Pinoy Seaman na pinaghihinalaang may COVID-19, narescue ng Indian Navy at Coast Guard sa karagatan ng Kochi, India

Share this:

Setyembre 29, 2021 – Sa pinagsamang operasyon sa pagitan ng Indian Navy at Indian Coast Guard, isang rescue ang naganap sa karagatan ng Kochi, ayon sa ulat ng Indian Ministry of Defense.

Noong Martes, alas kwatro ng Hapon, nakatanggap ng SOS ang INS Garuda Naval Air Station mula sa barko na MV Lyric Poet na galing pa sa Gibraltar at patungo sana sa Machong, China. 

Natigil ang barko sa karagatan ng Kochi, India para humingi ng saklolo dahil lumala ang kalagayan ng kanilang Pinoy Chief Officer na si Michel John Abaygar, at pinaghihinalaang may COVID-19.

Ang pinagsamang operasyon ay plinano sa headquarters ng Southern Naval Command (SNC).  Gamit ang isang Advanced Light Helicopter, nailisan si Michel John Abaygar mula sa kanilang barko

Unang dinala si Michel John sa INS Garuda para sa pasiunang gamutan at inilipat sa INHS Sanjivini Naval Hospital para doon ipagpatuloy ang paggamot sa kanya. 

Patnubay Note: Maraming salamat sa Indian Government sa mabilis na pagrescue kay Michel John. Ipaparating din natin ang kwento na ito sa ating gobyerno para mas lalong maalalayan si kabayan.

Source Links (Hindi Language) and Rescue Photos

Share this: