Isa pang Pinay Human Trafficking Victim – nasagip sa Jordan

Share this:
OFW Helen (center) with Atty Bilal and Welof Berna

Nagpapasalamat ang isang OFW na si Helen Cuanang na nasagip kamakailan mula sa hindi magandang kalagayan. Siya ay kasalukuyang nasa Human Trafficking Unit SHELTER hanggang sa mapauwi sa Pilipinas.

Si Jordanian lawyer Atty. Bilal Oden ng POLO-OWWA at Welfare Officer Berna P. del Castillo ang magkasamang nag-aasikaso para mapapadali ang kanyang pag uwi sa Pilipinas.

Nakuha nya na rin ang kanyang kompletong sahod na nagkahalagang 740 dollars at sa ngayon ay nasa mabuti na siyang kalagayan. Naghihintay na lamang sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

Para sa karagdagang updates sa kaso na ito, tutok lang palagi sa PATNUBAY ONLINE

Share this: