KSA: Simula Enero 1, 2020 – Ang Iqama o National ID na lang ang ipapakita sa mga clinics o hospitals, hindi na kailangan ipapakita pa ang Health Insurance Card

Share this:

Noong Disyembre 26, 2019, inilunsad ng Council of Cooperative Health Insurance (CCHI) ng Saudi Arabia ang kampanya na “Sihlnaha Alayka (We made it easy for you)” na simula Enero 1, 2020, ang Iqama o National ID na lang ang ipapakita sa mga clinics o hospitals at hindi na kailangan ang Healh Insurance card

Ayon sa Secretary-General ng CCHI na si Dr. Shabab bin Saad Al-Ghamdi, “Hindi na kailangan ipapakita ang Health Insurance card sa mga clinics or hospitals, dahil sapat na ang National ID o (active) Iqama bilang patunay na mayroong Health Insurance.”

Sa loob ng dalawang buwan ay magpapatuloy ang kampanya na “Sihlnaha Alayka (We made it easy for you)”, na naglalayong mapanatili ang mga karapatan ng mga insured sa mas mabilis na health insurance services at ang patuloy na digital transformation sa sektor ng private health insurance.

Tinukoy ni Al-Ghamdi na kasama sa kampanya na ito ang ibat-ibang mga channel sa media; TV, radyo, mga pahayagan at social media, sa anim (6) na lengwahe (Arabic, English, Urdu, Filipino, Hindi at Bengali), para sa kamalayan ng mga insured.

Dagdag pa ni Al-Ghamdi, patuloy din silang maglilibot sa mga pangunahing hospitals at clinics sa ibat-ibang syudad at probinsya ng Kaharian para ipapaliwanag at lilinawin ang mga pagbabago at pagpapaunlad sa kamalayan tungkol sa sistema ng cooperative health insurance system at sa ehekutibong regulasyon patungkol sa unified document na lalong magpapahusay sa kalidad ng serbisyo ng mga health care providers at ng mga private health insurance companies.

Ayon kay Al-Ghamdi, sa kanilang website ay maari din magcheck sa estado ng health insurance membership sa pamamagitan lamang ng pag-enter ng National ID o Iqama.

Nanawagan si Al-Ghamdi sa mga insured na kung mayroon silang mga katanungan o reklamo tungkol sa kanilang mga health insurance ay wag magdalawang-isip na tumawag sa kanilang hotline sa 920001177, o magmessage sa e-mail address na Info@cchi.gov.sa o sa pamamagitan ng kanilang apps, o sa kanilang social media channels (Twitter, Facebook, LinkedIn) account:cchiksa o sa kanilang website na https://www.cchi.gov.sa

Link of CCHI Press Release in Arabic:

https://www.cchi.gov.sa/MediaCenter/NEWS/Pages/news-26-12-2019.aspx

Related Links

Share this: