PATNUBAY
by: Romeo S. Carbonell
Ang buhay ng tao’y sadyang may unos at di maiiwasan ang gusot at takot.
Na ang akala mo ay wala ng patutunguhan sa mga landasin at takbo ng ating buhay
Kapag ikaw ay nag-iisa isip mo ay napapagal na, at hinahanap mo yaring pag asa.
Darating ang panahon na bigla ka lang sasaya na may gumabay sa iyo’y pumatnubay
wag kang susuko sa lahat ng panahon pagkat ang buhay ay puno ng kulay
Isipin mong di ka nagiisa sa laban ng ating buhay, pagkat ang patnubay lagi mong karamay
May pag-asa may patnubay may gabay sa paghusay ng ating buhay…
Wag sayangin ang lakas ng bisig kung sa ibay walang higpit sa patnubay tayo’y kumapit.
Ikaw bay nagugulumihanan sa mga agam agam na tilay wala ka ng hahantungan
Dahil ikaw ay naghahanap ng isang kakalinga sa iyong katayuan at karimlan….
Dumadalangin ka sa bawat araw at oras pagkat nais mo ng patnubay sa buhay
Abutin mo ang kamay na sayo’y kumakaway upang ikaw ay di sumablay sa tangan ng patnubay.
Wag kang susuko sa lahat ng panahon pagkat ang buhay ay puno ng kulay
Isipin mong di ka nagiisa sa laban ng ating buhay,pagkat ang patnubay ay lagi mong karamay
May pag-asa may patnubay may gabay sa paghusay n gating buhay
Wag sayangin ang lakas ng bisig kung sa ibay walang higpit,sa patnubay tayo’y kumapit
Ang patnubay gabay sa matagumpay kalinga sa kapwa sa ating bayan
Patnubay ay walang takot sa masalimuot at gusot ng unos mo sa buhay
sa di makatarungang husga… ang patnubay Kumikilos bumubulusok.
Ang patnubay ay tunay na katarungan sa latah ng tao sa ating BAYAN.
Other Articles Related to Ka Romy Carbonell



