Isang mayaman na Saudi pinili ang magpatayo ng isang village sa Pilipinas kaysa gastusin ang 1.5 Million Saudi Riyals sa isang Wedding Party.

Share this:

Noong taon 2014, pinili ng isang mayaman na Saudi ang tumulong na mapatayo ang isang Village sa Pilipinas kaysa gastusin ang 1.5 Million Saudi Riyals sa isang Wedding Party.

Ayon sa tweet ng Saudi writer na si Barjas Al Barjas, ang nasabing village ay mayroong 99 na bahay, eskwelahan, masjid at mga tindahan na ang kita ay gagamitin sa maintenance ng village.

Marami ang humahanga at may nag-tweet ng “Pagpalain ni Allah ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak at ang kanyang kabuhayan.”

May nagkomento: “Sinusulat ni Allah ang kanyang gantimpala at itinaas ang kanyang kakayahan at binigyan siya ni Allah ng magandang intention .. Ang aming bansa ay napuno ng mga mabubuting halimbawa .. O Allah, Sa Iyo ang mga papuri at pasasalamat.

“Naiintindihan niya na ang turo ng Islam, ay ang pagtatayo at hindi ang pagkakasira. Ang pagtatawag kay Allah upang magkamit ang kanyang habag ay inaangat, at mahal ni Allah ang mga tumutulong sa kapwa at siguradong makakamit nya ang higit na biyaya ni Allah.”

Ang Village na tinutukoy ay ang Nour Allah Village na matatagpuan sa Camanci Norte, Numancia Aklan. Ito ay housing project ng NGO na Islamic Help UK. Sila ang nangangasiwa sa proyekto at nagdokumento sa biyaya na naishare ng donors katulad ng Saudi na pinili na ikansela ang Wedding Party para magpatayo ng Village. Ang Nour Allah Village ay libreng pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda (2013) sa Hilagang bahagi ng Panay Island na isa sa mga malubhang natamaan ng naturang bagyo.

Sinabi ni Barjas Al Barjas sa kanyang tweet, na sa kasalukuyan, paglipas ng limang (5) taon ay nasa 650 ka tao na ang nanirahan sa Nour Allah Village .

Ang pangalan ng Saudi Donor ay nananatiling anonymous. Maraming salamat po sa iyo brother sa iyong tulong sa aming mga kababayan. Aming dasal na ipagkakaloob ni Allah ang maraming biyaya sa iyo at sa iyong pamilya.

Google Map Photos of Nour Allah Village

References:

Share this: