Ang Panalo ni MJ ay panalo na rin ng lahat na OFW

Share this:

1/30/2019
WED 1:04 AM

Rhohana Mirasol

Hello po Patnubay,,,,,, Good morning ,,,,,,,nanalo po ako sa kaso laban sa agency po ….. thanks GOD …Hindi parin Ako pinabaya-an…. thank you Lord

GOD Bless po

WED 6:19 AM

Rhohana Mirasol

WED 9:30 AM

Patnubay Online

masha Allah mabrouk! 

Ipost natin ito sa patnubay ha. Tanggalin lang namin ang name ng agency at name ng judge.

Rhohana Mirasol

Kayo po bahala sir kayo ang Big boss ka chat Mo po Si ma’am anna

Kanina po Yan Sa office ng CMA sir

WED 1:46 PM

Patnubay Online

masha Allah

ilang buwan o taon tinakbo ng kaso MJ?

Rhohana Mirasol

8 month Lang po sir

February 4, mag-one year na po mula nang nakauwe po sir

WED 10:51 PM

Patnubay Online

nagamit mo ba yong mga case report na pinadala namin ?

6:15 AM

Rhohana Mirasol

Opo sir lahat yon may kupya Sa office po Si ma’am Anna kaya mabilis ang decision po

Patnubay Online

Alhamdulillah

Case Backgrounder

Si MJ ay dumating ng Saudi Arabia noong March 2018. Nag-umpisa ang kanyang problema nang namatay ang inalagaang matanda sa unang amo noong August 2018.

Heto ang kanyang mga unang messages sa Patnubay noong December 14, 2018.

Rhohana Mirasol

Dati po ako tumutulong Sa pag-alaga Sa matanda may kasama Ako isang nurse…kaso po namatay ang matanda August-4

Ang problema KO po noong namatay po ang alaga namin last August 4 ang  kumuha Sa akin po ay WALA NASA America….naghintay po Ako Sa pagbalik niya kaso Hindi Kami nagka-usap  ang Alam Mo po Lang pinahanapan Ako Ng bagong Amo

Bagong amo KO C sir Khalid apiyedo Hindi KO Alam WALA po Ako kontrata Sa kanila

Nagkasakit po Ako mataas ang blood pressure KO.155/104  ang nurse po na kasama ang nag check Ng BP KO kaso po Hindi Nila Ako dinala Sa Hospital para pa check up 3 araw Bago Ako binigyan Ng gamot Kung Hindi Nila nakita ng Anak niya na bumagsak Ako,piro ang masakit po Hindi Nila Ako pinahinga Kabir hirap Ako bumangon at maglakad Walang pahinga po talaga

Rhohana Mirasol

Nakontak po Ng MGA Anak KO ang Agency Walang sagot po araw araw Sila tumatawag  Hindi Nila sinasagot tawag Ng Anak ko

Lahat po ginawa KO na na chat KO po Sa FB niya lahat na ginawa KO po Hindi Nila Ako sinasagot may MGA video pa Ako pinasa Sa secretary Sa agency WALA po talaga

Ang MGA Anak KO po Walang Alam Sa MANILA po provincia po Sila ,Walang Alam ….

Kaya Ako humihingi Ng tulong  ninyo na makaalis Dito …PLS po sir tulongan NN U ako

Rhohana Mirasol

Ang masakit po kulang Sa pagkain patay ang katawan Sa trabaho dito

Ang MGA Anak Nila Lagi Ako hinanapan Ng pagkain ,Kabir Hindi Ako kumukuha

Please po sir tulongan po NN you Ako makaalis Dito…..

Pumunta rin po ng POEA ang asawa ko kasama ang mga anak namin ..

Patnubay Online

first , may mobile number ka ba?

Second, Saang POEA?

Rhohana Mirasol

Third di ka ba nila pinagamot?

Wala akong mobile number sir, di nila ako binigyan.

Rhohana Mirasol

Sa Iloilo City po sir ..

Noon December 6 sir, Sir nagpabili po Ako Ng gamot Sa amo KO …..Hindi Nila Ako bibilhan ….kailangan DAW pera KO ang  I ibili …..Sabi KO sagot Nila ang MGA gamot KO…..Kaya Hindi Nila Ako bibilhan Ng gamot…. ngayon po parang babagsak na po ang ulo ko

Patnubay Online

another violation na naman yan. dahil dapat sagot nila ang gamot kugn magkakasakit ka , kahit pahospital

Kasama ba yan sa reklamo mo sa poea?

Rhohana Mirasol

Kaya NGA po sir …..na Hindi Nila Ako dinala Sa Hospital po kahit na bumagsak po Ako….3 araw Bago Ako binigyan Ng gamot po ….
Piro any binili Nila gamot Hindi para Sa sakit KO po.

Opo sir, kasama po sa reklamo sir.

Patnubay Online

Anong sabi ng POEA Iloilo?

Rhohana Mirasol

ang Sabi Nila forward pa Nila Sa Manila ang papers KO ,ang nakalagay.doon is reparation po

SAT 2:59 PM

Patnubay Online

repatriation meaning pauwiin ka.

ipressure nila ang agency mo na dapat pauwiin ka at wala ng pero pero

or else masuspende ang lisensya nila..

Mag-inquire at magfollow-up kami sa POLO Riyadh.

So manindigan ka sa reklamo mo at hiling mo

Rhohana Mirasol

Ah okay ganoon po BHA …..

KC po tumatawag po MGA Anak KO Hindi Nila sinasagot Ng agency ko

Pwedi KO po BHA pasa any MGA picture Sa pagkain na binibigay Nila po Sa akin…para Makita po NN you

Patnubay Online

yes sige ipadala mo dito

ang agency ang tumatawag or sila ang tumawag sa agency

wag nyo nang tawagan ang agency kung nakpagreklamo na kayo sa poea

hayaan nyo na mapressure sila ng poea

Rhohana Mirasol

Noon po tumatawag ang.mga Anak KO Hindi Nila po sinasagot Kaya Sabi KO huwag na po tawagan

POEA na po ang tatawag Sa kanila po

Mamayang Gabi KO na po eh send ang MGA picture po sir…bz po Ako ngayon…. Salamat po sir
GOD Bless po…..

Actions Taken

Noong December 17. 2018, nagpadala tayo ng email sa POLO Riyadh, POEA Manila at DOLE Command Center para mag-inquire kung nakarating na ba sa kanila ang reklamo ng pamilya ni MJ.

Maraming salamat kay Labatt Nasser Mustafa, POLO Riyadh at DOLE Command Center ay nakauwi si MJ sa Pilipinas noong February 4, 2019.

Noong June 2019, sa tulong ng Center for Migrant Advocacy – Manila, nagsampa si MJ ng kaso sa POEA laban sa kanyang agency, at naiakyat ito sa NLRC.

December 20, 2019, nanalo sa kaso si MJ.

Alhamdulillahi Rabbil Alamin!

Related Link

Share this: