Patnubay’s Detailed Case Report & Closure: Operation Help OFW Alfredo Salmos

Share this:

Alamin kung paano tinapos ng Patnubay ang kaso ni Alfredo Salmos sa loob lamang ng sampung (10) araw. Bago lumapit sa atin si Mang Alfredo ay dalawang (2) taon na siyang umaasa ng tulong sa konsulado.

Sunday (April 29, 2012) 

From: Patnubay
To: Romy Carbonel, Biboy Carson, Jay Japos
Mission : To Clear the Car Registration Records of OFW Salmos and Send him home 

May inihanda tayong sulat para sa emara para sa kasong ito.. sino sa inyo ang may time para sasama sa kanya sa emara (Governor’s Office)?

Please check this video –

Balitang Middle East on OFW Salmos Friday (April 29, 2012)

Romeo S Carbonell 

sir dito ako sa jeddah san po ba sya ngayon???

Tasio Espiritu 

pre nandyan sya sa jeddah.

Romeo S Carbonell 

san sya dito ano po ba maitutulong ko kung sakali po ba???

Tasio Espiritu 

Sasamahan lang sa emara, dalhin yong sulat na gawa natin.. napaksimple lang na problema nyan bay para mapauwi.. lahat ng grupo at ngo puro asa consulate. consulate naman hindi alam kung ano ang gagawin. ito yong latest discussion sa group natin 

Tasio Espiritu 

Heto yong backgrounder pre 

(Pasted message from patnubay online website writers and servant leaders) 

Ate Arceli, i talked with mr. salmos.. may mga babaguhin tayo sa sulat.. nakakalungkot mas simple pa pala ang kanyang problema kesa inaasahan natin… nakakalungkot dahil inabot ng 2 years sya dito na walang nangyari. we will finish this case. i already had contacted my friends in jeddah to do the legworking once the letter is finished. 

Wala tayong problema sa penalty sa iqama, wala tayong problema sa noc ng company.. In fact sila pa ang umasikaso sa kaso ni mr. salmos.. at lalong wala tayong problema sa ticket.. In short wala tayong problema sa jawasat.. (unlike sa statement natin sa first letter) 

wala ring problema sa employer, dahil nakuha nya na ang kanyang service awards.. and on process ang kanyang exit visa.. ng malaman nya na hindi na sya makabalik (because of age limit).. Kaya sya nagwork sa labas.. (Besides matagal naprocess ang kanyang pag-uwi.. 3 months na at wala na syang makakain kaya sya napilitan magsideline..) again ang problema sa pagprocess ay mailink mo yan totoong ugat ng problema sa baba. 

ang problema natin ay yong sasakyan nya 13 years ago .. ay hindi naka clear. as per law, if hindi mo maclear sa pangalan mo ang inyong sasakyan then magbabayad ka ng yearly registration.. yan ang problema ang yearly registration for 13 years.. 

ano ang dahilan bakit nagkaroon sya ng problema sa sasakyan? yon ay dahil naaksidente sya pero nasettle naman yon.. dating procedure na makulong hanggang mabayaran.. nabayaran nya at nakalabas sya .. that was 13 years ago.. 

ang problema ay yong sasakyan na hindi pa clearead.. if may penalty man ay hindi natin alam kung magkano.. yan yong puntiryahin natin sa ating sulat.. ang maclear yong sasakyan.. 

sa daming ngos, mga tao na na nagsabing tumulong, malinaw na walang kumuha sa totoong ugat ng problema.. Kung hindi makuha ang ugat ng problema then hindi mo yon mabigyan ng solusyon. Sabagay karamihan kasi ay naniwala ang paghatid ng kaso sa embassy at consuate ay tulong na yon. or di kaya yong pagsolicit ng awa . Consulate din natin nagsabi na may ginagawa sila.. tinanong sila ni mr. salmos about details .. ang sagot ay 70percent na daw sila.. Ish Hada? two years 70 percent … dapat noong 2010 pa nakauwi ito. 

Ano ang expected natin na harapin. ang penalty ng sasakyan.. yan maari nating mairequest sa governor’s office na mawaive.. or mairequest natin sa oumwa na maaring bayaran ito.. 

ang tulong na kailangan ng tao ay makauwi at makita ang pamilya.. at kung maari ay may dala naman na kunting pabaon. 

tayo ang bahala sa pagpa-uwi.. yong other groups they may give pabaon na lang .. 

kaya natin isekreto ito dahil sa haba ng panahon at dahil sa paghahanap ng totoong malalapitan. ay ang dami ng grupo na nakatutok dito. and based sa aming experience kung maraming ibang grupo, hind tayo makagalaw ng tuwid, dahil ssagutin pa natin sila na nakiusyoso lamang.. may gusto ring haharang or magdiscourage kay mr. salmos na hindi tayo sundin at hindi maexecute ng tama ang ating galaw. kaya i chose low profile friends na maglegwork para kay mr. salmos. hope walang lalabas sa mga nakaplanong hakbang. 

Tasio Espiritu 

Pareng romy Nasa madina road lang ang emara.. if matapos yong sulat ay ipaprint ko sa inyo at kontakin mo na si mr. salmos para sasama kayo doon sa emara.. 

‘Kaw ang may experience sa emara pareng romy.. sana may available time ka from work. you can ask help from biboy or jay.. Saturday (April 29, 2012) 

Romeo S Carbonell 

oky basta may time ako masasamahan ko sya.paki bigay na lang yung mga contact no ni boboy at salmos para matawagan ko sila para maplano namin kung kelan sya masamahan sa imara. Saturday (April 29, 2012) 

Tasio Espiritu 

Salamat pre.. the preferred time for emara is like here din.. 10am to 2pm.. sunday to tuesday ang appropriate day naman. 

biboy’s number – (note bago pa lang itong namatayan ng tito)… 054XXXX 

salmos (you may call him once the letter is ready na siguro) – 056XXXXX.. 

discreet at sekreto na lakad ito pre, dahil may mga grupo at individuals na mag- usyoso at haharang at maging sagabal dito dito.. one example is migrante.. alam mo na din ang estilo ng iba inggitan gustong mapangalanan.. .. Pwera na lang sa mga grupo na alam nating totoong tumutulong din. Alam mo naman ang galaw natin sa mga kaso ay palaging tahimik pero epektibo.  

Romeo S Carbonell 

oky thanks pre..wag ka mag alala alam ko.so kailan namin malalaman yung sulat at san namin ito makukuha pala..

Tasio Espiritu 

maraming salamat pre.. by tomorrow night siguro pre.. Ill send it to your email or dito.. kayo na lang bahalang magprint. 

Romeo S Carbonell 

oky sulat lang yan di na kailangan ng stamp or what ever sa sulat ha?.tawagan ko sila bukas kasi baka wala akong gaanong gagawain…

Monday (April 30, 2012) 

Romeo S Carbonell 

pre nakausap ko na si salmos nainform ko na sya para masamahan sa imara..si biboy naman di pa sya sumagot sa call ko sinabi ko kay salmos na wait lang namin yung 

sulat…paki ditalye na lang lahat sa akin kung sino ang contac dito sa imara Salamat po. 

Ito pala yung email ko…XXXXx@yahoo.com.

Biboy Carson 

tumatawag ho ba kayo sa akin.wala pa akong narerecib sir

Tasio Espiritu 

hi biboy.. tumawag daw si romy sa yo.. ito yong number ni romy 050XXXXXX … 

we will proceed as planned sa emara . tomorrow….hinintay ko lang yong sulat natin from translation office..

Email From: Joseph Henry B. Espiritu
To: Romy Carbonel
Sent: Monday, April 30, 2012 9:51 PM
Subject: Very discreet: Salmos letter 

Pre, heto ang letters ni Mr. salmos one in english and one in arabic. 

1. print 2 copies each.. 2. make sure na when you print ay walang iwan sa pc na pinagprintan nito. 3. thanks a lot pre. 

God bless, 
tas

Tasio Espiritu 

pareng romy i already sent the letters to your email.. Pareng romy will print it tonight or tomorrow early morning. The instructions for our move tomorrow ay nasa baba.. 

first let me give you a little backgrounder of the case. 

Backgrounder Refresher. 

1. the company is helping mr. salmos.. that means wala tayong problema katulad kadalasang problema karamihang undocumented na mahirap hanapin ang company.. or mahirap maconvince ang company to issue an NOC.. In mr. salmos case ticket, exit visa and even penalty sa iqama willing ang company na tututulong. Ginawa na ng company ang lahat.. at ang problema ay nasa car registration lang talaga. Wala man lang nagisip na humingi ng tulong sa emara katulad ng gagawin nyo bukas. 

2. the consulate.. .. mr salmos sought help from them halos 2 years na pero walnag nangyari.. samantalang napakadali lang naman yan kung ang gagawin nila ay katulad ng gagawin nyo bukas. pero wala ang ginawa daw nila ay magfollow-up lang sa company.. since given na ang problema sa point 1 na natigil ang company.. walang mangyayari at heto nga natambay si mr. salmos.. Dapat noon pa ay nagsulat na sila sa emara.. ay tapos na sana ito kahit matagal dahil dadaan pa ang kanilang note verbale sa Ministry of Foreign Affairs 

3. community groups. maraming community groups dyan sa jeddah ang nagsabing sila ang tumulong kay mr. salmos.. in fact nag-kaaway-away na nga daw sila dyan. dahil yon isa daw ang naunang nilapitan ni mr. salmos. May mga tumulong financial at iba pa; pero tungkol sa totoong ugat ng problema ay walang gumawa ng paraan. kundi ang gagawin lang din nila ay magfollow-up sa consulate.. or magsolicit ng awa sa social networking at media para makahanap ng tutulong kay mr. salmos.. 

kaya hindi umusad ang kaso sa loob ng 2 years. dahil community groups ay umaasa lang sa consulate .. at ang consulate ay umaasa lang sa company.. Kung tutuusin hindi na problemang hanapin ang company dahil may direct communication naman si mr. salmos sa kanyang company. In fact ang company nga ang sumasama kay mr. salmos sa jawasat, muror at baladia. 

4. at heto tayo ngayon nakuha ang kanyang kwento sa social media.hindi tayo hihiling sa community groups, or consulate or company.. Pero bigyan natin ng tuldok bukas ang ugat ng problema and before two weeks time ay may linaw na ang solusyon ng problema ni mr. salmos. 

Anong gagawin natin bukas: 

1. Print the letters 

2. Fetch mr. salmos, dadaan kayo sa kanilang office para kunin nya ang lahat ng documents 

3. Arrange the documents in following order 

– Arabic letter – English letter – copy of medical report – copy of iqama – copy of moror – copy of passport (optional) 

4. Bring him to emara.. Pagdating nyo doon ipakita lang yong sulat .. Ask mr. salmos to tell the guard na kailangan nya ng kasama pagpasok dahil sa physical condition nya. 

5. if swertehen you will be able to meet the governor of jeddah because martes ang schedule ng pagmeet nya sa mga residents na may mga problema. 

6. uwi kayo. it is either makakuha kayo ng file number.. it could be written in a piece of paper or printed in a stub (katulad ng sa yo dati pareng romy sa office ni prince salman).. or wala dahil itext yan sa kanyang mobile later. 

please advise mr. salmos na if may text sa kanya sa emara ay sa akin nya lang ito iforward. ako na nag magforward sa inyo. 

7. and that’s it everything will be smooth na sa susunod. and we will plan one step at a time na.. 

Updates pala: 

1. Few days ago, ng kumalat na ang balita kay mr. salmos sa mga social networking sites.. nabahala siguro ang consulate kaya tinawagan nila si mr. salmos para ipaalam nila na may ginawa daw sila. ang sabi daw ng isang vicky salian sa kanya “sinulatan na ng jawasat ang morror..at ang morror ay walang sagot. kaya kung may problema daw ay sa saudi government na yan at hindi sa philippine consulate”… (bakit nandyan pa si Vicky Salian? yan yong isang irresponsableng officer sa isang rape case noon, na tayo na ang tumapos…) 

alam mo pareng romy na hindi ito totoo.. Dahil mas systematic ang Saudi government at makikita ni Mr. Salmos yan after pagpunta nyo sa emara. They will write directly to the morror to clear the car registration records then they will forward that to the jawasat.. at mabilis na process yan. Always may file (transaction) number. If may ginawa ang consulate then dapat may maipakita sila na mga trasaction numbers. At dapat magbigay sila ng kopya ng mga transaction numbers na yan to Mr. Salmos.. kung wala meaning puro salita lang sila. 

2. Isang problema pala ay wala ng natirang documents si mr. salmos dahil kinuha daw lahat ni Pareng bong concha.. For what reasons na kinuha ni pareng bong lahat ay di ko alam.. ng tumawag daw sya kay mr. salmos noong isang gabi ay sinabi nya na “nasa akin lang yong documents mo”.. at ang normal phrase na wag kang mag-alala at malapit ka ng umuwi.. its a normal phrase ng mga grupo na hindi hands-on sa case kundi umaasa lang sa consulate for updates dahil yan din ang isasagot ng consulate sa kanila. malapit na yan… eh 2 years na itong kasong ito. 

3. We are different, romy and biboy know about that sa mga previous cases .. na dapat ipinaliwanag natin sa distress kung ano ang proceso na kanyang pagdadaanan at nasaan na tayo sa proceso..Kaya sa bawat step ay dapat bigyan din ng copy ng documents/transaction numbers ang distress person mismo.. Yan kung may ginagagawa sila para sa kaso.. at hindi yong nasanayang “malapit ka ng umuwi” 

ito lang po muna.. and Goodluck to all of us bukas.. 
Tas

Tuesday May 1, 2012

Romeo S Carbonell – OKY PRE…tawagan ko si salmos pag na pa print ko na yung sulat..Thanks pre we hope na maayos ang lahat sa tulong ng panginoon.

Tasio Espiritu 

Inshallah pre.. Like all our cases in the past na successful.. Sigurado tayo na yan lang ang tanging paraan sa case na yan.. Remember the late Ernesto Duenas yong putol ang paa na 22 years hindi nakauwi sa pinas? 10 years lumapit sa embassy sa atin isang buwan lang sa atin ay may linaw na..

Kaya umabot ng isang buwan dahil hinahanap pa ang kanyang kafil.. Pero sa case ni Mr. salmos ang company nya ay tumulong na sa kanya noon pa. 

Romeo S Carbonell 

uu nga eh kung maraming bida laging may mayduda…hehe…kaya inshalah makauwi na si salmos..

Tasio Espiritu 

Maraming salamat pre

Tasio Espiritu 

May 1 , 2012

8:30 AM sinundo ni romy si manong alfredo salmos 

8:40 am kausap ko silang dalawa at papunta ng opisina para daanan yong documento. 

Wala daw medical report sa opisina dahil yong kopya ng medical report ay nandon daw kay pareng bong concha.. Nang hiniling ito ni mr. salmos ay ang sagot ni pareng bong ay busy daw siya at bukas na nya ibigay. 

Hindi dapat kunin ang isang dokumento from a distress workers.. Maari sana syang humingi ng kopya at hindi nya hahawakan ang documents kung hahawakan nya man lang. 

Sa atin, kung may ginagawa tayo sa kaso ng isang distress at sa bawat processo ay in- inform natin sila at kung may documents para sa kaso ay bibigyan natin ng kopya ang distress 

Hindi tama yong kunin ang dokumento.. at kung magsalita sya ng malapit ka nang makauwi ay dapat may proof ka.. documents na maipakita or tao from Saudi Government na mapakausap.. katulad ni vicky salian sinabi nya kay alfredo salmos na nagsulat na daw ang jawasat sa morror. then dapat may proof sya. nasaan nyong sinabi mo na sulat. ibigay mo yan sa tao.. basic yan eh. 

standby: 

10 AM (May 1, 2012) 

Tasio Espiritu 

9:30 AM – dumaan sila office ni mr. salmos kaso 11 pa daw darating ang HR at liaison officer nila. Nandon kasi sa office yong papers para sa morur.. (at meron din kay pareng bong concha kaso nagsabi na bukas na nya daw ibigay) 

Hindi ko talaga maisip bakit kinuha ni pareng bong concha ang documents ng isang distress.. Sana nagphotocopy lang sya at isinuli yong original na papel… … 

So ang hawak lang ni mr. salmos sa ngayon ay yong sulat arabic and english, copy ng iqama at passport. Go tayo.. Later na natin isubmit yong sa moroor at medical report..

Tasio Espiritu 

Success!!! 

kalalabas lang nila ng emara today.. at may file number na tayo at babalik sa emara after 4 to 5 days. 

The officer who accomodated them in the emara, told mr. salmos na magstay na lang sya sa bahay at si romy na ang bahalang tumapos. 

Romy gave mr. salmos a copy of the file number. Sya ang magdala ng original dahil sya naman ang magfollow-up. 

I asked mr. Salmos kung yong pag-accomodate sa kanya ng emara ay naramdaman nya ba sa consulate. Sabi nya napakabait ng taga emara at naintindihan kaagad ang kanyang situation. ang ang bilis ng kanilang action ay napakasystematic.. 

lalo na kung matatapos ito in two weeks time.. .. at macompare ni mr. salmos sa 2 years nyang paghinhintay sa consulate sa wala. 

Maraming salamat muli sayo pareng Romy.. Mabuhay ka bro!!!! 

– still we have to keep discreet kung kailan natin gawin ang mga susunod na hakbang. dahil hindi natin alam kung iilang grupo ang nag-abang matapos itong case na ito.. or haharang, or atin pang sasagutin.. tatapusin natin ito. Wala tayong ibang hangad kundi matatapos ito kaagad. 

Next plan….what to do next after romy is done with the emara or moror? 

1. Company – will process the exit papers in the jawasat, this involves ticket and exit visa. As i had said without the problem sa car registration ni mr. salmos makauwi na sana sya noon pa. Take note nagfingerprint na si Mr Salmos noon sa Jawasat (Immigration) at sa Tarhil (Deportation) pero hindi lang naissuehan ng exit visa dahil nga sa car registration. Di bale wala namang limit ang pagfinger print .. ☺ 

2. Consulate – to issue the travel document or extension of the passport which expired last february 14.. I suggest travel documents na. . We need to inform mr. salmos na kailangan nya ng 2×2 pictures. 

May maitulong naman talaga ang consulate. halimbawa magissue ng travel documents… may napauwi naman sila thru their long process na kausapin ng kanilang local hire ang kakilala sa jawasat. Ang problema ay aabutin pa ng taon at kadalasan pagdating sa pinas ay namatay ang tao at sandali lang nakapiling ng pamilya.. (i just remember OFWs dominador rivera, or josephine muyco ang tagal nilang napauwi.) 

3. Community Groups – for pabaon kay mr. salmos.. para may mapagsimulan naman sya doon para sa mahirap na buhay pinas. doon wala ng tutulong sa kanya kundi pamilya nya lang. But take note, money is not the main problem kundi yong sasakyan at yon ang ginawan natin ng solusyon. 

Additional Notes: 

– if magpapalabas man tayo ng updates sa iba (maliban sa ating apat dito sa thread).. yon ay always 2 steps backward.. kaya ako na ang magrelease ng updates. 

Mr. Salmos after his trip to Emara – Yan yong tamang picture at hindi yong kumakalat na hubad para makita yong paso.. 

Emara File . note transaction number intentionally removed by patnubay. 

Ka Romy Carbonel and Mr. Salmos after they went to Emara in Jeddah 

Email Exchanges and Report from ka Romy 

From: Romy Carbonel
Date: 2012/5/1
Subject: Re: Very discreet: Salmos letter
To: “Joseph Henry B. Espiritu” 

Pre. 

ito yung photo copy ng stub ni salmos para sa schedule ng papers nya..bago ang lahat kwento ko muna kung ano ginawa namin bago kami nagpunta ng emara,so ayon sa instruction mo sa akin na iprint ang sulat tapos inarrange ko una ang arabis,tapos english tapos yung mga documants nya pero pagpunta namin sa, companya niya ay wala ang HR na namamahala sa mga documento na katulad ng kainlangan nga natin like yung motor copy paper nya pero bago kami umalis ay pinahabilin namin na ipahanda na lang para sakaling kunin namani mamayang gabi ay maipaxerox na kaagad, pangalawa yung doctors certificate nya ay nasa kay bong at hindi nga binigay sa kanya at nakatabi lang kay bong,so ang sabi ko kay alfredo na magdahilan sya na magpapacheck up at kailangan lang ng doctor medical kunwari para makuha lang natin ang ating kailangan na kasama sa pag proses ng kanyang papel sa emara, samadaling sabi ay kulang ang aming papeles na 

kailangan sa pag harap sa emara,ngunit sa ating pauusap ay tinuloy namin sa emara na kahit passport at iqama copy lang ang nakalakip sa sulat ay nabigyan kami ng pagkakataon na maproses ang kanyang papel sa emara..at ito pa ang magandang nangyari sa amin ni salmos..kusang pinapasok kami sa loob ng upisina ng muder sa emara at binasa ng muder ang aming dalang sulat… 

so nakita ko ang kaligayahan ni alfredo habang binabasa ng muder sa emara ang kanyang storya,ay tinanung ako ng muder kung may binayaran kaning pera sa muror at tinanung ko rin si salmos kung meron nga,at ang sabi nya ay wala…agad tinawag ng muder ang isang arabo sa information para asikasuhin kami ni salmos,at nabang 

pinipirmahan ng muder ang papel na dala namin mula sa patnubay ay nakita kong napapaluha si alfredo sa kasiyahan na dumadalangin rin at nasiyahan sa kanyang nakita…at ang sabi nga sa akin ni salmos ay ganun lang pala kadali ang pagpunta sa emara sa pamamagitan ng sula at sabi pa ni salmos na maraming salamat sa patnubay,na sadyang gumagabay sa mga nangangailangan nating kababayan….yan po yung unang hakbang na amin nagawa ngayong araw na ito at salamat naman at may magandang resulta ang aming lakad ngayon. 

pinababalik ako sa emara ng after 4 to 5 days para kunin ang resulta ng ating sulat.. 

masayang umuwi si salmo at marami syang katanungan sa patnubay at akin naman sinasagut lahat ng kanyang tinanong sa akin. 

sabi nga pala sa emara na ako na lang ang babalik kasi naawa sila sa kalagayan ni salmos… 

so sa lingo ikalimang araw mula ngayon ay aking babalikan ang emara para kunin na ang papel na naiproses na. 

see the attached picture and N0: sachedule ni alfredo. 

Thanks. 

Romeo. 

Franklin Salvio Resma malapit na malapit na! Mabuhay! 

Updates : Wednesday May 2, 2012 10:00AM 

Tasio Espiritu

ito yong latest sa file natin sa emara na nakuha ko thru online

ةلماعملا مقر : …. file number intentionally removed by patnubay 
ةلماعملا ةهج : ةدج ةظفاحم 
دورولا خيرات : 
دورولا ةهج : 
باطخلا مقر : 
ةلماعملا ةلاح : يف تليحأ 11/06/1433 ءارجإب ،قوقحلا ةرادا ىلإ ـه : ريشأتلل . 

Translation to English: 

File number: intentionally removed by patnubay.. 
Point of treatment: Jeddah 
Date of Request: 
Point of Request: 
No letter: 
Status of the transaction: 11/06/1433 transmitted in e to rights management, action: signaling. 

—————————– 

Thanks that the emara considers our request for humanitarian consideration.. 

In our experience, if sa rights (hukok) department ng emara maiforward, it is either the emara will request for waiving of penalty or the emara itself will pay.. like sa case ni pareng Rico Monsanto for the overstayed visit visa ng kanyang mom in law. ang governor’s office mismo ang nagbayad ng penalty.. 

this will be forwarded to either moroor to waive the car registrationor directly sa jawasat to waive the estimara problem or to jwasat to clear all penalty.. and get ready for exit.. 

Wednesday : May 2, 2012 .. 2:54 pm 

Updates ng File natin sa Emara. 

File number XXXX exported to Jeddah Traffic Department number (intentionally removed by patnubay) / C / R in e 11/06/1433. 

• kahapon.. ang officer mismo ng emara ang nagsabi kay mr. salmos na magstay na sya sa bahay at si romy na ang babalik sa emara after 5 days.. 

– today, tinawagan ko si mr. salmos para ibalita sa kanya ito.. kaso 

nandon daw sya sa consulate.. Dinala daw sya ni pareng bong concha.. sabi ni mr. salmos pagod na daw sya doon wala namang update sa kaso nya. . – Wala naman daw ginawa or pinakita na may ginawa ang consulate. 

Ellene Sana joseph, ano sabi ng consulate sa repatriation ni mr salmos? how can we help from here? as usual, maraming salamat sa patnubay! 

Tasio Espiritu Ate Ellene… nasa text ng doc sa taas ang details.. At this stage na 2 years na wala silang ginawa dahil wala silang ibang alam na paraan kundi yong nasanayan nilang mabagal na systema na magbibilang ng bituin at hihintay ng swerte.. at this stage na tayo na ang gumawa ng hakbang. ang galaw natin ay discreet hanggang sa matapos ni ka romy ang gawain at maisampal natin sa kanila na ganito lang dapat ang ginawa nila noon pa. . May 2 at 8:28am · Like · 2 

Ellene Sana ok, paki abisuhan na lang kami.

Jebee ‘Kenji’ Solis what can we do here sa Jeddah PEBA to help as well? 

Tasio Espiritu ka ken, coordinate with ka frank resma.. and thank you so much. 

Jebee ‘Kenji’ Solis sige po, please send me contact details of ka Frank, we will visit also kuya, and if possible, I can ask people and group of friends to send donations. 

Franklin Salvio Resma ill be meeting in an hour ung mga nag-iinitiate ng mga fund-raising dito sa jeddah para concerted effort, tutal iisa lang naman ang objective.  

Tasio Espiritu yes bay..go with the plan bay.. maganda rin yong may separate account si mr. salmos. and yong plan nyo bay for abs-cbn’s support pagdating naman ni mr. salmos sa pinas.. ate Ellene Sana, maybe we can ask help from red cross also?  

Franklin Salvio Resma Arceli Lazaro, bunso alam ko na may ginagawa din ang grupo ng tropang gcing, padala ka ng representative nyo sa meeting, promise ill make it short and direct. it wont even take an hour. e 

Arceli Lazaro ngayon?saan?di me pwede,si gabs tanong ko Wednesday at 6:45pm · Unlike · 1 

Arceli Lazaro kung di maka punta now..dahil late na…paki na lang 2mrw pag punta nyo sa house

Minda Teves BRAVI! ang galing naman:) sana ganoon din kami dito..shifting of roles..i mean reconnecting of duties..Salamat talaga sa Patnubay…!  

Thursday May 3, 2012

Franklin Salvio Resma https://www.facebook.com/OperationBringHomeOfwAlfredoSalmos nag- iingay lang po ako ha…

Tasio Espiritu 

Go ahead bay.. 

The whole day, yesterday they were in the consulate for nothing.. that is why when we asked manong fred anong mas nakakapagod yong sa consulate or sa emara? Ang sagot napakdali lang sa emara at nabigyan ako kaagad ng pag-asa. 

When we asked kung ano ang may resulta ang consulate or emara? siyempre ang emara.. (Dapat nga ang consualte ang lumapit sa emara noon pa) 

When we asked kung ano ang magandang pakitungo sa kanya ang consulate or emara? Ang sagot ay sabi nga ng taga emara sir, magstay ka na sa bahay at si romy na lang ang magprocess ng papers mo. hindi mo kailangang maglabas- labas dahil sensitive yong mga paso mo. 

Sa consulate ano ang sabi noon? Ikaw kasi di ka palaging nagfollow-up.. then lately ang sabi may ginagawa naman kami.. Ang may kasalanan ay ang saudi government.. 

Reaction: Then show to the distress your proofs hindi yong lip service lamang na may ginagawa kayo.. Transaction stubs, note verbale or documents. 

Sad reality.. kaya tatapusin natin ito as a surprise para matigil na yang ganyang pamamaraan.. at lalo akong makikiusap sa inyo to please keep this as discreet. 

The whole day nandon si manong salmos sa consulate dahil dinala ni pareng bong concha at bumulong sya sa atin sa phone na pagod na ang katawan ko sir. 

Kaya sinabi natin sa kanya na matuto naman syang tumanggi.. Ang sabi naman ni manong salmos ay tinawagan nya daw si pareng bong dahil gusto nyang makuha ang medical report.. kagabi binigay daw ni pareng bong pero xerox lang daw at hindi na yong original na kinuha nya dati. (ano ba yan) 

sinabi ni manong fred na ginawa daw tlaga noong mag-open sila ng bank account. 

then sa gabi.. oras ng pahinga ay dinala si manong fred doon sa la parilla at 1:30 na yata ng umaga nakauwi. Dapat pinapahinga nila itong tao.. 

Franklin Salvio Resma napadaan sila ng laparilla last nyt around 12.30 na un.

Tasio Espiritu kakatatawag lang ni manong fred.. pagod na pagod daw sya bai.. hayz.. hindi kasi makatanggi dahil sya ang humingi ng tulong..

Franklin Salvio Resma some groups suggested, to place cans in different stores e 

Tasio Espiritu that is prohibited by saudi laws bay.. please remind them of the barya mo buhay ko project of the late francis maca ten years ago.. sinita ng mga authorities..

Tasio Espiritu the barya mo buhay ko project noon was intended for tickets of distressed ofws.. nakalikom ng marami yon. pero hindi ginalaw at inilagay sa bodega sa bahay kalinga.. ngayon nawala na ang pera at walang trace kung nasaan na ito.. 🙁  

Arceli Lazaro hay..nakaka highblood Thursday at 2:19pm · Like 

Ka Ronnie mabuti na lang at hindi kami na-high blood noon sa kapupursige na maiayos ang kampanya kahit kinain din kami ng mas nakararaming pomustura sa tulong at back-up ng POLO …hayun hindi kami nagkamali…sadsad sa pusali ang kampanya na binalak naming isalba at itama dahil maganda ang objective. Thursday at 4:44pm · Like · 1 

Romeo S Carbonell wait nyo lang ang resulta after na maka balik ako this sunday ng umaga sa emara pagdasal po natin na maayos na…

Tasio Espiritu 

maraming salamat pareng ka romy.. just keep your moves discreet lang ha.. 

Romeo S Carbonell nakuh!!…POLO kurapsyun pala yan….. 

Tasio Espiritu 

nakaleak yata ang discreet natin.. siguro thru pasaring or thru senses nila at nanghuhuli lang. 

PCG in Jeddah Press Release Link: http://pcgjeddah.org/home/component/content/article/506-salmos 

.. this news story is the same as the actions taken by mr. salmos and his company mismo last year.. .. jawasat, baladia, muror.. ikwinento nila yan kay mr. salmos.. kaya yan ang nilagay nila sa report. 

.. except sa sinabi nila na nagsulat sila sa emir ng makkah.. then they should have a file number na maipakita kay mr. salmos. if si congen garibay ang nagrequest sa governor of makkah .. then it would take them at least 6 months na makatanggap ng sagot ng kanialng note verbale.. knowing that di sila pwedeng makadiritso sa emara.. kundi dadaan muna sila sa ministry of foreign affairs. sana ginawa na nila ito noon pa knowing their long procedure. In all fairness to congen he seems to be a good person and responsible. It just happen 

tatapusin natin ito at pakiusap lang na walang magleak kung ano ma ang napagusapan dito para makagalaw ng maayo si romy at si mr. salmos ay hindi nila palaging aabalahin. 

okay isa-isahin natin yong report nila. it is either nabahal sila sa lumabas na balita kaya sila gumawa ng press release na ito. 

Jeddah Consulate pushes for soonest repatriation of electrocuted OFW 

CONSULATE PRESS RELEASE wrote “03 May 2012, Jeddah. – He mustered enough courage and determination to survive an electrocution of 14,000 volts when he was sucked into a breaker he was putting off a year and a half ago (October 2010). Now, Mr. Alfredo Salmos, 52 and formerly a fabricator for Siemens Ltd., is well enough to travel by air to the Philippines. He still has to continue recovering from the ill-effects of his electrocution though. He is no longer the burly and strong man that he had been before as he is now patched all-over with burn scars. In this state, he should be in the Philippines and being cared for by his family. His plight truly deserves the attention and concern he is getting from many, even in the web.” 

REACTION: Ginawa nilang reason na ang cause ng delay ng repatriation ay dahil recovering pa si mr. salmos kaya hindi ito napauwi. Wrong! dahil according to mr. salmos ng lumabas sya sa hospital ay nilalakad na niya at ng kanyang company ang kanyang pag-uwi.. Nagkaproblema nga lang dahil sa kanyang sasakyan na hindi naclear sa muror.. kaya pumunta sila sa muror at even sa baladiyah kaso di na makita yong yong sasakyan. Yan yong problema kaya hindi sya makauwi. at hindi yong dahil nagrecover na sya.. 

CONSULATE PRESS RELEASE wrote “At this time, Salmos is not being issued the final exit visa that is requisite to his repatriation, however. His name appears in the Saudi immigration database as owner of a Honda Accord 1981 model which was impounded twelve (12) years ago. This must be cleared. He also is recorded to have left Siemens Ltd six (6) months before he got electrocuted. Hence, the issuance of his final exit visa is further snagged by the need to have his expired residence card (iqama) renewed and immigration fines connected with his absconding from his employer settled.” 

REACTION: if ang problema ay yong clearance lang ng sasakyan vs humanitarian consideration dapat noon pa ito nakauwi kung may ginawa lang na hakbang ang ating consulate. 

as i had said, ang naglakad sa jawasat, muror at baladea ay si mr. salmos mismo at ang kanyang company.. walang problema sa penalty iqama dahil willing ang company na magshoulder nito, pati ticket at pati noc.. sa kadalasan na runaway, problema ang hindi macontact ang employer dahil walang magissue ng noc, then ang bayarin sa penalty sa iqama, or sa ticket at exit visa. pero kay mr. salmos wala syang problema dyan dahil tumulong ang employer bago pa lumapit si mr. salmos sa consulate. 

lumapit sya sa consulate para matulongan sa pagclear sa muror. maclear lang sa muror.. napakasimple na problema. yang report ng consulate na as if nilakad nila ang kaso nya sa jawasat, baladea, at muror.. ay kwento ni mr. salmos yan sa kanila na yan ang nilakad ni Mr. Salmos at ng company.. ang problema ang kwento ni mr. salmos ay ginawang achievement report sa press release ng ating consulate. tsk tsk tsk. 

bakit ko nasabi yan. Dahil kweninto ni mr. salmos sa akin last week kung papano nila nilakad ng kanyang company ang kanyang kaso at hanggang saan sila tumigil. Kaya nagawan natin ng paraan. Dinala natin sa Emara si Mr. Salmos para mawaive yong penalty at ngayon ay yong clearance na sa muror ang pinaprocess natin. 

CONSULATE PRESS RELEASE wrote “Salmos was brought to the King Abdulaziz Hospital in October 2010 to have his injuries treated. He stayed there for months until he recovered. Drawing inspiration from his admirable determination to live, for months, the Consulate General, OWWA Jeddah, Siemens Ltd., co-workers and friends provided him much-needed assistance.” 

REACTION:I asked mr. salmos, kung ang consulate general ba ang nagbayad ng kanyang hospital bills? or ang OWWA ba? hindi dahil kung sila ay dapat may maipakita sila nito na resibo.. so bakit sinulat nila dito as if gumastos sila sa hospital bills.? kalokohan. 

CONSULATE PRESS RELEASE wrote “All assistance being extended to Salmos is now geared toward his soonest repatriation. When, in December 2011, it became apparent that he was on his way to full recovery and will soon be fit to travel to the Philippines and that there were issues regarding his car and immigration status, the Consulate General in Jeddah closely coordinated with Siemens Ltd., on the matter. Efforts are now pooled in order to obtain a final exit visa for Salmos and to have him, eventually, repatriated. Representations and follow-ups with the Jeddah Traffic Police (muror), the Jeddah Public Service Office (baladiya) and the immigration authorities (jawazat) are being made. These continuing efforts are done through Consulate case officers and the employer’s specially designated liaison officer.” 

REACTION: again pinapalabas nila dito na dahil sa kanyang kalagayan kaya hindi sya pinauwi at para magrecover pa.. 2 years na po.. 

Exit visa is not a problem dahil kacommunicate naman ni mr. salmos mismo ang kanyang company.. willing naman ang company magbigay ng ticket, penalty sa iqama..again si Mr. Salmos ang naglakad sa Jawasat sa Muror or sa Baladiya. so the consulate should not count these as their achievements. Unless may maipakita sila na mga transaction numbers katulad nyang sa atin. 

CONSULATE PRESS RELEASE wrote “To further hasten the process of his repatriation, Consul General Uriel Norman Garibay is appealing to the Saudi government, through the Governor of Makkah, to treat Salmos’ plight as one deserving its humanitarian consideration and to allow his soonest repatriation to the Philippines where he would surely recover much faster with the tender love and care of his kinfolk.” 

REACTION: so ngayon nyo lang gagawin yan? Kararating lang ni congen garibay.. So gagawin nyo pa lang at hindi kayo lumapit sa emara noon pa ? By procedure ang consulate or embassy hindi yan makasulat direkta sa governor’s office.. kundi dadaan muna ang kanilang note verbale sa MFA (Ministry of Foreign Affairs), then to governor’s office. Mabahang proceso ito at minsan aabutin ng 6 months. 

unlike kung ang katulad natin na mga residents.. or katulad ni mr. salmos ay maaring dumirekta sa governor’s office mismo. kaya nga nang pumunta si romy doon kasama ni mr. salmos ay napakadali lamang. 

Bakit sa governor of Makkah at hindi sa Jeddah? , Although jeddah is part of makkah province.. Jeddah has its own governor and he is HRH Prince Mishaal bin Majid bin Abdulaziz al Saud… and sa makkah province naman ang governor ay si HRH Prince Khalid bin Faisal bin Abdulaziz Al Saud. 

When to write to the makkah governor for jeddah cases? ito ay para lamang sa poloice cases western region na nasa appellate court also known as court of cassation.. Dahil isa lang ito sa western region at ito nasa makkah city mismo. 

Sa sulat ng consulate sa taas malinaw na hindi alam ng ating consulate kung sino ang padadalhan ng sulat. Eh di lalong magdelay kung sa makkah sila magrequest.. dahil ganito yong scenario, magpadala si congen sa MFA for makkah governor.. ibabalik yan ng emir ng Makkah sa MFA then to the Consulate.. dahil hindi jurisdiction sa emara ng makkah ang muror ng jeddah. (masasayang lang ang 6 months nyo) 

CONCLUSION: ang press release na ito ay ginawa ng consulate para pangtabon sa kumakalat na balita tungkol sa kalagayan ni mr. salmos at bilang kasagutan sa tanong bakit hindi sya nakauwi noon pa? 

Ang nakakasama ay yong ginawa ni mr. salmos noon at ng kanyang company na naikwenento nya sa consulate ay ginawa pa ngayon na achievement report ng consulate.. 

Jebee ‘Kenji’ Solis Kuya, also, the way I see it, hindi nagleak, talagang aaction sila considering na ayaw nila may magsasabi na wala silang ginagawa kasi nga po mainit na sa media, and even sa social media. Friend po natin si Amba, nakikita niya na gumagalaw tayo for donations, and halos lahat ng comments is blaming embassy and consulate. 

I think we should pursue yung gawa ni Ka Romy, Kuya.

Tasio Espiritu ka ken, yes hindi nagleak.. Ang pinoproblema ko lang yong magkasabay tuloy sina romy at itong taga-consulate.. at kaiinggitan or paginitan dahil may dala sya ng referral ng emara.. Normal na reactions na bakit meron kang ganyan. akin na yan. pero subukan nilang gawin yan kay Romy at gugulohin ko sila . 

Lahat ng nandito though 70plus tayo ay can be trusted and tested na kasamahan sa advocacy.. may kanya-kanyang expertises, skills and fields..

Tasio Espiritu here is the latest video and my commment ..ABS – CBN interview with consul Ausan 

http://www.facebook.com/photo.php?v=10150763672053579

Reactions: if the consulate pips are really working for his case then by this time dapat alam na nila kung magkano ang penalty sa car registration.. or sa penalty sa iqama. Pero as i had mentioned walang problema sa penalty sa iqama dahil willing yong company ni mr. salmos noon pa.. pati ticket sasagutin ng company.. iito na lang sa muror sana ang ginawa nila noon pa.. Ang problema sa kanila ang hindi problema ay ginawa nilang problema sa mata ng mga tao para sabihin na may ginagawa sila pero mahirap lang ang kaso ni Mr. Salmos. 

Isa rin sa hindi ko nagustohan sa balita, hindi ko talaga alam bakit kailangan pang sasabihin na kinupkop ng indonesian domestic workers? Makapagcreate lang ito ng maling impression. 

heto pa isang epal. .http://migranteme.blogspot.com/2012/05/ph-govt-dilly-dallying- providing.html 

Migrante wrote in their blog: “The PH consulate must locate the employer and sponsor of OFW Salmos and convince it to issue a final exit clearance to OFW Salmos while working to get a police clearance as he was not cleared yet for the car accidently he was involved 10 years ago,” Monterona adding that this is the first thing to do by the PH consulate in Jeddah. 

must locate the employer daw? Halatang sumasakay at nanggamit lamang dahil kung alam nila ang kaso, sana ay alam nila na nandyan lang ang company. 

Wala ng alam sa mga detalye nagclaim pa na tumutulong. Sila daw ang tumulong dahil last month pa nila ito pinaabot sa consulate. Ibig sabihin nauna nilang naipa-abot daw ang kaso ni Mr. Salmos sa consulate kaya tulong na nila yon. Di nila alam October 2011 pa lumapit si Mr. Salmos sa Consulate na kung inaksyonan lamang din ay tapos na. 

Ka Ronnie apart from it … ang binangonan boys at ilang kalalawigan sa rizal ay nagpasa na rin sa akin ng impormasyon to intervene, at sabi ko na lang sa kanila to stay relax at magbasa na lang ng mga kumakalat na istorya but don’t expect na may mababasa silang updates mula sa atin until finally na mapauwi na sya ….with that 

simple message alam na nila ang ibig sabihin …

Saturday May 5, 2012

Romeo S Carbonell we pray for the result sa papers ni alfredo,at nakahanda na po akong puntahan bukas na ng umaga i call you if nakuha ko na ang papel natin sa emara..

Sunday May 6, 2012

May 6, 2012 – pumunta si romy sa emara at binigyan sya ng panibagong transaction stub at sinabing pumunta sa muror. pumunta si romy sa muror at hindi pa dumating sa computer ng muror ang recommendation ng emara. he was advised na babalik sa hapon. i told romy na bukas na babalik , may 7 . dahil normal talaga na process ay 1 week ang transaction from one government agency to another government agency. heto po yong bagong transaction stub na nakuha ni romy sa emara. 

Franklin Salvio Resma knock knock.. updates on this bai? May 6, 2012 at 1:13pm · Like 

Tasio Espiritu bay here is the latest.. this morning ka Romeo S Carbonell went to the emara.. he was given a new transaction stub for the muror.. he then went to the muror, pero wala pa sa computer ang file number from emara at pinabalik sya sa hapon. we advised ka romy na bukas na babalik.. Normal time of transmittal kasi from one government agency to the other is one week.. 

Procedure.. from emara yong letters and documents ang hard copy mismo ang iforward doon sa muror plus yong recommendation ng emir. if bukas nandon na sa computer ng muror ang recommendation ng emara.. ka romy will then handover the muror document of mr. salmos para madaling matrace yong last record ng pumunta sila with the company.. (hindi kasi nasama ang document na ito ng pumunta sila sa emara last week for reasons na naexplain na natin) 

Tasio Espiritu here is the scanned copy of the new stub

Arceli Lazaro bow…may god always guide you

Monday May 7, 2012

Monday May 7, 2012 – Morning @ Muror Office 

Tasio Espiritu pinabalik si romy sa wednesday, dahil wala pa rin sa computer ng muror ang referral ng emara.. as per our our experience it will take maximum of one week bago makarating yong request from one government agency to another. like ng from emara to jawasat, or to saudi labor or to moh.. sana makarating bukas.. if may time si romy maari nya sigurong saglitin ito doon.. if busy sya so maari sa wednesday na.. 

A message from Ate Susan Ople acting based on PEBA’s request to open a special account for Mr. Salmos in Philippines 

On Mon, May 7, 2012 at 10:34 AM, Susan Ople wrote: 

Hello sa lahat!!! Re Alfred Salmos, nagkita na kami ng sister niya na si Epifania Colina kanina. Dinala ko siya sa BPI Ortigas Branch para sana makapagbukas ng bank account kaya lang wala pala siyang dalang proper IDs. Anyway, luluwas na lang siya ulit with the right IDs including her passport. 

Oras na may bank account na yung sis ni Alfred, will email to you Tas the details. 

Actually, sabi ng sister may nagalit pa raw sa kanya na 2 NGOs kasi di raw niya nabanggit sa TV interview. Sabi ko wag na lang pansinin dahil pagnakauwi na si Mang Fred at humupa ang media attention, doon nila malalaman ang totoong tumutulong doon sa gusto lang magsamantala. 

Will keep you posted from our end. 

Regards, T.
Sent from my iPhone 

On Mon, May 7, 2012 at 9:17 PM, Romy Carbonell wrote:

pre, galing ako kanina kay alfredo salmos para bigyan sya ng copy sa muror,sa wensday ay babalik ako uli sa muror kasi wala pa sa computer yung file nya..tapos yung mga ka batch ko sa 

highschool (IV-CMRHS-84) close group claro m recto high batch84,ay nagbigay ng grocery bigas at mga dilata at load na 30sr mobily.see the picture attached. Thanks.Pareng Romy.. 

Romy and Manong Fred 

– for transparency – Tasio Also Forwarded a 30 SR Mobily Load for Manong Fred. 

Tuesday May 7, 2012

May 8, 2012 (Scheduled for ka romy to go muror after Duhr prayer. 

Franklin Salvio Resma congen just callled. Ok ren xa at tutok sa case ni mang fred. he was asking some info about kelan dumating ng saudi c mang fred, 

Please check ur info, around September of 1984, his company is Electric House in Riyadh

Tasio Espiritu yes bay.. It’s 28 years ago at nag-exit. So clear ang records. bumalik sya to work for abb then exit ulit again clear ang record…. he came back to saudi in 1992 to work for siemens thus he last kafil is seimens.. 

So bringing electric house to the issue, is irrelevant.. Dapat na analyze na nila noon pa yan.. Yes i believe congen garibay ay tutok rin sa kaso.. but the way i see it bay nang nagtanong si congen sa yo.. it is clear na ngayon pa lang sila magdraft ng note verbale letter to emara ng makkah.. 

take note ang procedure ng bawat mission ay hindi sila pwedeng diderekta sa emara 

kundi dadaan pa sila sa ministry of foreign affairs.. then the mfa will forward to the emara ng makkah.. the emara of makkah will then respond to consulate again thru mfa.. ang content.. muror in jeddah is not our jurisdiction.. 

for makkah cases we can always ask from the emara of makkah .. but for jeddah cases it should be sa emara ng jeddah.. unless if its an appeal for a police case.. dahil yong court of cassation ng western region ay nasa makkah province.. 

they should have known this information. that although jeddah is part of makkah province.. there is a governor of jeddah and he is HRH Prince Mishaal bin Majed.. sya yong tumulong sa mga fishermen natin. Itong mga nurses sa jeddah hospital and many more.. 3 hours ago · Like · 1 

Franklin Salvio Resma MANILA is asking for the complete details of his case. kaya eto ginagawa nila ung history ni Mang Fred.

Tasio Espiritu 

bai.. manong fred is with pareng bong and ali in deportation right now at nafinger- print daw sya ulit..Sabi ni Mr. Salmos ay parang back to zero ako nito sir. 

Back to zero dahil nagawa na kasi yan noon na si manong fred kasama ng kanyang company ay nafingerprint na sa jawasat.. Then nagfingerprint na rin sya noon sa deportation . What for para sabihin na may ginawa sila this week? Pwede naman magpafingerpint sa Jawasat kung kasama mo ang consulate, embassy or company. Ang question matitigil pa rin sila doon sa issue ng sasakyan. ngayon, nagfingerprint ulit sya sa deportation.. 

Nagaawa na ni Manong Fred nyang magfingerprint noon pero pagdating sa pagprocess ng exit visa ay sasabit na naman sa car registration. Wala namang problema kahit ilang beses ka magfingerprint. Kung bakit nila ginawa ito ay baka napressure ang consulate sa Manila kaya kailangan nilang may maipakitang aksyon. 

Narinig daw ni manong fred si congen habang nakipag-usap kay pareng bong na ang nilapitan daw ng consulate ay si prince mishaal.. So not the emara of makkah sa kanilang press release. (Ang question kailan sila nagpadala ng sulat? We have to find out) 

(I received info from Ka Frank Resma na sinabi daw ni Congen sa kanya na kahapon, May 7, 2012 pa lang nagpadala ng note verbale ng ating consulate Kay Prince Mishaal.. for humanitarian consideration for Manong Fred. 

So not sa emara ng makkah as published in their press release. Okay pero dadaan pa yan sa Ministry of Foreign Affairs at kung hintayin pa yan ay matagal pa. so tuloy tayo sa lakad. Papunta na si Romy sa muror today.) Niremind ko si Mang Fred na baka tatawagin sya ng Muror at pinaliwanag ko naman sa kanya na magstay sya sa bahay. Ang sagot naman ni mang fred “Si bong kasi sir nagpupumilit at nandon na daw ang mga taga Consulate sa Jawasat at isang oras ng naghintay” 

if nagkataon na clear ngayon sa muror ni manong fred ngayon sa muror, then alam nyo it is manong fred’s letter..at hindi yan yong sulat ng galing sa consulate dahil sa tagal bago makarating ng kanilang sulat sa emara dahil dadaan ito sa MFA. 

Ang Masaya kung bigla namang nakita ng Jawasat officer na clear na sa muror at sasabihin na pwede na magka-exit visa.. at akalain ng consulate ay sila ang dahilan ng pagkaclear sa muror. (anyway we have all the documents and trasactions stubs to present from emara to muror, sila wala.)

Tasio Espiritu I took the liberty to talk with Congen Garibay. He confirmed to me na kahapon lang sila nagpadala ng note verbale to prince Mishaal. and as SOP it will go via Ministry of Foreign Affairs.. then this may take a very long time.. 

He told me that there was a mistake when they said in their press release na sa emara ng makkah nila ipapadala. He also said na hindi sila sure kung kailan pa ang sagot ng emara ng Jeddah. 

He told me na ang problema talaga ni mr. salmos ay yong car registration, ang company and its liaison officer naman ng company ay effective naman na tumututok kaya nga lang yong car registration ang problema. 

I asked for a time frame kung kalian matatapos. hindi sya makapagsabi but he is hoping for the soonest.. i added na dahil dadaan pa sila sa ministry of foreign affairs… . I also asked for the fingerprint na nangyari sa deportation kanina na dinala ni pareng bong si mr. salmos.. i told congen what is that for ? I told him na mr. salmos already had his fingerprint in jawasat at sa deportation noon pa. at ang kasama nya doon ay ang kanyang company.. sa katunayan meron na nga syang open ticket na binili din ng company… 

Congen told me na wala namang problema sa jawasat. Ang problema ay yong sa car registration talaga.. kaya sumulat na daw sila kahapon kay prince mishaal kaso di pa nila alam kung kailan ang sagot. He also told me na nakatutok naman ang company thru their liaison officer na si Mr. Hassan. So walang problema ang jawasat kundi ang sasakyan lang talaga. 

Sinabi ko na kay Congen na last week pa tayo gumawa ng sulat to Prince Mishaal and it was Mr. Salmos ang naghatid doon kasama ni Ka Romy Carbonel. May mga transaction numbers at stubs na tayo at ngayon ay nasa muror na. 

I told him, na we will inform him kung anong result sa lakad ni romy.. basta we will let romy finish his task.. Once matapos tayo sa muror ay ihahatid natin ito sa company ni mr. salmos at sila ang magsubmit nito sa jawasat. 

Sports naman at hindi ko nakita kay congen yong katulad ng reaction ng iba. Natuwa pa nga sya at nagawa natin ito. He also recognize na malaki ang involvement ng community para kay salmos.. 

We both agreed, walang ibang paraan para makauwi ng maaga si Mr. Salmos kundi yong sulat nya last week kay Prince Mishaal. And we also both agreed na as residents mas madali sa aming mga OFWs ang magsulat sa emara unlike sa kanila na dapat dadaan muna sa Ministry of Foreign Affairs. 

Maayos naman an gaming pag-uusap at makikita mo naman yong concern ni Congen sa mga problema.. We hope in his years of stay sa Jeddah we in Patnubay can establish a good relationship with him. After all isa lang din naman ang hangarin natin. 

Congen told me na lumapit lang si Manong Fred sa consulate noong October 2011. I told congen if noon pa lang ay nagsulat na sila ng note verbale Emara, sana ngayon nakauwi na si Manong Fred … (hindi yong ngayon lang gagawa ng sulat kung kalian masyadong sensationalized na ang kaso ni Mang Fred.) 

12:00 PM – pumunta si Ka Romy sa muror, nandon na sa computer ng muror ang recommendation ng Emara. Pinuntahan ni Romy yong officer. 

Tinawagan ng Officer si Manong Fred. Sabi ng officer ng muror na nandon na yong request ng Emara at pumunta na sya doon para maclear na sya lahat dahil may order ang Amir (Governor). 

Kaya nag-agree kami with Romy and Manong Fred at ang officer na rin na bukas na sila pupunta ng Muror for clearance. 

Kahapon I clearly told Manong Fred na he must stay at home para kung makarating na ang request ng emara sa muror at kung hahanapin sya ay madali lang syang kunin ni Romy. Kaso today since sumama pa sya sa Tarhil, napagod si Manong. 

Alam naman ni Manong Fred, na yong pagfingerprint sa kanya doon sa JAwasat (tarhil) ay katulad lang din sa pagfingerprint na rin noon kasama ang kanyang company. At hindi sya maissuehan ng exit visa kung hindi sya maclear sa muror. (Again ang masaya ay kung ng pumunta sila ng tarhil ay nagkataon din na napaclear na ni Romy ang muror. At aakalain ng consulate na napakiusapan nila ang jawasat na maclear yong muror) 

Email Report ni Ka Romy Carbonel 

From: romy Carbonel Date: 2012/5/8 Subject: muror. To: “Joseph Henry B. Espiritu” 

Pre. 

pagdating ko sa ng muror pinresent ko yong stub hayon nasa computer na .. at hinanap ko na rin yung may hawak sa file ni salmos at nakita ko naman,gusto ko sana makuha kanina pagpakita ko ng transaction stub natin ay hinanap ng pulis si salmos 

ang sabi ko ay Taban sya kaya di ko sya kasama, pero sabi ko sa pulis kung gusto mo makita yung tao ay dadalhin ko dito pero ang sabi nya kung taban si salmos ay wag na at balik na lang raw ako bukas ng umaga sa alsalama muror. 

so ganito ang plan namin bukas isasama ko si salmos sa muror pero di ko na sya pababain ng sasakyan, kapag hanapin lang sya saka ko sya isama sa loob para maniwalang taban sya,kung sakali lang na hanapin sya sa muror.. bukas maaga ko sya sunduin para sakaling makuha na namin ang file nya ay didiretso na kami sa company nya para maiprocess ng company nya sa jawasat. 

Thanks.
Romeo 

This case is almost closed and ang closure ay gagawin natin bukas. 

1.Ka Romy Carbonell, ka Frank and Manong Fred will go to muror to get the clearance to have a copy of the recommendation of Prince Mishaal. 

2. They will then proceed sa office ng Company ni Manong fred, Romy will explain to them na clear na si Manong Fred sa Muror and that they may proceed sa Jawasat. Actually the consulate ay hindi naman sila ang kailangan sumama kay manong fred sa jawasat dahil may company naman na nag-asikaso. 

3. Ang role ng consulate dito is to issue a Travel Document or an extension of the Passport since nagexpire na noong February. Yon lang. 

Standby for updates sa lakad nila bukas May 9, 2012 

Susan Ople 

Hi Tas! nagbukas ng account si Epifania Reem Salmos Colina, sis ni Mang Alfred. sa BPI Carmen West Rosales Pangasinan branch. Here’s the correct bank details ulit: BPI Account Number 0639-0859-29 c/o Epifania Reem Salmos Colina. Thanks! 🙂 

Tasio Espiritu 

hello ate good am. thank you so much. can we ask an ngo or red cross, para maoperahan si mang alfred para makagalaw ng maayos, dumidikit kasi yong mga paso ng kanyang katawan. thank yo so much. 

Wednesday May 9, 2012

May 9, 2012 , just 8 days after Mr. Salmos brought his letter to Emara for his request na maclear ang muror… At 9:45 in the morning today.. Cleared na si Mr. Salmos. 

Pumunta sina ka Romy at Ka Frank ngayon sa Company para ipaliwanag ang proceso kung papano na-clear si manong fred sa muror. Masaya ang company dahil nagawan ng paraan ang problema ni mr. fred sa loob ng dalawang taon. 

Itinurn-over ni Ka Romy at Ka Frank ang lahat ng mga documents natin mula sa sulat 

sa emara, mga transactions stubs, yong recommendation ng governor to the muror. then yong clearance ng muror. 

As mentioned earlier expired na ang passport ni Mr. Salmos kaya we have to ask the consulate for an extension. Ka Frank Resma called Congen Garibay at sabi naman ni Congen ay walang problema. Ka Frank requested na kung maari ay mag-email ako sa consulate to make it formal. And here is our email 

From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: Wed, May 9, 2012 at 11:12 AM
Subject: Re: Urgent Request for an Extension of Passport for Mr. Salmos
To: Norman Garibay Cc: rafael seguis, Ezzedin Tago, Franklin Resma, Mokong Moks

Dear Congen Garibay, 

1. As per our conversation yesterday ..We informed you that we in patnubay discreetly took the initiative to help Mr. Salmos clear his records in the Muror. 

– We drafted his letter to Prince Mishaal and Mr. Salmos himself with Ka Romy Carbonel went to the emara last week (April 30, 2012). 

– The emara Civil Rights department received Mr. Salmos request and forwarded the case to the Muror with a recommendation to clear his car records. 

2. Updates: 

Today, Mr. Salmos, with Ka Romy Carbonel and ka Frank Resma went to the muror to get the clearance.. And Alhamdulillah cleared na si Mr. Salmos. (Kahapon pa sana yan kung hindi lang kinuha ng taga consulate at ni Bong concha si Mr. Salmos at dinala sa Jawasat (Tarhil).) 

Ka Romy and Frank, then went to Mr. Salmos Company and the latter promised to assist Mr. Salmos sa kanyang repatriation. From the start it was the company who assisted him sa Jawasat which wala namagn problema kung wala lang yong sa car registration nya. (According to Mr. Salmos he sought for the consulate’s help last March 2011 to clear his car records. Walang nangyari hanggang sa naexpire ang kanyang passport last February.) 

3. Request 

– We kindly request the consulate for an extension of Mr. Salmos’ passport, so that his company may proceed with processing of his exit visa. 

4. Documenting Patnubay’s legworking 

– our group had agreed that we may provide to the consulate all our documents from emara, to muror, the clearance, our letters. If the consulate will request to us in email or in a formal letter. 

Best Regards,
Joseph 

While on their way to the company to bring the passport, tumawag naman si pareng bong concha kay mang fred at galit dahil isang oras na daw naghintay ang doctor sa kanya. eh free naman na checkup si Mang fred sa hospital noon pa man. 

Kaya hinatid nina Ka Frank at Ka Romy si Mang Alfred sa bahay at sila na lang daw ang magdala ng passport doon sa company ni Mang Fred. Bago bumaba sabi naman ni mang Fred sa kanila ay sasabihin na niya kay pareng bong na clear na sya sa Muror. Alam naman natin na alam na ni Bong yan dahil nagsulat na tayo sa consulate na cleared na si Mang Fred sa muror. At malamang tinembre na yan ng consulate sa kanya. 

Wala namang masama kung dadalhin sa doctor pero pagod itong si Manong Fred. At may constant checkup naman sya bago naging sensational ang kasong ito. 

From: Uriel Norman
Date: Wed, May 9, 2012 at 2:32 PM
Subject: Re: Urgent Request for an Extension of Passport for Mr. Salmos
To: “Joseph Henry B. Espiritu” 

Dear Joseph, 

His passport has been extended. Romel Carbonel and Frank Resma brought Fred to the Consulate for the purpose and for him to answer some of my questions regarding his accident. Thank you for your assistance. 

Uriel Norman R. Garibay Consul General Philippine Consulate General Jeddah Tel : Fax: Mob: 

We will wait for ka Romy and Ka Frank’s report sa kaganapan na nangyari kanina. Updates 

Report from Ka Romy 

From: Romeo Carbonel
Date: Wed, May 9, 2012 at 3:37 PM
Subject: Re: Urgent Request for an Extension of Passport for Mr. Salmos
To: “Joseph Henry B. Espiritu” 

Pre, 

Nasa murur kami ng mga 7:45 galing sa bahay ni salmos kami ni frank tapos dumating ng 8:35 yung may hawak ng file ni salmos,at pagkalapit namin sa may hawak ng file nya na si capt.saad jadany Ay kaagad kaming pinaasikaso sa tauhan niya kay sarget shaharani at katapos nya napapirmahan lahat ng papeles ni salmos ay pinapunta kami sa sevice office para magbayad ng renewal sa kanyang stimara,pagbalik naming ay pinaayos na nya sa pinakamataas nila sa muror para mapirmahan na para sa releasing document..salamat naman at na clear na si salmos sa kanyang kaso sa murur at 

salamat rink ay sir frank at sya muna ang nag abono ng pangbayad sa renewal ng stimara ni salmos..at pagkatapos naming sa murur ayon sa sntraction mo ay pumunta na kami sa kanyang companya para inform na clear na si alfredo salmos sa murur at nagpasalamat rin sa amin yung HR ng company nila dahil maiproseso na ang kanyang paguwi sa pilipinas..pero paso na ang knyang passport kaya pumunta na kami sa consul at agad naman kaming naasikaso sa kanyang xtention ng passaporte ng 1 taon.. May report din si Sir frank para ditto.. 

please find the murur document attached 

Salamat po.
Romeo. 

Report from Ka Frank 

MISSION ACCOMPLISHED. TWO THUMBS UP! 

All points in the game plan implemented and executed accordingly. 

Today accompanied Mang alfredo Salmos to the murror, with a referral from the Emara or office of the Governor of Jeddah, H.E. Prince Mishal. naging automatic ung procedure, in a matter of 2 hours, he’s now cleared from all his penalties of only (600sr). 

right away, submitted the murror clearance to siemens to process his exit visa, unfortunately his passport was expired 14th february 2012, called Congen Garibay and requested for an extension of his passport, after 30minutes his passport is ready. Returned to siemens and submitted the extended passport (amended). hoping that he goes home next week the soonest. Inshallah! 

Ka Frank 

Photos and Documents 

Ka Romy Carbonel and Ka Frank Resma 
Recommendation ng Emara to Muror to Clear Mr. Salmos’s Car Records (matched with the number of our transaction stub)
Muror Police Report 
Alfredo Salmos Statement sa Muror
Estimara (Car Registration) Renewal for one year SOP to – 600SR So ito lang ang binarayan dahil tinanggal na yong Penalty multiplied number of years

And finally 

Ang Clearance ng Sasakyan

Nagbigay din ng donation ang mga kasamahan ni Alfredo Salmos 

Cheque donation ng mga kasamahan ni Manong Fred, na maari nyang ma-encash pagdating sa Pilipinas. 

Pahabol: 

Nagtext si manong at galing na daw sya sa doctor. Tinanong ko si manong bakit hindi nasunod yong advice ko sa kanya na tanggihan. Sagot nya naman, ay nagpumilit daw kasi si Bong. 

Tinanong ko si Manong kung totoo ba yong sabi ni Ka Romy na ang purpose ni Bong na dadalhin sya sa doctor ay para magpa-opera. 

Sagot ni manong oo nga daw sir ooperahan daw ako. Sabi ko papano ka makauwi nyan kung ooperahan ka? Sagot naman ni Manong “Yon na nga sir, sinabi ko sa kanya na malapit na akong makauwi dahil clear na ako sa morur tinulongan ako ng patnubay, nina frank at ka romy. Mataas na daw ang boses ni bong at sabi ay ano ang magagawa ng Patnubay nina Frank? Kung may clearance daw yon ay dahil sa nilakad nila ni Ali sa Jawasat. 

Tinanong ko si manong kung naoperahan ba sya. Ang sagot nya ay buti na lang daw ay expired yong Iqama. 

Inulit ko kay manong ang tanong kung bakit sya sumama kung operahan pala sya. papano kung hindi na sya makakauwi dahil magrecover pa sya. samantalang mataas ang isang linggo ay makauwi na sya dahil clear na sya sa muror. 

Hindi daw sya makatanggi kay bong. Sagot ko naman dahil magalit sya? Tumahimik si manong. Tanong ko ulit takot ka ba kay bong manong? sabi nya, hindi naman sir tumatanaw lang ng utang na loob dahil sya naman ang unang nakakita sa akin. 

Sagot ko naman sa kanya, oo tatanaw tayo ng utang na loob pero hindi ibig sabihin na tanggalan ka na ng karapatang tumanggi. 

Sabi ni manong, hindi naman daw natuloy yong operasyon dahil expired ang kanyang iqama. kaya humingi daw yong doctor ng clinic ng referral sa consulate. 

So we discussed with ka frank about this and he called Congen at baka nandon na si bong at nakapagissue na ang consulate ng referral. 

Nakausap ni Ka Frank si congen. Naunahan tayo ni bong. buti na lang at hindi nag- issue sina congen at sinabihan si bong na hindi kami mag-issue ng ganyan bong. Dapat si mr. salmos ang mag-issue ng statement na kanyang consent for operation. 

So tumawag ako kay Manong Fred, at sinabi ko sa kanya ang sinabi ni congen kay Ka Frank. Sbi ko kay mang fred baka babalik si bong dyan, at may papirmahan sa kanya at baka pipirma naman sya. 

Pinaliwanag ko kay manong na hindi porket tumanaw tayo ng utang na loob, hindi porket sa kanyang kalagayan ay tanggalan na sya ng karapatan para magsabi ng oo or hindi. Naintindihan naman ako ni Manong Fred. Kaso pagdating sa utang na loob at hiya na tumanggi ay baka pipirma sya at matuloy na operahan. Sinabihan ko si Mang Fred na pakisabi kay Bong na doon sya sa Company ni Mang Fred magpa-alam dahil sila ang kafil nito. 

Ang problema ay tumanaw nga si Manong Fred ng utang na loob at dahil sa kalagayan nya ay mahiya syang tumanggi or takot ba kaya. Kaya inulit ko sa kanya na kung tutukan ng company ang paguwi ay mataas na ang isang linggo, kahit isang araw basta may available lang na eroplano ay matatapos nay an. . papano sya makakauwi kung ooperahan sya. Pwede naman tayong maghanap ng magaling na surgeon sa atin. 

Final Statement: Once again naprove natin na ang kakulangan sa kaalaman ang dahilan ng mga problema ng OFWs. Ang puno’t dulo ng problemang ito ay yong hindi alam ni Mr. salmos na dapat iclear ang sasakyan kahit na-impound na. At ang kakulangan sa kaalaman naman ng karamihan, maging sa ating mga tauhan ng ating konsulada, sa proceso kung papano resolbahin ang mga ganitong kaso. 

Sa tulongan natin napatunayan ni Mr. Salmos na napakadali lang pala ng kanyang problema na kung alam nya lang na ganito lang pala ang gagawin ay noon pa sya nakauwi. 

Maiintindihan natin kung kulang sa kaalaman si Mr. Salmos sa proceso dahil hindi naman sya katulad sa atin na kabisado ang mga batas at proceso dito.. Pero ang hirap tanggapin na walang alam ang ating consulada sa pagresolba ng mga simpleng problemang katulad nito na nailapit sa kanila last March 2011 pa. Or talagang sadya bang pinatagal or mga tamad lamang or wala sa puso ang pagtulong at nakalimutan ang pinanumpaang tungkulin na dapat tulongan tayong mga OFWs. 

In all fairness to Congen Garibay, I have strong hope sa kanya na mapabago nya ang mga ugali ng mga tauhan ng ating consulada. Ang kaso ni Mr. Salmos ay napakasimple lamang kung tutuusin. 

Maging aral din sana ito sa ating gobyerno na may baguhin sa kanilang proceso bago magpapadala ng mga tauhan dito or maghire ng mga local hire para magtrabaho sa konsulada or embahada. Yong may puso at hindi yong mga feeling-royal na gustong 

titingalain. At maging aral din ito sa mga grupo at indibidyuwal na mahilig sa padrino system at gusting palaging makadikit sa kung sino ang inakala nila ay may kapangyarihan 

And once again, napatunayan natin na ang principles of servanthood at volunteerism, ang bayanihan ng mga kasamahan natin sa Patnubay ay epektibo. At hindi madali na sa 72 servant leaders sa exclussive group na ito ay nahold natin yong mga information. Although alam ko na minsan hindi maiwasan may mga pasaring tayo na masabi sa tagalabas. Dahilan na minsan may mga time na may mga sagabal sa ating nilalakad at nakadelay ng isang araw dahil hinatak ng iba si mr. salmos sa lugar na wala namang mangyayari… (Katulad na lamang ng pagsabi na isang linggo malutas ang kanyang problema) 

And once again, napatunayan natin na ang tuwid na daan kung susundan mo lang kahit ilang sagabal pa dyan; ay yan pa rin ang pinakamadaling paraan para malutas ang problema. 

Personally, nagpapasalamat ako kay Ka Romy Carbonel who did the legworking from start to finish, kay Ate Arceli, ka frank na pinaabot itong problema ni Mr. Salmos sa atin. Again kay ka frank Resma at Ka Romy Carbonel for the finale. Kay Ate Susan Ople and Ople Foundation, Ka Ronnie Abeto, Kay Ka Kenji, Ate Minda, Ate Ellene Sana, Sa lahat ng kasamahan ng Patnubay maraming salamat. 

Maraming maraming salamat kay Prince Mishaa’l governor of Jeddah, sa taga Muror al Salemia at sa Company ni Mr. Salmos. at higit sa lahat ang Allah, nangyari ito lahat dahil sa kanya. 

You may wish to add all the other individuals or groups who you know ay tumulong din kay Mr. Salmos. God bless you all always. 

Naawa ako kay Mang Fred hindi lang dahil sa kanyang kalagayan kundi dahil sa panggamit ng marami. Kumakalat na yong picture nya nakahubad at parang ginamit pa ng iilan para magpapicture. Sana hindi na maulit ito.. Kung gustong tumulong , tutulong pero bigyan naman sana ng dignidad ang tao. May mga grupo din na nagclaim na sila ang tumulong kahit hindi. Ang nakakalungkot ay may mga nagsolicit pa ng mga donations para sa kanya. At yong kulang nya sa pahinga dahil kahit sino ang tatawag dahil pinakalat na rin ang kanyang mobile number sa internet. At may mga tao at grupo din na basta na lang sya kukunin at isasama kung saan saan para may maibabalita at maipagyabang. Oo distress yong tao, nangangailangan ng tulong.. pero respetuhin naman natin sya at bigyan natin ng dignidad. 

Basta tayo dito ay tahimik lang na gumagalaw, at dahil sa bayanihan natin ay nalutas ang tunay problema ni Mr. Salmos. 

Thanks to everyone. Patnubay Advocacy Group 

Disclaimer: Hindi natin hangad na sisiraan ang ating konsulada, mga indibidyuwal or grupo. Ang tanging hangad lang natin ay masabi ang katotohanan na may mga mali at maiparating natin sa kanila kung ano ang tama. 

Ka Franklin Resma wishes to thank the Following 

Sfrmg Mar & SF Nico of the Elite Guardians – their initiative to reach out to the community to ask for help, iba nga lang ang nalapitan.
ARCELI LAZARO – for constantly updating me the progress of mang fred.
KASAPI CONGRESS AND ASTIG, – for launching the fund-raising project such as the DINNER FOR A CAUSE on MAY 17, 2012, and more…
DELIA AND RIZALDY JAVING for offering LAPARILLA to have our meetings if not free but at minimal cost.
1GANAP GUARDIANS 

Ka Kenji Solis Wishes to thank 

PEBA (Filipino Expatriatiates Bloogers Association) Blas Ople Foundation 

KA Romy Carbonel 

(IV-CMRHS-84) close group claro m recto high batch84 

And of course to all Patnubay Servant Leaders and Website Writers and Anginyonglingkod.com Maraming Salamat.. 

Mission Accomplished 

For OFWS young and old, living or dead, good and not bad.. 

Drafted by: Tas Espiritu for 

Patnubay Advocacy Group – Servant Leaders and Website Writers 

Share this: