Arabic News Source: https://alraimedia.com
Pebrero 23, 2020
Nakakabahala ang pag-amin ng mga naarestong “masahista” sa mga massage parlors sa Kuwait. Sa interogasyon, isiniwalat nila na sa kanilang trabaho ay kasama ang pakikipagtalik kapalit ng pera. Ito umano ay nagdulot na ng malaking sakuna sa kanila na nahawaan ng AIDS.
Ipinahayag ni Colonel Emad Saadallah, ang Direktor ng Supervision and Coordination Department ng Ministry of Interior, sa isang liham na kanyang ipinadala sa Director General of the General Administration of the Investigation of Residence Affairs, ang mga seryosong detalye sa ginagawa ng mga manggagawa sa ilang mga massage centers.
Nakumpirma sa kanilang mga pahayag na sila ay nakikipagtalik sa iba’t ibang mga grupo ng lipunan at edad, kabilang ang mga bata, ang matatanda at may-asawa. Ipinahiwatig din Colonel Saadallah na may susunod na report mula sa Ministry of Health tungkol sa mga workers na nahawaan na ng HIV (AIDS).
Ang pag-aaral ay inumpisahan ilang taon na ang nakalipas kasama ang pagbabala para sa mga workers ng mga massage centers na lumalabag sa batas, katulad ng sa backstage prostitution at “homosexuality” ng patago kapalit ng pera, na tinatangkilik ng ibat-ibang mga pangkat ng lipunan at edad.
Ang Quartet, na nabuo sa pamamagitan ng isang desisyon ng Council of Ministers, na kinabibilangan ng ilang mga ahensya ng gobyerno (ang Public Authority for Manpower, the Ministry of Commerce, the Kuwait Municipality, and the Ministry of the Interior) ay nagsasagawa din ng mga inspection tours sa mga massage centers sa Kuwait, para sa pagdokumento at pag-aaral pero walang pormal na paglitis sa mga lumabag ng batas.
Binigyang diin ng Kolonel Saadallah, na pagkatapos ng ginawang research at investigation, naging malinaw na ang karamihan sa mga kaso na nahawahan ng AIDS ay mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga massage centers, na may iba’t ibang nasyonalidad.
Nang sila ay nahuli at dumaan sa interogasyon tungkol sa uri ng kanilang trabaho sa loob ng massage centers na pinagtrabahoan, inamin nila na laganap ang prostitution at homosexuality kapalit ng pera kaya lumaganap din ang sakit, na naging sanhi din ng kanilang sakit.
Sa kanyang ulat, binigyang diin ni Colonel Saadallah na kailangang paigtingin ang mga kampanya laban sa gawaing masama sa loob ng mga massage centers.
Ministry of Health: Siniguro ang Medical Examination ng mga Workers bago papasok sa Kuwait
Sinabi ng isang office ng Ministry of Health, “Ang Ministri ay may napagkasundoan mekanismo sa GCC at sa mga accredited medical centers, para sa medical examination ng mga expats sa kanilang mga bansa bago pumunta sa Kuwait. At pagdating ng worker sa Kuwait, magkakaroon ulit ng panibagong Medical Examination bago maibigay sa kanya ang residency. At kung sakali ay mapapatunayan na hindi ito fit to work, siya ay ideport pauwi sa kanyang bansa.
Ministry of Interior: Mga Massage Centers Minamatayagan
Ang isang Pilipinong ang nahawahan ng AIDS, na nailathala ng “Al-Rai” ilang araw ang nakaraan, ay nag-alala sa balita ng kanyang pag-aresto sa isang massage centers. Inigiit ng mga awotoridad, ng Ministry of Interior at ng Municipal Affairs na ang mga massage centers ay dadaan sa mabusising pagsusuri, sa isang pinalawak na kampanya na ilulunsad upang alamin ang mga records ng mga manggagawa.
May mga dumating na mga tip at impormasyon sa Ministry of Interior at Ministry of Heath tungkol sa mga expat workers na nagtratrabaho sa massage centers na pinaghihinalaan na mayroong AIDS. Halos buwan-buwan umano ay mayroong baong kaso.
Tungkol naman sa isang Pilipino na nahuli, ang owtoridad, ito ay dahil nakatanggap sila ng tip mula isang minor na teenager na nagsumbong na pumunta siya sa massage centers at nagoffer umano ang Pinoy sa kanya. Kaya, niya ito itinimbre sa owtoridad.
Napag-alaman na may AIDS ang Pinoy, at umamin ito na nakipagtalik sa ibat ibang tao, sa loob ng isang room na sinadyang walang CCTV. Pinatawag ng owtoridad ang kanyang sponsor at napag-alaman na siya ay tumatanggap ng 500 dinars kung may customer ang Pinoy.
Source of Arabic news: https://alraimedia.com
Related News