Patnubay Advocacy Group Going Ten
First Posted in Facebook.com/PatnubayOnline
Kapayapaan!.. Papuri sa Nag-iisang Tagapaglikha, sa Kanya lang tayo nananalangin at humihingi ng awa.
Maligayang bagong taon sa lahat! Sana sa 2015 ay mas dadami pa ang mga servant at principle-centered leaders na ating mahahanap at makakasama saan mang panig ng mundo. Alam natin na marami pa sa paligid ang tumutulong ng walang hinininging kapalit na hindi pa natin nakilala. Alam natin na marami din sa paligid ang hindi ipinag-palit ang prinsipyo sa sariling mga interes.
Alam din natin na marami na rin ang sumusunod sa halimbawa na ating pinapakita.
Balang-araw ay magpang-abot din tayo lahat dahil iisa lang ang ating hangarin at adhikain.. iisa lang ang ating direksyon.
Hindi natin kailangan ng taga-hanga, taga-puri at kahit pasasalamat. Ang kailangan natin ay mapapasunod ang kawanggawa at prinsipyo na ating tinuturo.
Magsampung-taon na pala mula nang ginamit natin ang pangalan na Patnubay. Nasa mga links sa baba ang ating guide, ang ating lubid at palagi nating tatandan na hindi tayo lilihis nito, hindi tayo bibitaw nito.. ito palagi ang Bibliya ng ating adbokasya.
Link1: http://patnubay.org/?p=5388
Link2: http://patnubay.org/?page_id=44
Walang bibitaw sa lubid na yan. Mawawala man ang Patnubay o maaring magbabago ulit tayo ng pangalan. Ang mahalaga ay ang aral at ang prinsipyo na ating ipinakita sa ating kapwa ay mananatili sa kanilang mga puso para may magpapatuloy sa sinimulang adhikain ng mga sinaunang bayani at sa mga kawanggawa ng mga naunang servant leaders.
Mabuhay ang mga OFW, Mabuhay ang Pilipinas!