From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: YEHEY! – Sandiganbayan OKs General Garcia’s plea bargain deal!
To: undisclosed recipient
Date: Monday, May 9, 2011, 11:02 PM
Wala naman talagang magnanakaw sa gobyerno. Sila lahat ay malinis at tapat sa serbisyo. Sa mga proyekto ng pamahalaan, marami naman ang naging masaya.. mula sa taas hanggang kay Baranggay Kapitan..
Sino sa inyo nagsabi na may corruption? Wala!! Dahil SOP po yan na tig-25% si congressman at DPWH, then sa natira 25% si governor, then sa matira 25% si mayor.. then kung may natira ay kay kapitan..
Ang pagsampa ng kaso laban sa SOP ay gastos lang yan. Magka-SOP din ang supreme court at office of the ombudsman..
Hindi naman kasalanan ng mga congressmen / senador kung may 70million annual pork barrel sila .. Batas naman yan at kung hindi gagastusin ay masasayang din yan.. Paulit-ulit na pag-aayos ng Kalsada. Kailangan din ng waiting shed, basketball court at para magandang tingnan, ay dapat kailangan ng pintura para isusulat ang kanilang mga pangalan. “This waiting shed is a project of Congressman. “
Ngayon, ang mga sundalo, katulad ni Garcia ay intindihin naman natin sila. Mga politiko lang ba ang dapat may SOP ? That is unfair the “sundalos” also deserve SOP no! Yong budget sa baril at bala , ay kakaltasan ni general ng 25%, ni colonel, ni major at ni kapitan.. He he he.. Kawawa naman ang mga kapitan, palaging huli sa hatian..
Kaya walang dahilan na magwala ka congressman laban sa desisyon ng sandigan bayan.. eh SOP nga yan, remember??
Alam naman nina congressman na walang patutungohan ang muro-muro nila na yan. Dahil kung meron man, sila mismo ang pipigil nito. “Mr. Speaker, SOP po yan Mr. Speaker..” … SOP po yan..
Itong PNOY naman hay naku, ulyanin na sa election pa lang.. Itigil daw ang corruption? Nasaan ang corruption…Nasaan? eh SOP nga yan.
Ang tanong, bakit ko sya binoto ? Eh nakalimutan ko rin ang SOP na yan ..
(Kaya wag kayong magtataka kung ang taong marangal dati ay nagbago mula ng maging politiko.. eh SOP yan.. )
—————————-
now, try this google search ..
in Google search type
[name of your province] executive summary site:coa.gov.ph
[name of your town or city] executive summary site:coa.gov.ph
.. then sa results,
Look for the Excecutive Summary per year .. makikikita nyo yong SOP na sinabi ko sa previous email.. sa pamagitan ng overpricing ng mga binili..unexplained expenses ng mga LGU officials.. taon-taon.. na kung pagsusumahin ay napakalaki pa kumpara sa zte scandal, fertilizer scam…
Nasaan na ang pangako ni PNOY na sugpuin ang kahirapan.. sugpuin ang corruption? eh mag-isang taon na at wala pang nangyari.. nakafocus sila dito kay garcia at kay gloria ? At sa habang proceso ng bulok na systema ng gobyerno at batas natin na walang kwenta, na gawa din ng mga mangnakaw para sa kanilang advantage.. letse, WALANG MANGYAYARING PAGBABAGO!
Matutuwa sana tayo dahil naging transparent ang COA sa mga katiwaliang ito na nakalagay sa kanilang website..Nakakalungkot dahil ipinamukha ng gobyerno sa atin na SOP nga talaga ito..
Kaya ang daming magnakaw ng nasa gobyerno.. kasi mahirap silang litisin dahil sa haba ng proceso at batas; na mga kapwa magnanakaw din ang may gawa.. Hindi nyo ba napansin na ang mga congressmen na gustong matuloy ang impeachment trial ni Mercidita Gutierrez kahit nagresign na ang demonyita? Mga congressmen na nagmamalinis pero ang totoo ay gusto nilang mabagal lang na proceso… Ang kapal ng mga mukha na humaharap sa tv na naglitis ng kapwa naman nilang mga kawatan!
Bakit hindi na lang natin madaliin ang proceso. Anong silbi ng mga COA Executive Summary report sa website na ito? Ipaliwanag dapat ito in public ng mga kawatan kung bakit nagkaganito ito.. Magdala na sila ng abugado nila para magpaliwanag para sa kanila at dapat haharap sila sa public tribunal at hindi sa nasanayang walang kwentang ombudsman at sandigan bayan.
Ang maghahatol dapat ay ang taong-bayan at mga civic groups ( hindi taga gobyerno).. 50 % na magdecide mga leaders ng religious groups.. then 50% sa mamamayan thru text votes (he he he, o di ba? sosyal)..
Magnanakaw ba sila or hindi ? sagutin ng oo or hindi at i-text sa numerong 14344 PINAS (waah corny).
Ano ang mga parusa ?
Hwag silang ikulong. kawawa naman at di sila sanay sa buhay na yan… Bigyan nyo lang sila ng layang makaranas ng pagiging mahirap. Ang damit na kanilang susuotin sa araw-araw ay may markang “Magnanakaw ako!”. at kung huhubarin nila ito ay may kukuryente sa kanilang bayag.
Kunin ang lahat ng kanilang ari-arian at bigyan lang ng kunting pohonan para pangkabuhayan. Kung lalago ang kanilang negosyo sa takdang panahon.. ay baka di nga siya magnakaw….
Gagawa din tayo ng “Libingan ng mga Kawatan” at ang nakalagay sa kanilang mga puntod ay demonyo sa halip na krus at angel.. . At sa halip na kandila at bulaklak ang ialay ay dapat mga basura..
Ganun lang naman kasimple yon eh.. ang mga kawatan na ito ay walang due process ng kumupit ng milyon-milyong salapi sa taong-bayan, pinapakain nila sa kanilang pamilya, pinagbili ng magagarang damit at gamit.. kotse at iba pang luho sa buhay. Samantalang ang mga pobreng mamamayan na kanilang pinagnanakawan ay kumakalam ang sikmura sa hirap at gutom. Ang mga human rights violators.. sa oras na lumabag sila ng karapatang pangtao ng iba.. Sya namismo ang nagwaive ng Human Rights nya.. Kaya, ang mga kawatan, they dont deserve due process nor human rights!
Wag nang pahabain ang proceso. tama na ang muro-muro PNOY… parusahan nyo na kaagad. “Pasaad-saad ka, wa man kay nahimo..istorbot ra man ng imo!”
TAS Espiritu
Patnubay.com
Anginyonglingkod.com
JuKaBar (Judo Karate & Barang)
PS: hindi ba kayo napapagod sa pagiging seryoso sa mga reaksyon? gawin nyong katatawanang kwento ang mga kawatang ito.. .
Image Source: http://uncyclopedia.wikia.com/wiki/File:SopSign.jpg