Video: Arabic Speaking Pinay sa Saudi Arabia, ibinahagi ang kanyang pagmamahal sa Kaharian, ang bansa na kanyang kinalakihan

Share this:

Marso 1, 2021 – Ibinahagi ni Heidi sa interview ng “Ya Hala” program ng Rotana Channel, ang kanyang pagmamahal sa Kaharian ng Saudi Arabia, ang bansa na kanyang kinalakihan mula pagkabata, at ang kanyang koneksyon sa kultura ng Saudi.

Ikinuwento ni Heidi na ang kanyang ina ay dati na nagtrabaho sa bahay ng isang Saudi, at doon siya nasanay sa salitang Arabic. Binigyang diin niya na naaayon siya sa kultura ng Saudi, lalo na at siya ay sa mga Saudi schools nakapag-aral.

Ipinahiwatig ni Heidi na paborito niya ang mga pagkain ng Saudi, lalo na ang Jareesh at Saleeq, at binanggit niya na ang kanyang ina ay magaling magluto sa mga nasabing pagkain.

Share this: