Pinay na Kasambahay sinita sa Jordan Airport dahil sa dala na mga electic bills (2017)

Share this:

Pinay na Kasambahay sinita sa Jordan Airport dahil sa dala na mga electic bills (2017)

Setyembre 22, 2017
Amman, Jordan

Sinita ng mga awtoridad sa Paliparan ng Jordan ang isang Pinay na kasambahay dahil sa dami nitong dala na mga electric bills.

Pauwi na sana ng Pilipinas si Kabayan hanggang sa nalaman niya ang katotohanan, na niloko pala siya ng kanyang mga amo.

Sinabi ni Kabayan sa mga awtoridad ng Jordan na napaniwala siya sa sinabi ng kanyang mga amo, na ang mga dalang electric bills ay cheque para sa kanyang buwanang sahod na maari daw ma-encash sa Pilipinas.

Lumabas sa imbestigasyon na dalawang (2) taon na hindi nakatanggap ng sahod si kabayan ng kanyang mga manlolokong amo.

Arabic News Source: www.garaanews.com

Share this: