Abril 16, 2020 – Lumabas sa isang online news website na www.kuwaitlocal.com ang balita tungkol sa isang 26 taong gulang na Pinay na kasambahay sa Kuwait, na natagpuang patay sa swimming pool sa bahay ng kanyang employer, sa Mishref Area noong Abril 15, 2020.
Napag-alaman na buntis umano si Kabayan bago pa ito dumating sa Kuwait, pitong (7) buwan na ang nakaraan. Sa preliminary investigation ay lumabas na walang foul play sa kanyang pagkamatay. Ang kaso ay naitala sa Bayan Police Station.
Itatanong natin sa ating Embahada sa Kuwait kung may impormasyon ba sila tungkol sa balitang ito at anong aksyon ang kanilang ginawa.
Source: https://www.kuwaitlocal.com/ar/news/26-year-old-filipino-maid–drowns-in-pool
