Noong Setyembre 3, 2019 – lumabas sa mga Arabic balita na may inaprubahan na bagong batas sa Jordan para sa “Work Permit Fees” ng mga non-Jordanian workers sa taon 2019 .
Alam ng pamahalaan ng Jordan, na hindi maging maayos ang pagpapatupad ng bagong batas, kung may mga irregular expat workers.
Kaya inanunsiyo ng Petra (ang opisyal na pahayagan ng pamahalaan ng Jordan), na magkakaroon ng amnesty para pagbigyan ng chance ang mga irregular workers na ayusin ang kanilang status o di kaya ay umuwi na sa kanilang mga sariling bansa.
Noong Setyembre 19, 2019 – nagpalabas ng Press Release (Arabic) ang Ministry of Labor ng pagdeklara ng Labor Minister ng Jordan na ang Amnesty Period ay mag-uumpisa sa Setyembre 22, 2019 at matatapos sa Nobyembre 21, 2019.
Nagbigay din ang Labor Minister ng Guidelines sa mga irregular expat workers na gustong ayusin ang kanilang status o di kaya sa mga gustong umuwi na sa kanilang mga sariling bansa.
Nasa baba ang link ng Arabic Press Release ng Ministry of Labor. Ito ay ating isinalin sa Tagalog para maiintindihan ng mga kapwa OFW ang proseso ng Amnesty at para mag-umpisa nang mag-aayos ang ating mga kababayan na irregular expat workers.
Huwag din pong mag-aatubiling dumulog sa ating Embahada at POLO sa Amman. Obligasyon nila kayong alalayan at gabayan sa Amnesty na ito.
Press Release ng Ministry of Labor ng Jordan Para sa Amnesty ng mga Irregular Expat Workers
Setyembre 19, 2019
Ipinahayag ng Labor Minister ng Jordan na si Nidal Faisal Al-Bataineh noong Sabado na sa araw ng Linggo, Setyembre 22, 2019, ang simula ng pagproseso para sa correction and legalization sa status ng mga irregular workers. Ito ay para maging maayos ang pagpapatupad ng bagong batas at sistema sa pagbabayad ng “Work Permit” para sa mga expats sa Jordan. Ang bagong batas at sistema ay lumabas noong September 2, 2019 sa Petra website, ang opisyal na pahayagan ng pamahalaang jordan.
Sinabi ni Al-Bataineh na hindi pagbibigyan ng “Work Permit” ang mga expats na nagtratrabaho sa mga propesyon na para lamang sa mga taga-Jordan. At dapat masusunod ang mga nakatalagang bayarin para sa “Work Permit” ng mga propesyon o trabaho na pwede sa mga expats. Ang proseso ay gagawin “electronically” (sa pamamagitan ng internet). Kasama lagi sa pagapply o pagrenew ng work permit ay ang pagapply at pagrenew din ng social security.
Binigyang diin ni Al-Bataineh na wala nang kasunod pang correction period sa mga darating na taon, at dapat ang mga irregular expat workers ay hindi sasayangin itong huling pagkakataon para maging legal at iwasto ang sitwasyon nila. Ang mga kasunod na aksyon ng pamahalaan ng Jordan ay may matinding parusa para sa mga expat workers na hindi maiayos ang kanilang status pagkatapos ng amnesty na ito.
Sinabi ng Ministro na ang mga irregular expat worekrs na ayaw ayusin ang kanilang sitwasyon, ay maaaring umalis sa bansang Jordan na walang babayaran kung siya ay nakakauwi bago matatapos ang deadline.
Tinukoy ni Al-Bataineh na ang anunsiyong ito tungkol sa correction at legalization period ay hindi kasama ang mga legal na expat workers na magrerenew ng “Work Permit” sa parehong propesyon at sa parehong amo.
Sinabi din ni Batayneh na kung expired na ang “Work Permit”, hindi na kailangan ng clearance sa dating employer para makalipat sa ibang employer.
Ang correction at amnesty period ay magumpisa sa Setyembre 22, 2019 at matatapos sa Nobyembre 21, 2019
Mga kondisyon sa pagsasaayos ng status ng irregular expat workers
- Pahintulotan ang pag-issue ng “Work Permit” sa mga expat workers na nakatanggap na ng social security benefits pero hindi umalis ng Jordan, sa kondisyon na sila ay mag-subscribe ulit ng social security membership.
- Pahintulotan na magkakaroon ng bagong “Work Permit” ang mga expat workers, na pumasok sa Jordan na may recruitment contract pero na-expire ito pagkatapos ng isang taon at hindi nakumpleto ang proseso na magkaroon sana siya ng “Work Permit”, sa kondisyon na ang propesyon ay pwede para sa expats at ang kanilang magiging date of entry ay makakabase na sa bagong “Work Permit”
- Hindi pahintutulotan na magkakaroon ng “Work Permit” ang expat worker na nadeklara na tumakas sa amo, maliban na lamang kung may katibayan na silang dalawa ay nagkakaayos na, o mayroong katibayan na walang naisampang kaso ang employer laban sa kanyang worker. Ang mga takas na may kaso ay dapat maidulog sa ahensya ng pamahalaan saan nakareport ang takas.
- Pahintulotan na magkakaroon ng “Work Permit” ang expat worker na mayroon ng final exit visa pero hindi umalis ng Jordan.
- Pahintulotan na magkakaroon ng “Work Permit” ang expat worker, na dumating ng Jordan na may stamp na “not permitted to work” ang passport, katulad ng may tourist visa, visit visa atbp.
- Patuloy ang kafala (legal, banks). Ang sino mang employer na mag-apply ng work permit para sa worker ay siya din ang kafil nito.
- Kailangan muna ng employer ng approval mula sa ahensya ng pamahalaan, at kailangan niyang magsumite ng mga requirements bago maaprobahan ang “Work Permit” ng kanyang worker.
- Ang mga expat workers na nagtratabaho sa bakeries at cleaning companies ay hindi maaring lilipat sa companies na hindi bakery at hindi cleaning company.
- Pahintulotan ang mga expat workers na na-expire or na-revoke ang “Work Permit” sa loob ng correction at legalization period. Ang mga domestic worker na gustong lilipat ng trabaho sa body care at manicure ay hindi pahintulotan kung ang kanyang “Work Permit” ay naexpire o na-cancel sa loob ng correction at legalization period.
- Ang agricultural workers ay hindi papayagan makalipat sa anumang trabaho, maliban lamang sa pagiging day to day laborer.
- Hindi pahintulotan magkaroon ng “Work Permit” ang mga Syrians an dumating sa Jordan pagkatapos ng Disyembre 31, 2018.
- Huwag magpadala ng letter sa Ministry of Interior para magkaroon ng prior approval ng “Work Permit”, maliban na lamang kung tapos na ang procedure mula sa Directorate at pumasa na sa screening committees.
- Hindi pahintulotan ang mga domestic workers na makalipat sa ibang employer o ibang trabaho, maliban na lamang kung ang kanyang “Work Permit” ay na-expire or na-revoke bago nag-umpisa ang correction and legalization period, at kung at ang kanyang malilipatan na work ay sa body care at manicture.
Sinabi ni Al-Bataineh na lahat ng workers sa ano mang companies ay pwede makalipat sa ibang category na “free permit” maliban na lamang doon sa mga nagtrabaho sa bakery at cleaning companies.
Ang self-employment “Work Permit” o Day to Day permit (Free Permit) ay pahintulotan lamang sa mga sumusunod na propesyon.
1. Day laborer / agricultural worker.
2. Day laborer / construction worker or load and download worker.
Halaga ng Work Permit
Ito ay sang-ayon sa batas na “Work permits for non-Jordanian workers for 2019” issued pursuant to paragraph (c) of Article (12) of the Labor Law No. (8) of 1996 and its amendments, na unang naipalabas sa balita noong September 2, 2019 at nagkaroon ng kasundoan na ang halaga ng “Work Permit” sa karamihang category ng trabaho ay 500 dinars. Sa bagong batas ay nagkaroon ng dalawang uri ng “Work Permit” ang ito ay ang sumusunod.
- “Free Permit” para sa mga nagtratrabaho sa agricultural sector, construction sector, loading at unloading na gustong maging day to day laborer.
- at ang Work Permit para sa mga specialized skills.
Ang isa sa mga tampok ng bagong sistema ay ang permit para sa domestic worker. Ito ay bumaba sa 500 dinars mula sa 600 dinars, bawat taon.
Ang halaga ng Work Permit para sa mga agricultural workers, construction workers, loading at unloading ay 2000 dinars sa bawat taon.
Ang halaga ng “Work Permit” para sa mga specialized skills ay 2500 dinars sa bawat taon.
Ang idea kaya nagkaroon ng day to day permit (Free Permit) ay para ang sponsor ay magmula sa isang central body ng mga piniling kafil ng ministry of labor para maiwasan ang pang-aabuso sa mga workers.
Penalties sa mga Expired or Kawalan ng Work Permit (maximum of 5 years)
Dahil sa kahalagahan ng agricultural sector sa ekonomiya, walang babayaran ang employers na penalty sa mga work permits na naexpired o kawalan ng work permit sa mga nagdaang taon.
At para naman sa kategorya ng construction, loading and unloading, na malaki din ang kontribusyon sa ekonomiya, napagdesisyonan na 20% lang sa halaga work permit fees ang babayaran ng employers sa mga nagdaang taon na hindi narenewa or kawalang ng work permit kung sila ay lilipat sa ibang employer. maliban an lamang kung lilipat sila sa agricultural na wala silang babayaran na penalty.
Ang sa domestic workers naman 25% ang babayaran ng employers sa mga nagdaang taon (hanggang sa limang taon) na hindi sila narenew ang kanilang work permit or wala silagn work permit. Kung sila ay lilipat ng employer maliban na lamang kung sila ay lilipat sa agricultural work na walang babayaran na penalty.
Sa mga domestic workers naman na ninais lumipat sa saloon or manicure ay 50% sa halaga ng kanilang “Work Permit” fee ang kukolektahin sa bawat taon (haggang sa limang taon) na expired o wala silang work permit, at sa kondisyon na ang work permit ay naexpire bago nagkaroon ng correction at legalization period
Sa mga workers na gustong magpalipat sa ASEZA (Aqaba Special Economic Zone Authority) ay 50% sa halaga ng kanilang “Work Permit” ang kukolektahin sa bawat taon sa bawat taon (haggang sa limang taon) na expired o wala silang work permit. Maliban na lamang kung ang maging trabahon nila sa ASEZ ay sa agricultural na trabaho.
Walang kukolektahin halaga sa na-expire o na-revoke na Work Permit sa mga nagdaang taon, ang mga expat workers na magpapalipat bilang day to day laborer o Free Permit.
Walang kukolektahin halaga sa na-expire o na-revoke na Work Permit sa mga nagdaang taon, ang mga expat workers na may asawang Jordanian.
May babayaran din ang employer na Import Stamp Fees sa bawat nagdaan na taon at hindi hihigit sa halaga para sa limang taon. Lahat ng penalties na babayaran ay hindi lalagpas ng limang taon.
Ang buong halaga ng Work Permit para sa lahat ng uri ng trabaho ay umpisang babayaran ng employer para sa panibagong taon (simula ng amnesty period).
Final Exit
Ang mga irregular expat workers na gustong mag-Final Exit ay walang babayaran na Work Permit at penalties sa kondisyon na siya ay lalabas ng Jordan sa loob ng Correction at Legalization Period.
Nakaambang parusa sa mga Irregular Expat Workers na hindi naiayos ang status o hindi umuwi
Ang mga kasunod na aksyon ng pamahalaan ng Jordan ay may matinding parusa para sa mga expat workers na hindi maiayos ang kanilang status pagkatapos ng amnesty na ito.
Source: MOL Jordan Press Release
Link: http://www.mol.gov.jo/DetailsPage/MOL_AR/NewsDetailsAR.aspx?ID=614