KSA: Sa Ramadhan, bukas ang mga restaurants mula alas 3 ng hapon hanggang 3 ng umaga pero DELIVERY lang kung curfew hours

Share this:

Isinulat natin ito para mawala ang kalituhan lalo na sa iba na nag-akala na pwede silang lumabas ng gabi dahil bukas ang restaurants mula alas 3 ng hapon hanggang alas 3 ng umaga.

Matatandaan na noong Abril 21, 2020 nag-anunsiyo ang Ministry of Interior na sa Buwan ng Ramadhan, ang oras ng curfew para sa mga nasa lugar na maaring makakalabas mula alas 6 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon, ay babaguhin ng mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Umpisa na ng Buwan ng Ramadhan bukas, kaya para sa mga nasa lugar na maaring lalabas ng bahay ay lalabas lang tayo kung alas 9 ng umaga na at dapat nasa bahay na tayo pagsapit ng alas 5 ng hapon. Walang pagbabago sa lugar na maari nating gagalawan.

Ngayong araw Abril 23, 2020, nag-anunsiyo ang Ministry of Interior na sa Buwan ng Ramadhan (umpisa bukas) ang mga restaurants ay magbubukas mula alas 3 ng hapon at magsasara sa alas 3 ng umaga.

Kung gusto ninyong makabili ng pang-futor (break ng fast) maari kayong mag take-out ng paborito ninyong sambusa sa restaurant sa lugar na maari nyo lang magalawan, basta nasa bahay na kayo sa pagsapit ng alas 5 ng hapon.

Kung nasa bahay na kayo dahil curfew time, at gusto ninyong bumili ng panghapunan o pangsahur (meal before fasting), maari kayong magpa deliver sa restaurant at ihahatid ang order sa iyong bahay.

Isinulat namin ito para maiwasan na may mga kapwa OFW na mahuli ng pulis dahil lumabas sa oras ng curfew.

Nasa baba po ang announcement ng Ministry of Interior at ang google translation nito sa wikang English.

An official source at the Ministry of Interior stated that, in addition to what was previously announced on 14/8/1441 AH, which includes allowing the provision of catering services (except for mobile vehicles, party restaurants and banquet kitchens) to external requests and through delivery applications or its own fleet, taking into account health requirements approved by the competent authorities until ten o’clock in the evening in all regions of the Kingdom, it has been decided to amend the times during which it is permitted to open the activity of restaurants in the blessed month of Ramadan to be from three in the afternoon until three in the morning.

The Ministry of the Interior assured everyone of the importance of adhering to the precautionary measures necessary to preserve public health, and called on everyone to adhere to and abide by the instructions to achieve the public interest.

Source:

Share this: