Paano Malalaman ang mga mobile numbers na Nakarehistro sa iyong Iqama (for KSA Only)

Share this:


Updated on October 23, 2021

Note: Ang ipinaliwanag namin sa Article na ito ay ang paraan sa pag check gamit ang web browser. Maari din kayong magdownload ng CITC App sa Google Playstore kung Android phone ang gamit ninyo o di kaya sa AppStore kung Apple ang gamit ninyo na mobile phone at magregister. Kung nakaregister na kayo at nakalogin, maari ninyong makita ang mga numbers at marami pang features.

Nasa baba ang paraan sa pagcheck mobile numbers na nakarehistro sa iyong Iqama gamit ang web browser sa inyong computer o sa mobile phone.

This image has an empty alt attribute; its file name is citc-905x1024.png

Paano Malalaman ang mga mobile numbers na Nakarehistro sa iyong Iqama (for KSA Only)

Sa Saudi Arabia, mahalaga na walang ibang mobile numbers na nakarehistro sa iyong iqama para siguradong mapangalagaan ang iyong privacy, credentials at identity na hindi magagamit ng ibang tao.

Heto ang paraan para malaman mo ang mga mobile numbers na naka-rehistro sa iyong iqama.

1. Gamit ang iyong browser i-type ang website or i-click ang link nakasulat sa baba 

https://portalservices.citc.gov.sa/E-Services/MyNumbers/MyNumbersInquiry.aspx

– iclick ang English button na nasa upper-left corner ng page. (Note: kung wala kayong makikitang button, gamitan ninyo ng Chrome or ano mang browser na may English translation)
– scroll down sa baba ng page kung saan nakalagay ang mga text boxes at search button.

2. Piliin ang INDVIDUAL na RADIO BUTTON

3. i-type ang IQAMA NUMBER sa TEXT BOX

4. i-type ang iyong MOBILE NUMBER sa TEXT BOX

5. Piliin ang iyong BIRTHDATE gamit ang CALENDAR TOOL

ang BIRTHDATE na nakasulat sa iyong iqama (muqeem) card, ang inyong gamitin
– kung ang BIRTHDATE na nakasulat sa Iqama card ay Gregorian calendar, maari ninyong iconvert ang Gregorian date to Hijri (Arabic) date gamit ang link na ito https://www.islamicity.org/hijri-gregorian-converter/

6. gayahin ang SECURITY IMAGE at i-type sa TEXT BOX

7. i-click ang SEARCH BUTTON

8. lalabas ang TEXT BOX na may label na “Please enter the verification code sent to your mobile”

– may matatanggap ka na VERIFICATION CODE as text mesage sa MOBILE NUMBER na iyong nilagay 
– i-type ang VERIFICATION CODE sa TEXT BOX at i-click ang CONTINUE button.

9. lalabas sa TABLE ang lahat ng MOBILE NUMBERS na nakarehistro sa iyong iqama

10. kung may mobile number na hindi mo pagmamay-ari, i-click ang naka-highlight na LINK para dadalhin ka sa complaint form at makapaggrequest na matanggal ang mobile number na hindi sayo.

FOR OBJECTION: In case any user found a number registered with his name without his permission or found a failure to execute an earlier request to cancel the service by the service provider, a complaint should be reported to the service provider immediately using the complaints services on CITC website choosing the appropriate service provider, complaint type, and providing the details of the SIM number being reported. If there is an objection regarding the validity of the information provided by ‘My numbers’ service and the complaint of the user has not been resolved by the service provider within 5 days, the user can escalate the complaint to CITC.


Link for Complaint Services of CITC: https://www.citc.gov.sa/en/services/complaints/Pages/default.aspx

Share this: