Standard format ng Letter of Undertaking para sa mga OFW sa lugar na sakop ng POLO Riyadh at POLO Kuwait

Share this:

HINDI ITO KARAGDAGANG REQUIREMENTS, KUNDI PARA ITO SA MGA WALANG MAISUBMIT NA PROOF NA NAWALAN SILA NG TRABAHO O NO WORK NO PAY SILA.

Para sa mga OFW na nasa mga lugar na sakop ng POLO Riyadh at POLO Kuwait:

  • na natanggal sa trabaho, o nagsara ang kompanya na pinagtatrabahuan, o nagdeklara ng “no work no pay arrangement”, o nagpositibo ng COVID19, at naka-quarantine alinsunod sa regulasyon ng bansang Saudi Arabia o Kuwait
  • at di makakakuha ng certification o proof of loss of employment mula sa employer dahil sa lockdown, bawal lumabas, sarado ang opisina at walang masakyan.

Ito po ang standard format ng Letter of Undertaking na isumite ninyo sa POLO kapalit ng Certification or Proof of lost of employment na isa sa mga requirements para makakuha ng 200 USD financial assistance ng DOLE-AKAP.

Dapat ang LOCATION at PANGALAN NG BANSA na kinaroronan ay nakabase lamang sa nakasulat sa baba..

LOCATION: Riyadh / Qaseem / Hail / Al Jouf / Northern Borders / Kuwait
PANGALAN NG BANSA: Kingdom of Saudi Arabia / Kuwait

Kopyahin ang format ng letter sa baba at fill-upan ang mga naka-enclose sa (PARENTHESIS). Maaring computer printed ang letter of undertaking at maaring sulat-kamay lamang.

UNDERTAKING

Ako po si (PANGALAN), isang OFW dito sa (LOCATION). Ako ay nagtatrabaho bilang (PROPESYON) SA (PANGALAN NG KOMPANYA), (ADDRESS NG KOMPANYA).

Ako ay kasalukuyang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID19 mula noong (March 1, 2020) dahil:

  • ako ay natanggal sa trabaho
  • nagsara ang aking pinagtatrabahuan
  • ang aking kompanya ay nagdeklara ng “no work no pay arrangement”
  • nagpositibo ng COVID19
  • naka-quarantine alinsunod sa regulasyon ng (PANGALAN NG BANSA)

Hindi ako nakatanggap ng anumang pinansiyal na ayuda mula sa aking employer o sa anumang social welfare program ng pamahalaan ng bansang (PANGALAN NG BANSA)

Hindi ako makakuha ng certification o proof of loss of employment mula sa aking employer dahil sa:

  • lockdown
  • bawal lumabas
  • sarado ang opisina
  • walang masakyan

Isinagawa ko ang ang salaysay na ito na may kalayaan at kusang loob na walnag pumilit sa akin. Ang lahat ng mga nakasaad dito ay pawang katotohanan lamang

Ginawa ko ito ngayon (_) Abril 2020 sa (LOCATION), (PANGALAN NG BANSA)

(PANGALAN AT LAGDA NG OFW)

(PANGALAN AT LAGDA NG WITNESS [OPTIONAL BUT PREFERRED])

Pagkatapos po ninyong magawa ang letter of undertaking ay piktyuran ninyo ito at i-attached sa online application form for DOLE-AKAP Financial Assistance. Nasa baba ang mga links:

Share this: