PALIWANAG SA KUMAKALAT NA BALITA NA SA MARCH 31, 2021 ANG LIFTING OF TRAVEL BAN SA SAUDI.

Share this:

Ito ay para sa mga SAUDI CITIZENS na bawal pa rin MAKALABAS AT MAKAPASOK ng KSA hanggang MARCH 31, 2021.

Mas Detalyadong Paliwanag

DECEMBER 21, 2020 – SUSPENDED ang lahat ng flights PALABAS at PAPASOK ng KSA for one week.

Link: http://patnubay.org/?p=17658

DECEMBER 27, 2020 – MAYROON nang flights PALABAS ng KSA para sa mga NON-SAUDIS lamang (ang mga SAUDIS ay HINDI PWEDE LALABAS)

Link: http://patnubay.org/?p=17756

DECEMBER 28, 2020 – EXTENDED ang SUSPENSION ng flight PAPASOK ng KSA for one week.

Link: http://patnubay.org/?p=17746

JANUARY 3, 2021 – wala nang suspension at pwede na ang flight PAPASOK sa KSA for NON-SAUDIS, (ang mga SAUDIs ay HINDI PWEDE except for humanitarian consideration)

Link: http://patnubay.org/?p=17815

So, By January 3, 2021, tayo mga OFWs dahil NON-SAUDI tayo ay pwede makalipad PAPASOK at PALABAS ng KSA.

Ang mga SAUDIS ay BAWAL LALABAS ng KSA at BAWAL PAPASOK (except for humanitarian consideration)

Tanong: Eh ano yong kumakalat sa balita kahapon na mag-start sa March 31,2021?

Sagot: Nakasulat sa Advisory (see attached photo) kahapon na yon ay para sa mga CITIZENS meaning ang mga SAUDI NATIONALS ay HINDI PWEDE MAKALABAS AT HINDI PWEDE MAKAPASOK NG KSA hanggang MARCH 31, 2021.

Kaya, hindi tayo gumawa ng article nang lumabas itong advisory kahapon, dahil ang March 31, 2021 na lifting of travel ban sa KSA, ay para sa mga SAUDI citizens lamang. Wala nang i-lift pa para sa mga NON-SAUDIS katulad nating mga OFWs dahil lifted na ang travel ban para sa atin noong January 3, 2021.

Subalit, ngayong araw sa mga kumakalat na mga posts sa fb. nakita natin na nagkaroon ng kalitohan dahil akala ng marami na may travel ban ulit at ito ay matatapos sa march 31, 2021.

Kaya, pakishare itong post natin para makakatulong tayo sa pagbigay-linaw.

Share this: