Ang Kalayaan para sa mga Kababaihang OFWs ng Arabia

Share this:

Abaya wa Tarha
ni Tasyo Espiritu

unang araw sa arabia binigyan ako ni baba
kulay itim na bestida at itim din na kaputsa.
abaya at tarha dapat daw laging nakahanda
sabi pa nya, “fi abaya wa tarha, quayes mara!”.

‘pano na, mga damit kong dala
at ang buhok ko na bago pang tina
kung tatabunan lang ng abaya at tarha?

hayan na, lalabas na,  sa mall kami pupunta
kasama ko si madam, ngeh para syang ninja!
teka makabihis na rin, hala madre superiora!
Sabi ni madam, “fi abaya wa tarha, miya-miya!”

gucci, armani at prada ang like nya
walang sukat-sukat binili nya ang lahat
Ish fayda kung tatakpan lang ng abaya?

may nakasalubong si madam mukha din ninja
beso-beso sila, teka papano sila nagkakilala?
pareho namang nakatakip maliban sa mata.
matutunan ko rin yan sa katagalan, Inshallah!

dito sa arabia ko lang nadarama
tunay na kalayaan, patas ang lahat
mahirap, mayaman hindi mo mahalata

hala nasaan na si madam? Madam wen enta?
sino sa inyo si Madam? Waah! Ish hada?
fi abaya wa tarha, katir mushkilah!

Ang Kalayaan ng mga Naabusong Nurses
ni Tasyo Espiritu

Napaniwala sa isang doktor,
sa pangako na magandang bukas
pagdating sa Saudi, kontrata dinuktor
at recruitment fees ay sa sahod kinaltas.

Walang nagawa si kikay
pumayag ng lang sa tatlong taon
kung uuwi ng pinas, paano na si inay
Binayad sa agency, niloan nya pa yon!

Unang araw ko sa trabaho
may tagaMOH,  naginspection
mga nurses, tumakbo at  nagtago
Iqama pala ay janitor ang profession.

Si doktor recruiter ay umuwi na
at balak mag-OWWA administrator
pinangarap nya ay matutupad na sana
hindi katulad dati, nakunsyaming senador!

Sa wakas!, tatlong taon na!
makakapiling na ang aming pamilya
pero sabi ng admin may anim na buwan pa
extension daw na nakasulat sa aming kontrata.

si Dr. umiiyak, bumagsak sa  OWWA
ngayon POEA ang inambisyon, nagwawala
sana maalala nya, kaming nalinlang nya noon
kaming pinagkaitan ng KALAYAAN sa apat na taon.

Ang Kalayaan ayon kay Mikay ilongga
ni Mikaela Comoda (Jeddah)

…sa nasud kung diin ako subong nagkadto, ang akon kalayaan diri sobra guid ka nami!ay abaw sa adlaw adlaw nga akon pag pangabuhi diri, todo guid ako paguapa kag ilis sang nami nga bayo para lang maging maanyag, pero bago kaw mag-gua sa sagwa kinanlan mo pa magpusod ka buhok kag magsuksuk ka abaya kag tarha parang lang itago ang akon kaguapa.hehehe,,,daw sa mga into lang kami diri, tapos sa pagpuli sa balay ang amon itsura daw ginbagyuhan nga di mo maintindiha!pakadto pakari kami,sa balay kag sa obra muna lang guid ang amon kalingawan sa adlaw-adlaw!mayo lang kay may Fb pa, nadula guid ang amon kahidlaw sa amon mga abyan….Amo bala ini ang Freedom nga gnahambal nila?abyan ikaw na bahala magbinag-binag kung kami ay talgang Malaya sa lugar nga ini?

Share this: