Naka-lockdown ngayon ang Philippine Center sa New York, nang mapag-alaman na ang isang diplomat ng Pilipinas para sa UN ay nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).
Nasa loob ng gusali ng Philippine Center ang tanggapan ng Philippine Mission to the United Nations, ng Philippine Consulate General, ng Philippine Department of Trade and Industry, at ng Philippine Department of Tourism.
Ang Philippine Center Management (PCMB) ang namamahala sa gusali at mga pag-aari nito.
