinapasagot niya ang POLO at pareho nyang naiforward sa DOLE at complaints ni ATe at sagot ng POLO. Which is just fair to me, dahil kahit ano pa ang gagawin ni amba di naman noya sakop ang mga taga POLO..

Itong {adaen, sa halip na hihingi ng tawad kay Ate Fe. Alam nyo ba ano ang ginawa?

Noong nandito pa si ate Fe sa Saudi at kasalukyang hinintay ang result ng labor case ay tumawag pa ang Paden sa kanya na may halong pananakot ginamit pa ang pangalan ni Amba.. “Pinapunta ka ni Ambassador Tago, nagcomplaint ka kasi laban sa amin”.

I clarified with Amba Tago if true ba na pinapunta nya si Ate Fe Anzano sa Riyadh.

Ang sagot ni amba ay yon ay dahil sa request ni Ate Fe ng shelter.. Pinaliwanag ko kay amba na hindi pwedeng pumunta si Ate Fe sa time na yon dahil may pending appeal sya sa Higher Court ng Saudi Labor Office sa Dammam at in-explain ko kay Amba Tago na si ate fe ay umupa ng kwarto sa Dammam para doon mag-stay habang nilalakad nya ang kaso niya.

Yon sana ang hiling niya sa government matulongan sya sa kanyang rent sa kwarto. Dapat lang sana na government ang magshoulder ng expenses dahil kay Samuel Madrid sya itinurn-over ang custody mula sa kanyang amo.

Para sa lahat, nasa baba ang buong detalye ng kwento ni Ate Fe, Naka-attached din dito ang kanyang mga complaints letters para sa mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na hanggang ngayon ay wala pang tugon sa kanyang reklamo.

Nakarecord din kami ng Video interview kay Ate Fe.

Mabuti pa sa gobyerno ng Saudi Arabia, may hustisya.. Sa gobyerno ng Pilipinas. enjoy na enjoy sila sa mga pang-aabuso ng mga tauhan na pinadala nila rito.

Baldoz, Padaen, Madrid at Toledo, nguyain nyong mabuti ang pagkain nyo sa pagsalubong ng bagong taon..

Alalahanin ninyo na yong pagkain ninyo na yan, mula yan sa pera ng mga OFWs at mamamayan ng Pilipinas na katulad ni Ate Fe.

Ang lalaki ng mga allowances at mga bonus nyo pero sa halip na magserbisyo kayo ng tama, kayo pa ang nang-aabuso.

Napakasama ninyo na mga tao. Sana hindi rin kayo mabangungot. Sana maghihirap kayo sa sa wheelchair, na ngiwi ang mga mukha, at pagtatawan kayo ng mga tao na inaapi nyo.

Here is our video Interview of Ate Fe Anzano

Maraming salamat at Maligayang bagong taon,

Joseph Henry Espiritu
for Patnubay.org

Share this: