Pinay, isa sa 40 na kaso ng mga nahawaan ng coronavirus (COVID-19) sa Jordan

Share this:

Amman, Jordan
Marso 17, 2020

Umabot na sa apatnapu (40) ang kaso ng mga nahawaan ng novel coronavirus (COVID-19) sa Jordan at isa nito ay isang Pinay.

Sa kanilang ulat, sinabi ng Ministry of Health ng Jordan, na ang 40 na kaso ay binubuo ng 32 Jordanians, 6 French, 1 Iraqi, at 1 Filipina. Sila ay kasalukuyang nasa isolation room, nasa mabuting pangangalagang medikal at nasa maayos na kundisyong pangkalusugan.

Nanawagan ang Ministri sa mga mamamayan na magkaroon ng kamalayan tungkol sa coronavirus at kung paano ito malalabanan sa pamamagitan ng “اِسأل عن الكورونا” -“Ask about Corona” platform.

Ito ay isang hotline consulation service ng Ministry of Health ng Jordan. Kahit sino ay pwedeng tumawag sa kanilang toll free number 111. Maari din mababasa ang impormasyon tungkol sa Coronavirus sa kanilang special website na corona.moh.gov.jo.

Ang mga accredited hospitals sa Jordan para mag-examine at mag-isolate ng mga suspected cases ay ang mga sumusunod na hospital:

  • Al-Bashir Hospital
  • New Zarqa Governmental Hospital
  • Karak Governmental Hospital
  • University of Jordan Hospital,
  • King Abdullah Founder Hospital
  • Prince Hashem Military Hospital.

Source:

Share this: