Source: akoaypilipino.eu
Roma – Hunyo 18, 2012 – Pinapalitan, tulad taun-taon, ang mga pamantayan sa sahod para sa kilalang assegno al nucleo familare o family allowance. Ang website ng Inps ay inilathala ang mga bagong halaga na ipatutupad simula July 1, 2012 hanggang June 30, 2013.
Ang allowance ay para sa mga empleyado, mga pensiyonado at sa ilalim ng ilang mga kundisyon, pati sa ilang uri ng workers tulad ng term-contract workers, freelance professionals (na nakatala sa hiwalay na pangangalaga ng Inps), kung saan ang kabuuang kita ng lahat ng mga miyembro ng pamilya ay mas mababa sa pamantayan. Ito ay isang benepisyo na maaaring tanggapin ng mga manggagawang Italyano at mga dayuhang manggagawa rin.
Ang aplikasyon ay dapat isinumite sa employer, at para sa domestic job naman ay sa tanggapan ng Inps. Sa unang kaso, ang benepisyo ay matatanggap kasama ng busta paga o pay envelope mula sa employer, sa ikalawa naman ay direkta buhat sa Inps