KSA: ABSHER Website at APP Fully Launched Na!

Share this:

Sa ABSHER na lang ang lahat ng Electronic Inquiries na dati ay meron sa MOI.gov.sa

Kung kayo ay nais magcheck sa moi.gov.sa kung narenew na ba ang inyong iqama, ganito na po ang lalabas:

One platform for 12M Users
www.absher.sa
Providing an improved experience

Ganyan din ang lalabas kung mag-query ka ng exit / re-entry visa, traffic violations, etc.

Umpisa kahapon, sa ABSHER website na lang ang Electronic Inquiries na dati ay nasanayang gawin sa MOI.gov.sa.

Hindi na rin gagana para sa parehong inquries ang Android APP ng MOI.gov.sa kundi ang bagong APP na ng ABSHER ang gagamitin.

Sa Absher, hindi na maaring makapag-inquire para sa ibang tao, kakilala o kaibigan dahil kaialangan maglog-in gamit ang sariling account at password.

Noong 18 December 2018, may sinulat tayo dito sa ating website at sa ating FB Page tungkol sa bagong website ng absher.

Ipinaliwanag din natin kung bakit kaialangan ng lahat ng OFW sa KSA ay magregister nito. Ito po ang link:

New ABSHER Website and New ABSHER APP
Link: http://patnubay.org/?p=12596

Share this: