Pinoy patay sa Lecce, Italy – matapos inatake sa puso at mahulog sa bisekleta

Share this:

Lecce, Italy – Kararating lang ni Francisco Natanauan, (39 y/o) sa Lecee, Italy mula sa kanyang bakasyon sa Pilipinas.

Sa kasawiang palad, siya ay intake sa puso at nahulog sa kanyang bisekleta habang binabaybay ang Via Cesare Battisti patungong Villa Communale noong Marso 6, 2020, bandang alas 6 ng gabi.

Rumespunde naman kaagad 118 operators sa tawag ng mga nakakita at ginawa nila ang lahat para mailigtas si kabayan, pero binawian pa rin siya ng buhay.

Kinordon ng mga pulis ang pinangyayarihan ng insidente at nag-reroute ng traffic, para imbestigahan kung mayroon bang ibang dahilan sa pagkamatay ni kabayan. Mayroong CCTV camera sa paligid na magpapatunay na “of natural cause” ang ikinamatay niya.

Binuksan ulit ang daan bandang alas 8:45 ng gabi.

Patnubay Prayer:

Kami po ay nakikiramay sa pamilya ni yumaong OFW Francisco Natanauan. May he rest in peace.

Italian News Source:

Share this: