News Events of the Day (11/14/2016)
Supermoon and Laila!
Satirical by Tasyo Espiritu
Sa prose and poetry, kung may salitang “day” ay tatapatan yan ng salitang “night”. Kung may salitang “sun” ay tatapatan naman ng salitang “moon”. Magkatambal naman lagi ang “day” at “sun” then ang “night” at “moon”..
Teka muna, papano ba mapunta ang kwento sa kanyang title?
Ah okay.. okay. ganito.. Sa banal na Quran.. na ayon sa mga experts ay para itong aklat ng prose at para din itong poetry, pero hindi daw ito prose at hindi rin ito poetry dahil sa napakalalim ng bawat linya nito.
Sa banal na Quran kung may salitang Arabic na “nahhar” (day) ay katambal lagi ang salitang “shams” (sun), tatapatan ito ng salitang “layl” (night) na ang katambal lagi ay ang salitang “qamar” (moon).
Ang pangalang Laila ay nag-ugat sa salitang Arabic na “layl” na ang ibig sabihin ay night, kung saan palaging katambal ang salitang qamar (moon).
hmmm. pwede na. layla means night, qamar means moon. pangit na satire ito. Teka lang may kulang pa yata, dagdagan natin.
Gagamitan kaya natin ng etymology.. ang Laila or Layla na pangalan ay nag-ugat sa salitang Arabic na “layl” na ang meaning ay “night”. Saan naman galing ang salitang “layl”?
Ang salitang “layl” ay nag-ugat yan sa pangalang “Lilith” na character sa “Epic of Gilgamesh”, isang epic poem na mas nauna pa sa Torah ng Bibliya. Kaya ito ang tinaguriang “oldest surviving great work of literature”.
Sino nga ba si Lilith? Heto na, heto na. eng-eng-eng….
Ayon sa epic of Gilgamesh, si Lilith ay isang engkantong babae na nang-aakit ng kalalakihan, nananakit ng mga buntis at pumapatay ng mga sanggol at umiinom ng dugo ng tao, magandang babae kung araw pero kung gabi at bilog ang buwan, sya ay naging “owl”.
Sa Jewish Mythology naman, si Lilith ay isang jinn.. Siya ang unang asawa ni Adam bago kay Hawa (Hava in Hebrew language and translated as Eve in English). Pero iniwanan ni Lilith si Adam dahil ayaw itong magpa-under sa kanya.
Kaya nalikha si Hawa mula sa tadyang ni Adam. Pero nagalit si Lilith, at sumumpa na ang lahat ng “first born son” sa angkan ni Adam ay kanyang papatayin. Umaatake lamang si Lilith kung gabi at bilog ang buwan.
Sa Hebrew Bible naman, sinabi ni Prophet Isiah na si Lilith ang pinakamaruming hayop sa mundo.
Teka, teka, parang lumalayo tayo.. Ano nga ba relationship nito sa title ng kwento?
Sige na, tatapusin ko na lang ito sa isang tanong at isang sagot…
Bakit umamin na si Laila?
Sagot: Dahil sa Supermoon!