Anunsyo ng Public Prosecution
Pebrero 6, 2021 – Ipinagbabawal ang mga pagtitipon ng sinumang limang (5) manggagawa o higit pa sa loob ng limitadong espasyo ng bahay o gusali na isinasagawa, rest house, farm, at iba pa bukod sa kanilang mga tahanan, at hindi sila magkamag-anak , at ang paulit-ulit na paglabag ay mananagot sa batas.
Ayon sa regulasyon, kung ang paglabag ay inulit ng tatlong beses, ang tanggapan na ng Public Prosecution ang hahawak sa kaso para papanagutin sa batas ang mga sumusunod:
- Ang dumalo
- Ang nag-imbeta
- Ang tagapagtaguyod
- Ang namamahala sa lugar kung saan naganap ang pagtitipon.
Anunsyo Ministry of Interior
Enero 25, 2021 – Inanusyo ng Ministry of Interior na ang anumang pagpapangkat ng mga manggagawa sa loob ng mga bahay, rest house, farm, at iba pa, bukod sa kanilang mga bahay, na binubuo ng (5) mga tao o higit pa sa isang limitadong espasyo, at hindi sila magkamag-anak, ay lumalabag sa regulasyon sa paglilimita sa mga pagtitipon.
- Ipinaliwanag ng ministri na sa kauna-unahang paglabag, ang establishment o ang mga namamalaha nito ay parurusahan ng multa na 50,000 riyal, habang ang mga dumalo, ang nag-imbeta, at ang tagapagtaguyod ay parurusahan ng multa na 5,000 riyal.
- Kung ang paglabag ay mauulit sa pangalawang pagkakataon, ang establishment o ang mga namamahala nito ay maparusahan ng multa na 100,000 riyal, habang ang dumalo, ang nag-imbeta, at ang tagapagtaguyod ay parurusahan ng multa na 10 libong riyal.
- kung ang paglabag ay mauulit pa sa pangatlong beses, ang parusa ay doble at ang dumalo, ang nag-imbeta at ang tagapagtaguyod ay idulog sa Public Prosecution.
- Sinabi ng Ministry of Interior na kung ang pasilidad ay pagmamay-ari ng pribadong sektor at ang paglabag ay paulit-ulit sa kauna-unahang pagkakataon, ito ay isasara sa loob ng tatlong (3) buwan, at kung ito ay ulitin sa pangalawang pagkakataon, isasara ito para sa anim (6) na buwan.
Binigyang diin ng Ministri na kung sino man ang nakakaalam ng pagtitipon na lumalabag ay dapat na ipagbigay-alam ang eksaktong lugar ng pinangyayarihan, sa toll free number na (999) para sa lahat ng mga rehiyon ng Kaharian, maliban sa mga rehiyon ng Makkah at Riyadh, na ang toll free number ay (911).