Tula: Ang Bag Ni Inday

Share this:

Ang Bag Ni Inday
Ni Jovelyn Bayubay Revilla

Namulat kami sa kahirapan
Buhay na minsan pag-asa ay sinukuan
Mga katanungan na minsan sagot ay hirap matugunan
Kailan ba aasenso ang tulad namin nangangarap ng kaginhawaan?

Sa eroplanong aming sinakyan
Sa alapaap na sarap hawakan
Luhang pumatak sa huling sandaling pamilyang sinulyapan sa paliparan
Tibay ng dibdib ito ang katurapan
Bansang aming pupuntahan isang sugal
na walang kasiguraduhan
50-50 ang laban
Salitang bahala ito’y para sa kinabukasan

Sigaw…Sigaw..Sigaw musika sa aming tainga
Pagod…Gutom..Puyat sahod ay di kasya
Diskarte kaya basura ay kakampi sa mga gamit na tinatapon nila
Ang tulad namin na di kaya ang mamahaling damit, panty at bra
Saan ba kami kukuha ng original na sapatos at bag Ma’am iha?
Eh di sa mga Madam namin na mababait na magbigay ng mga gamit na ayaw na nila!

Bugso ng damdamin ay di mapigilan
Makahawak ng mga gamit na pinapangarap lang namin na mahawakan
Ito’y ipagkait naman ng pamahalaan
May tax-tax naman kayong nalalaman
Pordosporsanto Santisimang Timaan!

OFW nalang ba lagi ang inyong pag iinitan?
Ano ang nagawa naming kasalanan sa Inang Bayan?
Kulang pa ba ang buhay ng iba naming kababayan na umuwi na patay na ang katawan?
O baka gusto ninyo kahon na kami lahat na uuwi bago kayo matauhan?
Nag party na ang mga Buaya naka upo sa panunungkulan!

Hermes at Chanel kayo dyan mura lang ‘yan!

Share this: