Ano ang “SSWA” at Ano ang “Makan Thani” ng Riyadh?

Share this:

Ano ang SSWA at Ano ang Makan Thani ng Riyadh?

Karaniwang naririnig natin mula sa mga distressed domestic workers sa Riyadh, mula sa mga NGOs at mula sa mga tauhan ng ng Embahada, POLO at iba pang ahensya ng ating gobyerno; ang salitang “SSWA” at “Makan Thani”.

Karaniwang kaalaman naman na ang “SSWA” at “Makan Thani” ay mga lugar kung saan makakuha ng Exit Visa para sa mga domestic workers na takas sa kanilang employer.

Karaniwan ay hindi alam na ang “SSWA” at “Makan Thani” ay hindi totoong pangalan ng mga nasabing lugar.

Pagpapaliwanag sa pangalan na SSWA

Noong taon 2004 (1426 sa Hijri Calendar), pinaghiwalay ang Ministry of Labor and Social Development (MLSD) sa dalawang (2) independent ministries, Ang Ministry of Labor at ang Ministry of Social Affairs.

Ang Ministry of Labor ang responsable sa pagtatakda at pagpapatupad ng batas sa paggawa. Lumabas ang bagong batas ng paggawa noong 2005. Katulad ng mga naunang batas paggawa, hindi sakop ang mga domestic workers.

Ang Ministry of Social Affairs ay responsable para sa social insurance, at social welfare and development. Kaya, nabuo ang tanggapan na Social Welfare Administration para sa pamamahala ng charities, orphanage, mga programa para sa may mga kapansanan at matatanda, at sa pagtayo at pamamahala ng Markaz Ri-ayat Shuonul Khadimat (Center for the Care of Housemaids). Ang nasanyan shortcut ay Markaz Al Khadimat (Center for Housemaids) o di kaya ay Iwa Al Khadimat (Shelter for Housemaids).

Sa umpisa habang hindi pa naitayo ang Markaz Al Khadimat sa Riyadh, ang shelter ng mga domestic workers ay sa deportation ng Jawazat. Pero ang SWA (Social Welfare Administration) na ang namahala sa pagproseso ng kanilang exit visa, at tagapamagitan sa domestic workers at kanilang mga employer.

Markaz Ri-ayat Shuonul Khadimat
Abi Bakr As Sidiq Road, Al Wadi, Riyadh
Image Source: https://ajel.sa/5VqbZf/

Noong 2006, natapos maitayo ang bagong Markaz Al Khadimat sa Abi Bakr Siddiq Road, sa Alwadi Riyadh. Ang tawag ng ating Embahada at POLO sa lugar na ito ay SWA dahil ang namamahala ay ang Social Welfare Administration and Development na sakop ng Ministry of Social Affairs.

Kalaunan dinagdagan nila ng salitang “Saudi” kaya naging SSWA (Saudi Social Welfare Administration) para maiwasan ang pagkakalito dahil mayroon tayong OWWA at DSWD.

Walang problema kung gagamitin natin ang salitang SWA or SSWA kung ang ating kausap ay taga-embahada, POLO o alin mang ahensya ng ating gobyerno. Dahil nagkakainintidhan tayo na ang ating tinukoy ay ang shelter ng gobyerno ng Saudi Arabia para sa kasambahay.

Pero kung ang kausap natin ay ibang lahi lalo na kung Arabo, dapat ang gagamitin natin ay “Markaz Al Khadimat” or Center for Housemaids. Dahil kung ang ating sasabihin ay SWA, hindi nila ito maiintidihan. Ang sakop ng SWA ay hindi lang nakatuon para sa shelter sa kasambahay, kundi para rin sa kanilang orphanage, Offices for Charities at Person with Disabilities at iba pang mga Social Development Programs.

Kaya na lamang kung magsearch tayo sa Google Map ng Arabic ng “Social Welfare Administration in Riyadh”, ay maraming location ang lalabas.

Sa paglipas ng mga taon, sunod-sunod na nagkaroon ng Markaz Al Khadimat sa mga probinsya ng Saudi Arabia at SSWA din ang termino na ginamit ng ating Embahada at POLO, ganun na rin ang mga NGOs at Media nagfollow-up ng mga kaso sa kanila.

Noong 2013, Nagkaroon ng Labor Law for Domestic Workers. Kaya, nagkaroon ng dalawang ministries ang nakatutok para sa mga kasambahay. Ang Ministry of Labor para sa kanilang labor rights at ang Ministry of Social Affairs para sa kanilang welfare rights.

Taong 2015 nang pinagsama ulit ang Ministry of Labor at Ministry of Social Affairs at ibinalik ang pangalan ng ministry sa Ministry of Labor and Social Development (MLSD). Naging isang ministry na lang ang nakatutok para sa mga karapatan ng mga kasambahay.

Pagpapaliwanag sa pangalan na Makan Thani

Ang salitang “Makan Thani” ay hindi pangalan ng opisina o shelter o center. Kahit isearch mo sa google map, walang lalabas na lugar na Makan Thani na shelter para domestic workers.

Ang ibig sabihin ng salitang Makan ay “lugar” (place)

Ang ibig sabihin ng salitang thani ay “pangalawa” (second).

Kaya, ang ibig sabihin ng Makan Thani ay “Second Place”.

Bakit may “Makan Thani”?

New Markaz Ri-ayat Shuonul Khadimat
Al Kharj Road, Riyadh
Image Source Google Map

Noong 2017, natapos na naitayo ang pangalawang Markaz Al Khadimat sa Al Kharj Road, malapit sa Second Industrial City.

Ang proseso noon, pagkatapos ng negosasyon ng worker at ng kanyang employer sa loob ng unang Markaz Al Khadimat, ay ililipat siya sa pangalawang Markaz Al Khadimat para sa pagproseso ng kanyang exit visa. Pagsabihan siya ng Saudi welfare officer na “maghanda ka na at punta ka na sa Makan Thani”.

Nangyari din na kung puno na ang unang Markaz Al Khadimat, at magdadala ang ating POLO ng mga distressed domestic workers doon, pagsabihan sila na “Doon na sila dalhin sa Makan Thani”.

Ngayong taon 2019, isinara ang unang Markaz Al Khadimat at ang lahat ng proseso sa pagpapauwi ng kasambahay ay doon na sa pangalawang Markaz Al Khadimat.

Ang lugar na tinatawag nating SSWA ay sarado na. Samantalang ang tinatawag na Makan Thani noon ay yon na lang ang natirang Markaz Al Kadhimat sa Riyadh at yon na ang tinatawag na SSWA ng ating POLO at Embahada sa ngayon.

Uulitin ko ang pangalan na SSWA at Makan Thani ay hindi mga tunay at formal na pangalan ng lugar kundi ito ay Markaz Ri-ayat Shuonul Khadimat (Center for the Care of Housemaids).

Ang ang common term na ginamit ng mga Arabo ay Markaz Al Khadimat (Center for Housemaids) o di kaya ay Iwa Al Khadimat (Shelter of Housemaids).

Mas Angkop na Pangalan

Sa kasalukuyan, hindi na Markaz Ri-ayat Shuonul Khadimat (Center for the Care of Housemaids) ang buong pangalan ng Markaz Al Khadimat kundi ito ay Dar Aldiyafat Markaz al Istiqbal Aleamilat Almanziliyah (Guest House Reception Center for Domestic Workers).

Dar Aldiyafat Markaz al Istiqbal Aleamilat Almanziliyah – Riyadh
(Guest House Reception Center for Domestic Workers – Riyadh).

Binago na ng MLSD ang mga salita na nasanayang gamitin, mula sa Center for Welfare” o “Shelter” ay naging “Guest House Reception Center” na; at mula sa “Housemaids” ay naging “Domestic Workers” na.

Ito ay pahiwatig na seryoso ang Kaharian ng Saudi Arabia sa pangunguna ng Ministry of Labor and Social Development sa pagkilala sa kahalagahan ng mga kasambahay, na sila ay dapat ituring na “workers”, at hindi “maids”, hindi “servants” at hindi “helpers”.

Kaya tayo naman, dapat umpisahan na rin natin ang paggamit ng salitang “Eamilat Manziliyah” (domestic worker) sa halip na “Khadimat” (housemaid); at ng salitang “Markaz Al Eamilat Almanziliyah” (Domestic Workers Center) sa halip na “Markaz Al Khadimat (Center for Housemaids).

Ito ay aking isinulat para sa mga NGOs at Media, lalo na sa ating mga partners na kung sakali ay gagawa sila ng case report o news report, ay dapat tama lalo na kung ang intended audience nila ay ibang lahi.

Ito lang po muna at Maraming Salamat.

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh!

Related Links

Share this: