
Hiling na Kalayaan para sa Asawang Domestic Worker sa Jordan
July 12, 2019, nakatanggap tayo ng mensahe mula kay Mr. Albert Ventura. Siya ay nakisuyo na matulongan amg kanyang asawa na si Jessbeth, isang domestic worker sa Jordan.
Si Jessbeth ay nakadalawang employer mula nang dumating sa Jordan. Ang reklamo nya sa unang employer ay over-worked at hindi pinapakain. Laging late ang pagtulog at napakaaga naman ang gising sa umaga. Kaya nagpasaklolo siya sa ating Polo OWWA at pumirma na gusto pa niya na magtratrabaho pa ulit basta malipag lamang sa ibang amo.
Dahil sa napagkasundoan, kinuha si Jessbeth ulit sa kanyang agency at hinanapan ng pangalawang employer. Ang bahay ng bagong employer ay sa Irbid na may mahigit-kumulang dalawang oras ang biyahe sa bus.
Ayon ng kay Albert, masaya na sana siyang nakaKuha ulit ng bagong employer ang kanyang asawa na si Jessbeth subalit lumala pa yata ang kalagayan dahil sinasaktan na ito. Dagdag pa ni Albert ay nagkaroon pa ng pananakit sa kanyang tainga si Jessbeth dahil sa sobrang pressure sa trabaho.
Kaya, nagpasaklolo ulit siya sa Patnubay-Jordan, na agad naman itong inendorso POLO OWWA ng naturang bansa.
Umaksyon at tinawagan kaagad ni Welfare Officer Harry Borres ang recruitment agency sa Jordan upang maihatid si Jessbeth sa tanggapan ng POLO OWWA.
Noong Martes (July 22), nakatanggap tayo ng message mula kay Welof Harry Borres na nasa POLO OWWA na si Jessbeth. Sa ngayon ay nasa POLO OWWa Shelter na si Jessbeth at naghihintay ng kanyang repatriation pauwi sa Pilipinas.
Malaki ang pasasalamat ni Albert at Jessbeth sa atin, sa POLO OWWA at lalo na sa Dakilang Tagapaglikha. Dagdag pa ni Albert ay makakatulog na daw sya ng mahimbing habang maghihintay sa pag-uwi ng kanyang mahal na asawa.