Mga Hakbang na Ginawa ng KSA Government para sa mga Domestic Workers
Noong 2013 – by Ministerial Decision 310 of 1434 for Domestic Workers nagkaroon ng “Labor Regulation for Domestic Workers and the Like” also known as “The Rights and Obligations of Domestic Workers and their Employers“
Ang batas paggawa para sa domestic worker ay simple lang at nakalatag doon ang karapatan at tungkulin ng domestic worker at ng kanyang employer. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatan ng domestic worker na nakasulat sa batas na ito.
- Vacation pay – nakalagay dito na kung ang worker ay nais magrenew ng contract, (2 years) ay entitled sya for paid vacation na one month
- ESB – nakalagay din doon na may end of service benefits ang domestic worker ng isang buwan sa bawat apat na taon na mananatili sa parehong employer
- Rest and day off – nakasulat din doon na dapat may 8 hours straight rest per day at one day off per week.
- may paid sick leave for 30 days kung ang kasambahay ay magkakasakit.
2014 – ang Musaned ay ginawa ng KSA’s Minsitry of Labor para mamonitor ang domestic labor ng government ng KSA, ng government ng domestic labor sending country, ng recruitment agencies, ng employers at ng workers.
Ang Musaned ang nag-desiminate ng brochures “Rights and Obligations of Domestic Workers and their Employers” sa kanilang website, sa ibat-ibang languages, may tagalog, may english, may arabic.
2015 – mahirap maipatupad ang domestic labor law, dahil sa mga sumusunod
- walang pakialam ang employer, worker, recruitment agencies at government ng domestic labor sending country.
- walang standard contract .. at maraming contract at recruitment violations
- patuloy ang bentahan ng kasambahay sa ibang amo, na dekada pa na problema.
- sahod ang pinacommon pa ring problema.. at dahilan ng pagtakas, o pagkakaroon ng disputes ng worker at employer. ang employer kahit di nagpasahod nanindigan na nagpasahod. at ang worker ay nanindgan naman na di nasahuran. pareho silang walang katibayan.
Noong 2015 din, by Royal Decree No. (A / 133), pinag-isa ulit ang Ministry of Labor at ang Ministry of Social Affairs at ito ay naging Ministry of Labor And Social Development (MLSD)
Nagkaroon din ng hotline number 19911 ang MLSD para masumbongan ng mga workers at pipili ka ng language ng operator na makakausap. Hanggang payo lang kayang maibigay ng hotline at ang kadalasang payo ay magreklamo sa pinakamalapit na Saudi Labor Office o di kaya sa kanyang embahada.
noong 2016 .
- nagkaroon ng decision ang Ministry of Labor and Social Development (MLSD) na dapat ang official contract ay dapat naka-enter sa Musaned system. Lahat ng mga bagong dating na HSW ay nakaregister dapat sa Musaned.
- Gumawa din ng form ang Musaned para sa salary. para bago uuwi ang worker ay dapat dalhin ng employer ang kanang kasambahay sa MLSD para sa clearance. may form noon na ang sahod ng worker ay monthly ay pipirmahan niya kung natanggap niya ito o hindi. Ginawa itong mandatory bago maissuehan ng exit visa ang worker.
- Nakita ng ministry of labor na hindi sineryoso ng maraming employers ang Musaned contract. At ang form para sa sahod ng mga workers ay hindi rin sapat na proteksyon sa pasahod dahil ang worker na gustong umuwi ay pipirma na lamang para siya ay makauwi kahit kulang o di naibigay ang sahod.
kaya nitong 2017 – 2018
- – kinausap ng MLSD at SAMA (saudi arabian monetary agency) ang lahat ng mga banks sa ksa na magkaroon ng ATM special for housemaids..at ito ay tinatawag na wage protection system for domestic labor. ang bank ang mag-alert sa MLSD,SAMA at Musaned kung ang isang employer ay di nagpasahod.
- at since ang banks ay nagrequire sa lahat ng account holders na dapat ay nakaregister sa national address .. kasama na ngayon ang domestic worker at ang employer na nakaregister sa national address. (napakadali na matunton ang eksaktong address ng bahay ng employer)
- at dapat mag register or magupdate ng online contract sa musaned website. nag kung sino ang employer na hindi kukuha ng atm account at hindi magregister / magupdate ng contract sa Musaned ay may 20 thousand sar penalties. ang deadline na naset ay end of july 2018.
ano ang magiging resulta?
- kahit yong kasambahay na luma ay magkaroon ng contract dahil mandatory na magregister ang employer sa Musaned, kung hindi ay magbabayad sya ng malaking penalty.
- once maimplement ang wage protection system (WPS), ang banko ang magalert sa mlsd, Musaned at sama kung malate ang employer pagbigay ng sahod. unlike before kung di nasahoran ang worker , sasagutin lang ng employer na hindi totoo ang bentang ng worker dahil walang katibayan. Sa Wage Protection System ngayon ay matanggal na ang problema na yan. Also ang sahod ng worker ay prepaid ng 3 months, at monthly magdeposit ang employer. kaya sigurado di ito madelay.
- madali na rin hanapin ng housemaid pati ang employer dahil nakalagay na rin ang national address at lahat ay mayroon ng contract thru Musaned dahil inobliga ang employer na magregister sa Musaned.
- Kasama din sa design ng special ATM for housemaids ay pwede sya magremit (magpadala) ng pera sa kanyang pamilya thru internet, mobile apps or thru phone banking.
Fundamentally, almost perfect na ang Musaned. In, fact ginagamit na ito ng ibang bansa na nagpadala ng domestic workers sa ksa.
- Lahat ng employers o yong gustong maghire ng domestic workers ay dapat may account sa Musaned. Ang Musaned ang mag-evaluate kung may capability ba syang magpasahod ng domestic worker. Malalaman din ng Musaned kung may criminal records or history ng pang-abuso ng kanyang domestic workers.
Nakalagay din lahat ng information sa employer, saan sya nakatira, kung sya ba ay single or may asawa, ilan ang members at mga pangalan ng family nya. Ito yong mga impormasyon na kinontra ng karamihang Saudis noon na mailagay sa contract dahil nakalantad ang impormasyon nila sa kontrata na papel. Thru Musaned ang yong may access lamang ang pwedeng makakita nito.
- Lahat ng legal na Saudi Recruitment Agencies ay may sariling account din sa Musaned at sila lang ang pwedeng makapagissue ng wakalah (SPA) para sa recruitment agency naman sa bansa na nagpadala ng domestic worker. Pwede rin nilang mamonitor ang mga domestic workers at employers na clients nila.
- Ang government agencies concerned para sa domestic workers ay bibigyan din ng access sa Musaned. Halimbawa sa Pilpinas, may access dapat ang POLO, ang POEA, ang OWWA, ang DFA, ang embahada at iba pang mga Government agencies ng pinas na involved sa process ng pagpadala ng domestic worker.
- Ang mga legal recruitment agencies ay pagbigyan din ng access para sa processing at sa pagmonitor ng deployed nila na workers at employers nito.
- Ang domestic worker ay magkaroon din ng access sa Musaned.
- Ang worker, ang employer at recruitment agencies ay maaring magreport or magfile ng complaints thru Musaned.
Gumagana na ang Musaned, at marami ng bansa ang gumagamit nito.
Sa side ng Pilipinas, ang kulang na lamang ay support ng mga sumusunod na ayaw bumitaw sa di tamang mga gawain.
1.mga agencies sa atin.. patuloy pa rin paggamit ng di tamang contract
- or sa mga GOs natin, ang polo kung di tama ang verification, poea pinalusot ang contract, boi pinalusot ang worker na di tama sa papel.. (note: sa riyadh, sa pamumuno ni labatt nasser ay maayos na ngayon ang pag-verify ng job orders)
- nakalusot pa rin ng mga visit visa na hsw katulad ng pagdala ng mga saudi ng kasambahay mula sa ibang bansa gamit ang visit visa.
- or yong working visa nga pero di naman dumaan sa tamang contracting dahil balik-manggagawa naman ang ginamit.. dahil binigyan sila ng certificate ng polo na balik manggagawa kahit di pa nakapunta ng saudi.
- at itong gawain ng mga mega recruiters na nakipag-compete sa mga saudi recruitment agencies na nag-supply ng domestic workers. Bakit inaprubahan ng dating labor attache ang contract ng oncall house cleaners ay di ko alam.
kung sino pa yong sanhi ng problema, malamang sila pa yong ayaw ng Musaned. agency, GOs natin, at itong mga megarecruiters na sumali sa domestic labor market or nagpatrabaho ng household cleaners..
ano next move ng Musaned?
- kasama sa plan ng Musaned system ay kasama sa may access ng system ang government natin. in fact kasama sa iupload sa system ang original contract ng worker saan mang bansa siya galing.
- thru Musaned na rin ang transfer of sponsorship at dapat dadaan ito sa tamang process sa ministry of labor , sa Musaned / agency at embassy natin
kaya matitigil ang bentahan ng workers. matitiigil ang contract substitution dahil nito. matitigil ang repro contract. - dahil pati verification ay masama na rin dito dahil makikita kung may discrepancy sa visa vs contarct galing sa country na pinanggalingan ng workers
- aside from that may online grievance mechanism ang Musaned na pwede sila magfile ng complaint online
- yong illegal recruitment process malessen ng sobra if not mwala with Musaned. Ang problema ng gobyerno natin ay walang pakialam sa Musaned mula ng ito ay naumpisahan noong 2014..
6.hinayaan nila ang saudi government ang nagresolve ng mga problema samantalang ang main problem ay nasa atin.. sa paglalaro sa kontrata ng agency, ng verification ng ating gobyerno. pagsasawalang-bahala nitong mega recruiters na nagpapatrabaho sa mga bahay-bahay.
- Hopefully, maliwanagan ang Manila ang kagandahan ng Musaned.
- Tayo na lang yata ang bansa di nag-confirm nito. ang ibang bansa ay agree na dito.
Drafted by Abu Bakr Espiritu
on July 13, 2018 for our NGO Partners in Manila
also posted in facebook.com/PatnubayOnline