HUWAG MANG-RAPE AT HUWAG MAGPA-RAPE!
Sa batas ng ibang bansa kapag hindi nagsabi ng “yes” ang partner mo bago kayo magtalik, ay rape na yon. Kahit asawa mo pa sya.
Kaya alamin ang mga bansa na yon para hindi makasuhan ng rape at magsasanay na sa ganitong pag-uusap bago makipagtalik sa iyong asawa.
Magtanong ka sa kanya ng “Dear Sex tayo?”
Dapat sasagutin niya ng “yes”
At dapat magtatanong din siya ng “Sex tayo?”
At sasagutin mo dapat ng “yes”
May mga bansa naman na ang batas ay “No” lang ang sasabihin at rape na sa kanila yon.
Kaya alamin din ang bansa na yon. At pag-uusapan nyo ng kapartner mo na ‘wag kailanman magsabi ng “No”. Tandaan ninyo lagi na kahit kailan bago magtatalik o habang nagtatalik, ay wag magsabi ng “No” kahit ito ay expression pa ng satisfaction.
“Dear Yeeees”
“Oh Nooooo”
“Dear say Yeeees”
“Nooooo”
“Dear I said, say yeeeesss”
“Noooo Oh Noooo”
“Dyan ka na nga, bahala ka sa buhay mo”
May bansa din na ang batas nila ay sapat na yong salita na nasaktan.
Kaya kung makarinig ka sa partner mo ng “Ouch”, “Aray” o “Agay”, ay rapist ka na.
Judge to witness : anong narinig mo sa kabilang kwarto?
Witness: “agay kalami ba oy.” yon lang po your honor.
Judge to accused: you are gulity!
Pero sa KSA o sa ibang mga Arab countries ay iba ang batas nila..
Ang una ninyong tatandaan ay bawal makipagrelasyon o makipagtalik sa hindi mo asawa. Dahil kung mapapatunayan na nilabag ang batas na ito, ay siguradong may parusa.
Sa pag-akusa ng rape, mahalagang ebidensya ang “signs of struggle” katulad ng sugat, pasa, o kahit kalmot lang.
Dapat sumasang-ayon ang medical exam sa mga “signs of struggle” at kung may seminal fluid dapat ma-DNA test ito.
Kung mapapatunayan na totoo ang rape, ay maparusahan ang inakusahan. Kung mapatunayan naman na di totoo ang rape, ay may parusa sa nag-akusa.
Ano ang mga kadalasan na parusa sa ganitong kaso?
1. Para sa qadf (slander), ang false accusation of rape ay may hatol na kulong at lashes (palo)
2. Para sa zina (adultery/fornication) naman ay dapat may 4 witnesses na magpatunay. Ang hatol ay kamatayan kung may-asawa ang naakusahan. Kulong at palo kung walang asawa.
3. Sa kasong sharmota (prostitution), kulong at lashes ang hatol.
4. Kung totoong rape, maaring igiit ng biktima na sundin ang hatol ng zina (point 2) o maaring magpapabayad ang biktima ng compensation sa moral at material damages plus may kulong at lashes na ayon sa parusa sa batas.
5. Para sa qatl (murder), halimbawa pinatay pa yong biktima, ang hatol para sa qatl ay kamatayan kung ayaw ng pamilya ng biktima na magpabayad ng bloodmoney.
6. Kung may kasama na kasong hiraba (heinous crime) pa, halimbawa sa hiraba ay kidnapping, highway robbery, ang hatol nito ay kamatayan. maliban na lamang kung ang biktima ay hihiling ng compensation for moral and material damages. Kung higit sa isa ang akusado sa hiraba, may mahahatulan sa kanila ng kamatayan, at may maligtas sa kamatayan para magbabayad sa biktima. Kung higit sa isa ang biktima, hindi maligtas sa kamatayan ang akusado kung kahit isa sa mga biktima ay hindi magpapatawad.
Sino ang nakaalala sa kwento ng Qatif rape case noong 2007 ?
Backgrounder: May isang babae na taga-Qatif, KSA na nagkaroon ng karelasyon na lalaki sa phone. Nagpadala siya ng mga photos sa lalaki na karelasyon.
Nang ang babae ay ikakasal na sa ibang lalaki, itong si phone-pal na lalaki ay nangblackmail sa babae na kung hindi ito makipagkita sa kanya ay ipapakita nya ang photos sa mga kamag-anak ng babae.
Sa takot ng babae na maexposed ang lihim, nakipagkita siya sa lalaki para kunin ang photos.
Ang problema nang nagkita ang magphone-pal. Habang nasa daan, sa loob ng kotse ng lalaki, sila ay hinarang ng isang gang ng mga lalaki, pumasok ang ito sa kanilang sasakyan at silang dalawa ay nakidnap; at ang babae ay nagahasa pa ng buong gang maraming beses.
Nahuli ang mga kidnappers at nahatulan ng hanggang sampung taon na kulong at hanggang isang libong lashes.
Pero ang babae na biktima at ang phonepal na nangblackmail sa kanya ay nahatulan din ng anim na buwan na kulong at 80 lashes for zina (adultery).
Dahil sa batas ng Sharia ay hindi sila dapat magkasama sa sasakyan dahil hindi naman sila mag-asawa.
Domoble pa ang hatol ng dalawa nang inamin ng babae na may relasyon sila ng lalaking kasama. Nabigyan naman ng pardon ni King Abdullah ang babaeng biktima.
Yan yong kwento tungkol sa Qatif rape case, bawat batas na nilalabag ay may katumbas na parusa.
Ang mga batas na yan ay hindi lang para sa KSA kundi para sa mga bansa na Shariah Law ang gamit.
Kahit pa sa sinabi nilang open countries or open cities. Maaring maluwag lang ang mga bansa na ito sa pag-implement ng batas pero kung may mahuhuli at madadala sa korte, Shariah law pa rin ang ipapatupad at parehong hatol pa rin ang ipapataw.
Kaya, mahalaga na alamin ninyo ang batas ng bansang paroroonan, dahil kung iba’t-ibang nationalities and culture ang magcollide, hindi ang batas ng bansa mo ang masusunod, kundi ang batas ng bansa kung saan naganap ang karumaldumal o kaluwalhatian.
Halimbawa na lamang tungkol sa alegayson ng isan OFW na kamakailan lang ay nagvideo na umiiyak na narape daw sya ng amo nang maraming beses.. Ito dapat ang mga punto na dapat pagtuunan.
1. Hindi sapat na proof ang hindi sya nagsabi “yes” o nagsabi sya ng “no”.
2. Mahalaga ang signs of struggle.
3. Dapat narescue nya yong spillage ng fluid ng inakusahan nyang rapist.
3. Dapat nagsumbong na sya kaagad noong unang beses pa lang at hindi na dapat naulit-ulit pa.
4. Nagclaim sya na narape pero sa mga petsa pagkatapos nyang sinasabi na nahalay sya hanggang sa araw bago sya nanawagan na marescue, ay may mga live videos sya sa fb account nya na sya masayahin at wala syang sinabi na sya ay narape.
5. Nakakasira din yong pagpakita nya sa live video na nakadamit na nagpasexy.
6. at may maraming cctv pa sa paligid na maaring narecord ang lahat ng mga galaw niya habang naglive video.
7. Nang siya ay nagvideo at nanawagan na marescue, ay iba na ang kanyang pananamit, nakatarha, at umiiyak na gusto nya ng umuwi dahil narape daw sya ng walong beses sa mga nagdaang buwan.
9. Pero yong previous videos naman na walang tarha at kita yong balat ay natural na natural ang kanyang kasiyahan na kausap ang marami nyang mga viewers sa fb.
5. Yan ang mga mahahalagang punto na makakapahina sa kanyang alegasyon na rape. Kung totoo man na narape sya.
Mahalaga na alamin din ang kultura ng bansang pupuntahan.
Halimbawa, sa KSA o saan mang lugar na ang kultura ay hindi dapat nakalantad ang balat ng katawan ng babae.
Dapat alam ng mga gustong magwork dito na kahit sa FB account nila ay dapat nakabihis ng maayos.
Kung meron mang photos or videos pasexy, ‘wag itong ipakita as public post. Dahil kung makita ang mga photos o videos mo na yan ng lalaki na may ibang kultura, ay maaring magkaroon siya ng kaisipan na ikaw sharmota (prostitute), na okay lang sa yo na galawin at kung manglaban ka man. ay isipin nila na nagpapakipot ka lang.
Pangtapos at Paalala
Protektahan ang sarili, alamin ang batas at kultura ng bansang pupuntahan.. Mas mabuti ‘wag nang pumunta sa bansa na di mo kayang mag-adjust sa batas at kultura nila.
Drafted by Tasio Espiritu
as posted in https://www.facebook.com/PatnubayOnline