“Return my passport!” – Isang Pinay sa Japan nagsampa ng kaso laban sa dating company na “administrative scrivener office”

Share this:
News Source: https://news.nicovideo.jp/watch/nw6454775

“Return my passport!” – Isang Pinay sa Japan nagsampa ng kaso laban sa dating company na “administrative scrivener office”

Isang Pinay na naninirahan sa Kanagawa Prefecture ay nagsampa ng demanda laban sa kanyang dating company na isang “administrative scrivener office” kung saan siya ay na-assign sa Yokohama District Court. Ang kanyang demand ay maibalik ang kanyang passport at alimony. Ang demanda ay isinampa noong ika-16 ng Enero, 2019.

Ayon sa kanyang reklamo, si kabayan ay dumating sa Japan noong Abril 2017 at nagsimulang magtrabaho bilang isang part-time worker (kalaunan naging isang contract worker), sa “Advance Consulting Administrative Scrivener Office” sa Yokohama noong Mayo 2019.

Noong July 2019, nagreklamo siya sa hindi maayos na working condition sa company. Kaya, siya ay nag-resign at humiling na ibalik sa kanya ang kanyang pasaporte at iba pang mga documents, ngunit tumanggi ang company.

Ang hindi pagsasauli ng passport sa may-ari nito ay paglabag sa “property rights” at “Labor Standards Law”. Maliban sa napilitan siyang magtratrabaho nang labag sa kaniyang kalooban, hindi siya malaya na makapaghanap ng ibang trabaho dahil sa hindi niya hawak ang kaniyang passport.

Nakipagkita si kabayan sa isang abugado noong ika-17 ng Enero sa Ministry of Health, Labor and Welfare Press Club sa Kasumigaseki, Tokyo.

Sinabi ni Kabayan sa abugado na “Akala ko ang lahat (tulad ng pasaporte na kinuha sa akin) ay ibabalik, ngunit sa huli ay hindi pala. Nang marinig ko iyon, labis akong nag-aalala na wala akong anumang patunay tungkol sa aking pagkatao. “

Ayon sa kanyang abugado na si Shoichi Ibusuki, isang kilalang woman’s attorney sa Japan, na ito ang unang pagkakataon na ang isang foreign worker ay lumalaban para sa kanyang passport.

Iligal para isang employer na kunin ang passport ng kanyang foreign worker dahil nilimitahan nito ang “freedom of movement” at ang pagtanggi na maibalik ang passport sa may-ari nito ay violation sa “public order and morals.”

Dagdag pa ni Ibusuki, “Taking a passport and letting foreign workers do their jobs is also equivalent to forced labor. It is not accepted by international common sense, but in Japan it is used as a tool for controlling people. I want to clarify (in a trial) how illegal it is to manage passports and diplomas.”

Tumanggi naman na magpa-interview sa Lawyer dot-com News ang dating company ni Kabayan na Advanced Consulting Administrative Scrivener Office.

News Source: https://news.nicovideo.jp/watch/nw6454775

Share this: