Cases closed 1st week of December 2017

Share this:

Jeddah

MON 1:46PM

Patnubay Online

magemail na ako mamaya sa company nyo. inis ako sa mga ito binabaan ako ng phone

Canillas Canoy Bernardo

Ikaw po bahala sir..

Patnubay Online

binabaan na naman ako ng mga walang hiya

MON 3:21PM

Canillas Canoy Bernardo

Gagnon talaga yan sila sir,, 

Canillas Canoy Bernardo

Sa totoo lang sir nag pipigil lang po ako..  Sinisigawan po ako kanina ng tga dala nga checki kanina Dito..  D pa raw ako mkaka uwi wala daw pira Para sa akin.. Tumalikod na lang po ako.. 

Patnubay Online

mag-email ako sa kanila, btw, september ka pa walang work . sino ang nagpatigil sayo pala

Canillas Canoy Bernardo

pic.jpg

Yan po sir ang mga papil na patunay na approve  na ako sa site manager namin.

Ang manager po namin cia po nag aprove

Last day of work ko po noong September 30..

Patnubay Online

okay .. okay… tsk tsk anong klaseng company ito

Canillas Canoy Bernardo

D ko po maintaindihan… Lagi palusot wala daw po pira..

Piro nag pasahod na man..  At yong taga ibang site nkakak uwi na man kapag nag bakasyon.. 

TUE 10:03PM

Canillas Canoy Bernardo

Hello gud pm  po sir.. binigay na po settlement ko kanina lang po..

12:35AM

Patnubay Online

kailangan pang banatan ang company mo ng sobra sa email para gagalaw.

Canillas Canoy Bernardo

O nga po eh, Sana wag mang yari pa sa iba kong mga kasanhan dito na mag babakasyon lang .. marami nanaman po mag stop work ngayon 15, at 30 ng Dec. . Sana d na nila maranasan nangyari sa akin..

Bukas po mag papa book po,ako ng ticket ko..

Patnubay Online

advise nyo yong kasamahan nyo if mangyayari gawin ng pamilya nila yong ginawa namin.

Canillas Canoy Bernardo

Ok po sir 

Riyadh

SAT 3:13AM

Ilai Dela Rosa

Sir flight ko nap0 ngaun Per0 pnasag0t skn tcket dhl bngyn dw nla kc aq tcket lastyr vacay per0 aq dn sumg0t n0on ng 0neway tcket k0. Kya ak0 dw sumg0t ngaun.myhab0l p0 ak0 kht my mga pnirmahan ak0ng ntanggap k0na ung last salary at yrly vacati0n al0wnce ng 2nd year. Dpt mr0n pa p0 ak0ng end 0f srvce at ung tcket k0 ngaun dpt cla ngsg0t. Per0 dnap0 ak0 umangal bka dpa p0 ak0 mapauwe bawiin ang exit visa k0. Mahahab0l k0pa p0 b un? Kht exit na ak0?

Patnubay Online

Punta ka iha sa NGO Partner namin. Singilin mo lahat yon sa agency mo na di ka tinulongan. Yong pinirmahan mo di yon valid sa korte sa atin dahil lahat ng pinirmahan sa labas ng pinas  ay di on yon valid sa kahit saang korte sa atin. Maliban na lamang kung ito ay napirmahan sa loob ng embassy or polo.

Center for Migrant Advocacy
15 (Unit 7) CASAL Bldg.
Anonas Road, Project 3 Quezon City 1102
Philippines Telephone: +632 990-5140
Telefax: +632 433-0684 

email: cmaphils@pldtdsl.net  or text first/ call later miss anna navarro at  09287952222 my cp. or landline po 4330684, 9905140

Riyadh / Jeddah / Manila

THU 6:35PM

Rellav Garbo Lalay

Good evening po sir Jo sir mula sa puso po akong magpasalamat sa napakalaking tulong nyo sa akin at effort nyo po

Makauwi napo ako sir tumawag po ang agency ko kanina at sinabi po na sa Saturday papunta po ako sa jeddah at sa sunday evening po ang flight ko

INSHAALLAH po maging ok yung flight ko

Patnubay Online

Alhamdulillah…xxxx .. mahal ka ng Ating Tagapaglikha.. ng pamilya mo

Rellav Garbo Lalay

Maraming maraming salamat po talaga sir Jo dko po alam kung paano ko mabayaran ang lahat nang kabaitan nyo at pagtulong

Patnubay Online

at namin ng patnubay. ni @Norelyn R. Villanueva na iyong kaibigan

Rellav Garbo Lalay

Yes po sir Jo kaya ako naging positive na makauwi talaga

Patnubay Online

next time . lumaban ka ha. wag ka nang magpadala sa takot. mahal ka ng asawa mo. may message kaya sya sa amin

Rellav Garbo Lalay

Opo sir gagawin kong maging matapang. Laki po ang pasalamat ko sa inyo ni Norelyn dahil sa inyo po naging successful ang lahat

Patnubay Online

Hindi naman natin kailangan maging barumbado.. kundi yong hindi magpaapi. lalo na if may kakampi ka . sa amin. at  higit sa lahat ang ating Tagapaglikha

Rellav Garbo Lalay

Opo sir tama po kayo lage ko pong sinasambit si ALLAH at laking pasalamat ko po na pinaramdam nya sa akin ang pagmamahal sa oras na kailangan ko sya 

Riyadh

WED 7:27PM

Bernadette Rivera

nakalabas na sir si xxxxx. 

ang mga nanghuli sa kanila mga saudi di nakauniform pero may mga baril sila. 

naka toob lang ang nanghuli sa kanila. may nagturo sa kanila pinoy

Patnubay Online

mga mabahith yon,bale intelligence

Bernadette Rivera

Oic, tapos kinuha pera nila

Patnubay Online

Yes as evidence na may nagsugal,.. 

lahat ng pera kukunin talaga yon ang ebidensya sa tayaan 

Bernadette Rivera

ok.una dinala sila sa exit5 . 

tapos dinala sila sa sulemanya then huli na sa. 

mga tig 500sr lang kinukuha pero mga 100sr di nila kinukuha. 

then sa murraba. 

Mga 15 pa naiwan sa murabba ung iba mga walang iquama

Patnubay Online

Yong sa murraba na may iqama ipakafala na yon sa kanilang mga company.. 

Yong mga walang iqama, if wala ng police case then dapat madeport na.. Pero may police case sigurado yan. 

Kaya yong walang iqama ay kulong hanggang matapos ang kaso. 

dami pa rin pala nagpatronize sa online sabong kahit naraid na yan noon

Riyadh / MyFm Teleradyo Mindanao

SAT 6:42PM

Joseph

salam labatt @Nasser S. Mustafa and congen @Iric Cruz Arribas sinaktan daw si XXXXXX today ng amo at ngayon nagkulong sa kwarto. 

nagalit daw ang amo nang tinawagan ng agency.

THU 2:36PM

Joseph

Salam to all. nasa bahay kalinga na si xxxxx. Alhamdulillah maraming salamat congen iric arribas, labatt nasser mustafa and bro benny queman

FRI 4:14AM

Benny Egay Queman
Benny

salamat, Bro. Joseph

Riyadh / Manila 

THU 10:32AM

Marissa Benedicto

Good pm po sir thank you po sa tulong nyo po thru embassy to mr eric at napadali po uwi ng asawa ko po at nailibing na po ng maayos Salamat po.

Dito pa po ako sa pilipinas ,Assalam Allaykum

Riyadh / Manila 

SAT 2:38PM

Veronica Romero Basilan

opo kuya nung noong oct 26 pa po.  

Patnubay Online

Alhamdulillah. ilan ba kasabay mo nakauwi ? 

Rellav Garbo Lalay

11 po kme magkasabay kuya mula makantani

Jordan / Manila

FRI 7:04AM

Angelita Sayson

Sir gud day po sir pasenxia n po d p po ako nkkapunta sa office nyo kasi po sinalubong po kasi ako ng prob sa pamilya nmin aayusin ko po mna tas ppunta po ako dyan. Tsaka nsira din po cp ko kya naun lng ako nkapag online po 

Patnubay Online

okay lang yon ang importante ay tapos na ang problema sa Jordan

so alam  mo na dapat ihandle ano mang problema. kung anong problema ang nandyan yon ang harapin. wag isipin yong di pa dumating o hindi talaga darating katulad ng mga pangamba noong nasa Jordan ka pa.. 

Jeddah  / Manila

SUN, 5:37AM

Frederick B. Afante

Sir nasa Pilipinas na ako.. 

Patnubay Online

Nakuha mo ba lahat disability  benefits mo sa GOSI

Frederick B. Afante

Yes Sir nakuha ko disability benefits sa GOSI at sa OWWA din po.. Maraming salamat po sir.

Riyadh / Manila

SUN 11:06AM

Patnubay Online

hi ate. musta . 

case closed na ba yong tungkol na tinanong mo sa amin noon?

Pops Escabusa Docto

Ay Sir musta na po, good morning jan sa Riyadh…

Sorry hndi q pla na update sau… ung tungkol doon… 

thank you very much Sir for giving me advising about that case… and helping me kong paano q un ilakad ung tungkol sa kaso na un… 

yes Sir the case is already solved and closed dhil nakuha na ng pamilya ng kapatid q ung insurance ng brother q… 

at ang tagal natapo dhil ung mga cheke na pinakita ko po sa inyo noon na hndi complete name kinancel un ng Samba through the ordet from GOSI nag antay aq ng 6 month for cancelling the old cheke then nag antay ulit ng another 6 month for make a new cheke so awa ng Dios ang huling cheke natapos lang itong oct.last mont

Pops Escabusa Docto

Dhil ung cheke na para sa tatay q binalik ulit sa Riyadh at tinatranfer sa name ng wife ng brother q dhil namatay ang tatay q na hndi napermahan nya ang cheke

Patnubay Online

Alhamdulillah..

maraming salmat din pops

sa pagkakataon na binigay mo sa amin makapag-alalay sa inyo 

Pops Escabusa Docto

More Power to yoh Sir at alam ko po marame pa kayong mga OFW namatulongan tulad q, at and2 na aq sa pinas Sir nag for good na aq.. nahiya aq sa  inyo Sir dhil nawala man lang sa loob q na maka pag update at mag pasalamat sau… at nahiya din aq dhil kau pa po ang nag paalala saken about sa kaso na un…thank you thank you tlga Sir…. and Allah will give you  return the blessing that you r helpin the peoples like me….More Power….

Riyadh

TUE 5:18AM

Avincula Rey

Maraming salamat po patnubay online,  sa pagtugon sa aking katanungan, Nakatulong po ng maliwanag sa aking kaisipan ang tamang gabay, sa tulad po naming dipress, na makabuti po sa amin ang inyong gabay, Maraming Salamat po ulit… 

7:13AM

Patnubay Online

walang anuman. pero wag magdepressed. dasal lang lagi

Alkhobar / Dammam

<< Rewind <<

NOV 24TH, 8:08PM

Henry Ramos

Sabi po sa amin nahihirapan mabigyan kami ng exit visa dahil sa marami kaso ang saad company po

Patnubay Online

may meeting kami bukas ni admin hans cacdac ng owwa at usec lagunsad.

basta ang hilingin namin ay makauwi kayo katulad ng sa oger, bin laden at mmg na kahit papano ay naisampa sa labor yong reklamo at may iniwanan kayo na SPA.

at kung pwede kunting pangkabuhayan pagdating nyo ng pinas or ano man  ang mitutulong nila 

Henry Ramos

Marami salamat po sir malaki utang na loob po mapauwi na po kami po

Maraming salamat po sir

Patnubay Online

anytime brother.  

>> Fast Forward >>

December 6, 2017

 WED 1:27PM

Henry Ramos

Sir tinulungan po kami ng polo al khobar maka uwi po.

cla nag ayos ng pagbabayad po sa penalties namin sa iqama po

Patnubay Online

Alhamdulillah. good good 

Henry Ramos

Opo sir. Alhamdulillah Inaayos pa po pagbabayad po

Patnubay Online

isa yan sa topic namin ni admin hans cacdac ng owwa at usec ciriaco lagunzad ng dole. nang makipagmeeting sila sa amin.. Yong SPA nag-iwan din kayo? 

Henry Ramos

Opo ginawa po nila lahat at makauwi po kami 

Related Links: 

  1. Cases closed  4th week of November 2017
  2. Case closed 3rd week of November 2017
  3. Cases Closed 2nd week of November 2017
  4. Cases Closed 1st week of Nov 2017
  5. Cases Closed 4th week of October 2017

Rate 5 stars and write a good review for Patnubay Online Page if you find this article helpful 

Share this: