LATE POSTING: CASE CLOSED – REPATRIATED
as posted in facebook.com/PatnubayOnline
August 31 – Nagflight si Gealyn pauwi ng Pilipinas. Bago sya nagflight kinausap sya ng agency na bibigyan ng 17,000SAR. Binigay ang kalahati bago sya umalis.
September 1 – Dumating si Gealyn sa Pilipinas at sa OWWA ibinigay ng agency ang kalahating halaga na pinangako ng agency at pinapirma sya ng Quit claim.
Note: September 2, na nang nagmessage si Gealyn sa atin at nasa Abra na sya. Saka lang natin nalaman na nakauwi na sya, nakatanggap ng 17, 000SAR kapalit ng quit claim.
Related Link and Story: facebook.com/PatnubayOnline
Timeline: HSW Gealyn Tumalip Gavanes
Posted: August 8, 2018
July 27 – Lumapit sa atin ang Pamilya at kamag-anak ni OFW Gealyn Tumalip Gavanes thru Ate Remy Talisic at Isagani Bayaca. Sila rin ang gumawa ng group chat for Gealyn Tumalip
July 30 – Nakakuha si Ka Frank Resma ng POEA Info Sheet para ma-indentify kung ano ang name ng agency ni Gealyn sa Saudi.
July 31 – Nagsumbong si Gealyn na sinaktan na naman sya ulit at binuhusan ng mainit na tubig
Aug 1 – Nagpadala ng Request for Assistance Email si ka Frank Resma kay Ambassador Adnan Alonto ng ating embahada sa Riyadh, sa POLO Al khobar dahil nasa eastern province si Gealyn at kay Labatt Nasser Mustafa ng POLO Riyadh dahil nasa Riyadh ang agency ni Gealyn.
Aug 2 – Dinala ng police si Gealyn sa hospital sa Dammam.
Aug 3 – May kumakalat na Video at Picture kay Gealyn. Kinausap ng pamilya at relatives ni Gealyn ang mga nagpost ng viral video at photos. Ang iniiwasan natin ay maihahalintulad ito sa kaso ni Fahima Alagassi na sya pa ang kinasuhan ng amo.
Aug 4 – Pumunta ang Staff ng POLO Al khobar sa hospital kung saan nakaconfine si Gealyn
Aug 5 – Pumunta si bro Ali Hussein Labasan sa hospital para kausapin si Gealyn at para magkausap sila ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
Naabutan ni bro Ali ang isang correspondent ng ABS CBN na nagdirect este nag-interview kay Gealyn, sa mga nurses at isang community leader na dala nya na hindi naman kilala ni Gealyn.
Sumubok ang taga-abs-cbn magdikta sa mga nurse kung ano ang sasabihin pero prinangka sya ng nurse na di sila pwede sa ganyan kundi ang sasabihin lang nila ay katotohanan.
Habang naginterview ang taga-abs cbn, kinunan na rin sila ng video ni Bro Ali kaya alam ng patnubay ano ang ginawa ng taga-abs cbn.
Nang malaman ni Abu Bakr na may ganitong pangyayari kinausap nya ang kakilala nya sa ABS CBN manila at ng Balitang Global na wag ipalabas ang video dahil maaring mahalintulad ito sa kaso ni Fahima Alagassi na sya pa ang kinasohan ng amo dahil sa post sa fb at sa binalita sa media.
Tinimbre kaagad ni Abu Bakr sa embahada at POLO sa email na dapat mapigil ano mang balita kay Gealyn hanggang sa makauwi na sya sa Pilipinas.
Aug 6 – tumawag si Gealyn kay ate Remy at nagsabi na may napirmahan daw sya na papel at natakot sya na baka dalhin sya sa kulongan
Mas lalong nakabahala dahil may nakalusot na balita sa SAKSI, at dahil may nagreupload ng photo ni Gealyn nang sya ay magamot sa hospital. Nabalik na naman ang kinatatakotan natin na mahalintulad ito sa kaso ni Fahima Alagassi na sya pa ang kinasohan dahil lumantad ang pangalan ng amo. Nabahala din tayo na magkaproblema din yong nagtake ng photo sa hospital.
Aug 7 – Timeline KSA
10:30 AM – Nag-update tayo sa email tungkol sa papel na sinabing napirmahan ni Gealyn. Ininform din natin ang embassy na lumabas sa balita ang pictures ni Gealyn dahil may isang taga-Riyadh na nagreupload ng pictures ni gealyn nang sya ay magamot sa hospital.
12:00 PM – Pumunta si bro Ali sa hospital para bisitahin si Gealyn at para matanong kung ano ang papel na kanyang napirmahan.
01:00 PM – Pumunta si bro Ali sa POLO para masiguro na hindi mabalik sa amo si Gealyn at masiguro na hindi sya makulong.
02:00 PM – Nadischarge si Gealyn sa Hospital. Ang agency nya ang kumuha sa kanya sa hospital.
04:00 PM – Dinala si Gealyn ng kanyang agency sa POLO Al khobar
05:00 PM – Kinompirma ni Labatt Nasser S. Mustafa na nasa Bahay Kalinga na sa Al khobar na si Gealyn
07:00 PM – Nagmessage din si Gealyn sa Group Chat na nasa Bahay Kalinga na sya ng POLO Al khobar. Para makumpirma na si Gealyn talaga ang kausap, hiningan namin ng selfie picture si Gealyn. Sa tuwa, ang lahat ng nasa group chat ay nagselfie na rin.
Alhamdulillah!
Remy Talisic wrote: Maraming salamat sa lahat ng tumulong kay Gealyn. C mrs po ni sir bayaca.. Ung c ate mely desamito dahil po sa kanila po ako na ka connect ng wifi.. Sa mga pamangkin ko sa ibat ibang bansa… C jay.. Tumalip padagas ngbigay ng cp st mga pangangailangan c Jay inuutusan araw at pg my kylangan ko mlman about sa kanya… Sir. At sa cleaner na ng vcall paramkita ko c gealyn pgkdating ng hospital…. Family tumalip family talisic family SALAMAT… PO AY HIFI SAPAT… peru sn fios napo bahala sa mga kabutihan nyo….. Salamat… God blesd po.. Pagpalain kau ni LORD…
At maraming salamat din sa Grateful Volunteers sa graphics.
PATNUBAY.ORG
of the Humanity, by the Humanity, for the Humanity
SERVANTHOOD, VOLUNTEERISM, EMPOWERMENT & HAGIT