Tsk tsk, simpleng pangangampanya gamit ang OWWA fund…
Ang pera ng OFW, ibalik ng politiko sa OFW plus paviral video pa para makakuha ng boto. Isang panggagamit na naman sa aming mga OFW.
Attention OWWA, may problema dito sa pagrelease ng OWWA fund nagamit sa pangangampanya!
Gagayahin ito ng ibang LGUs at tuluyan magagamit ng mga nakaupo ang pera ng OFW para manlamang sa kanilang mga katunggali.
Ito ba ang dahilan kaya yong mga nag-apply for livelihood assistance last year ay hindi pa rin nakatanggap ngayon? Para ibigay ninyo sa mga nakaupo na politiko at iaabot sa OFW kung malapit na ang eleksyon?
Isa pa, LOAN ng OFW yan! Kailangan ba ang ganyan na seremonyas para makuha ng OFW ang pera na kanyang loan?
Updates (2/21/2019): The OWWA Manila Head Office is investigating this post from Ormoc LGU.. and had sent advisories to their regional offices to obey the rules of anti-electioneering.
Also posted in Patnubay Online FB Page