Naalala mo pa ba?

Share this:
ImageSource: pinterest.com

naalala mo pa ba?

naalala mo pa ba noong sabay tayong namamasyal sa plaza,

nanghuhuli ng tutubi at nagbibilang ng sasakyan sa kalsada?

naalala mo pa ba noong naglalakad tayo sa dalampasigan,

hanap ang maebakan para magkakaharap tayong nagkukwentohan?

naalala mo pa ba na nagsusuboan pa tayo ng bobot noon,

habang sabay tayong namimingwit ng isda sa aquarium?

pero bakit bakit,bakit mo ako pinagpalit?

mga nagdaan noon, kakalimutan mo na lang yon?

dahil ba sa banat ko, sa kandidato mong inidolo?

sa tuwing eleksyon, palagi ka na lang may obsesyon.

isang puna ko lang, halos papatayin mo na ako…

akala mo makakaboto ka, hindi ka naman rehistrado.

pagkakaibigan sa mahabang panahon, wag hahayaan mawasak dahil lamang sa isang eleksyon

by Tasio Espiritu
March 18 at 8:45am · KSA
As posted in https://www.facebook.com/PatnubayOnline

Share this: