Tanong at Sagot tungkol sa 90 days Amnesty Period ng KSA para mga Undocumented Migrants

Share this:

ANG AMNESTY NA NASABI SA POST NA ITO AY MATAGAL NG TAPOS. Kaya, lahat ng katanungan tungkol sa amnesty na yon ay di na valid

Original Post (March 21, 2017)

Tanong at Sagot tungkol sa 90 days Amnesty Period ng KSA para sa mga undocumented.

Nasa ibaba ang mga katanungan mula sa mga kapwa OFW na nakolekta mula sa inbox ng Patnubay Online sa FB at mga kaukulang sagot namin sa bawat tanong.

Kasama rin dito ang mga tanong na ipinaabot natin sa ating embahada at pamahalaan.

Q1. Ano ang amnesty na ito?

A1. Makakauwi na walang penalty o kailangan bayarang multa at hindi na kailangan ng No Objection letter mula sa employer.

Kung makakauwi ang mga violator sa panahong itinakda ng amnesty ay maari silang bumalik sa Saudi Arabia dahil hindi kasama ang kanilang fingerprint sa mga blacklisted para makapagtrabaho muli sa kaharian.

Q2. Sino ang pwedeng mag-avail sa amnesty?

A2. [a] undocumented workers – walang iqama mula pagdating at tatlong buwan nang expired o paso [b] mga tumakas sa kanilang employer, at [c] overstaying hajj and umrah pilgrims.

Importante: dapat WALANG police case.

Q3. Kailan ang amnesty?

A3. 90 days mula March 29, 2017.

Q4. Ano ang mga alituntunin o patakaran?

A4. Hintayin ang pormal o opisyal na pahayag mula sa embahada at konsulada.

Maaring ang mga undocumented, takas o overstayer ay papupuntahin sa Al Wafideen o Deportation para sa pagproseso ng exit visa.

Ang mga kakailanganin, malamang ay original o kopya ng iqama, passport (with border entry) KUNG wala fingerprint na naka-record sa Jawasat.

Ang sinumang may hawak na valid passport ay yun ang gagamitin sa pagpapauwi. Ang walang passport ay dapat pumunta sa embahada para kumuha ng travel document.

Q5. Anong proseso sa pagkuha ng travel document?

A5. Hintayin ang advisory ng embahada.

Q6. Ang mga passport na isinauli ng amo sa Jawasat ay iti-turn over ba sa embahada? Kailan maglabas ang embahada ng listahan ng mga isinauling passport?

A6. Hintayin ang advisory ng embahada.

Q7. Sasagutin ba ng gobyerno ang ticket ng takas na OFW sakaling mapauwi sa pamamagitan ng amnesty?

A7. Hintayin ang advisory ng embahada.

Q8. Paano ang mga may police case?

A8. Hintayin ang advisory ng embahada.

Q9. Paano ang may mga anak na undocumented?

A9. Hintayin ang advisory ng embahada.

OF THE HUMANITY, BY THE HUMANITY, FOR THE HUMANITY

PATNUBAY.ORG – EMPOWERMENT
SERVANTHOOD – VOLUNTEERISM
& H.A.G.I.T. (HONESTY, ACCOUNTABILITY, GOOD GOVERNANCE, INTEGRITY & TRANSPARENCY)

Drafted by: Abu Bakr Espiritu

Share this: