Abril 19, 2015 – Kumakalat sa mga social networking sites kamakailan, ang video clip ng isang Pinoy na inaresto sa Saudi dahil nagkunwaring babae. Si kabayan ay nagtrabaho umano bilang “hairdresser” sa isang saloon na pambabae.
Nakamake-up, suot ang wig at damit pambabae kaya hindi mahahalata na siya ay isang lalaki.
Sa kanilang mga comments sa social media, sobra ang pag-aalala ng mga magulang na Saudi para sa siguridad ng kanilang mga anak na babae. Humihiling sila sa mga kinaukulan na dapat mamonitor ang mga beauty parlors at siguradohin na wala nang mga lalaking nagpapanggap na babaeng beautician.
Sources