HAGIT: Patnubay Reacts to Cyber Crime Law

Just kill all the Politicians and Philippines will be a better country...
Share this:

HAGIT: Patnubay Reacts to Cyber Crime Law
October 1, 2012

Tasio Espiritu:
Ginamit lamang ng mga politiko ang salitang “cyber crime” pero ang katotohanan ay sadyang gumawa sila ng batas (cyber-libel) para patatahimikin ang mga mamamayan na nagmamasid at pumupuna sa kanilang mga pagkakamali.

Applicable lamang ang cyber-libel kung ang internet ay gagamitin para sa hindi makatarungang paninira sa reputasyon ng mga ordinaryong mamamayan, relihiyon at institusyon.

Pero hindi dapat applicable ang cyber-libel laban sa pagbabatikos ng mga kawatan, criminal at lahat ng nananapak ng karapatang pantao.

Hindi applicable ang cyber-libel law laban sa pagbabatikos sa lahat ng mga politiko o isip-politiko dahil sa mga sumusunod:

A. Sila ay mga mandaraya, kriminal at mga kawatan.
B. Sila ay mga trapo na ginawang trabaho ang dapat sana ay lingkod bayan. Pinamana sa kanilang anak ang kanilang pagiging kawatan at ang kapal ng mga mukha na hindi nila naisip na nakakasuka na ang mga apelyedo nila.
C. Mga sinungaling at walang ibang hangad sa kanilang pagkandidato, kundi magkakaroon lamang ng kapangyarihan, kayamanan. Mga ganid, mga hangal sa kapangyarihan at gumagawa pa ng batas para sa kanilang proteksyon.
D: Kung meron mang politiko na walang bahid ng kasamaaan, siguradong naintindihan nya ang mga puna at batikos na katulad nito. .

Hindi rin dapat applicable ang cyber-libel laban sa mga puna ng mga nagtratrabaho sa gobyerno dahil karapatan ng mamamayan ang tamang paglilingkod at serbisyo mula sa kanila. Sinahuran kayo mula sa aming mga buwis at wag kayong makaasta na parang diyos-diyosan pero balat-sibuyas naman. Kung ayaw nyo ng puna then umalis kayo sa pagtratrabaho sa gobyerno kung saan napasok lang kayo dahil sa backer nyong politiko.

Let us make this simple, kung kayo ay nagbabalak na maging kawatan, este kriminal este mandaraya este politiko for short.. tanggapin nyo na magiging punterya kayo ng mga pagpuna at batikos..

Sa mga letseng mambabatas na ito, tanggalin nyo muna ang pork barrel, ikulong ang lahat ng mga kawatan sa gobyerno at wag ng payagang makalaya pa… at maaring papayag na kami ng cyber-libel law nyo na yan.

Ito pala ang mga bahay ng mga kawatan.. http://www.congress.gov.ph and http://senate.gov.ph.

Araw-arawin na natin itong mga buwayang ito! Uulitin ko, tanggalin nyo muna ang pork barrel, ikulong ang lahat ng kawatan sa gobyerno at huwag nang payagang makakalaya pa… at papayag na kami ng cyber-libel law nyo na yan.

Zhariya Silvestre Camid: Makasuhan na lahat kami sa bahay ng cybercrime…

Jay Pardilla Ebora:  Ito ay isang mapanupil at diretsahang pag-saklaw sa karapatan ng isang malayang papahayag.

Kung noon sa parliamento ng kalsada..kami ay binusalan ng mahadping tear gas sa mata doon sa mendiola…ngayon naman kahit sa sarilin mong abang tahanan…ang mga LOLONG na yan na bumuto sa pag ratifika ng batas na iyan…ay pinapatay ang pluma ng malayang pamamahayg…

hindi na rin ako nagtaka kung bakit napabilis ng pag kakapasa ng naturang batas…sino pa naman ang magtutulungan upang linlangin ang mga taong bayan…di yaon mga LOLONG at Trapo na nakatira sa gusali ng parliamento… kung iisipin ng natin bilang ordinaryong tao o kahit tayo ang isang BOBO…madaling isipin na ipinasa at niratipika nina LOLONG na naksuot ng barong para sa kanilang kapakanan.. mga baho, bantot, kawlanghiyaan, pagnanakaw at pang gigipit .. maipinid na lamang sa isang kulong na pintuan ang kanilang kabahuan…

Naayon nga ba, natapat lang nga ba..nagkataon lang nga ba…na ang cyber-libel law ay naging realidad dahil lamang sa mga pornograpiya? dahil lamang nga ba sa pag baba ng moralidad? O sanhi lamang ng isang “GANID SA KAPANGYARIHAN?

Siguro…o sa palagay ko…dapat mag dagdag ng munti,bilibid…dahil bubuhos ang ipapakulong nyo LOLONG…

SANA ANG UTAK PWEDE RING “I HACK”…SIGURADO AKO …UTAK NYO LOLONG DIYAN SA PARLIAMENTO O TONGRESSOO..MATAGAL NANG NAPASOK…babaguhin lamang “magkaron ka ng takot sa DIYOS…

ANG SA GANANG AKIN…PLUMA KO NOON PLUMA KO NGAYON…PLUMA NG MAKABAGONG HENERASYON…HINDI KAYLANMAN MATATAKOT SA MGA LOLONG…

Dionesio C Grava:  Not surprising that the plagiarist Senatong Sotto and his ilk spearheaded this law para maitago nila ang mga baho sa tongreso

Ang tagal tagal ng gusto ng mga tao na mapasa ang FOI (Freedom of Information Law) walang nangyari. Ito biglang naging batas nang mabantot si Sotto. Kapalmuks talaga!

Bernard Ciocson:  For all we didn’t knew, we had been occupied by China….upon implementation of RA#10175, PNoy is just following the order of China’s President Hu Jintao to beset our freedom of expression….so Filipino welcome to Republic of the Philippines province of People’s Republic of China…..

Charito Basa: Kasama ba ang mga hindi nakatira sa Pilipinas?

Tasio Espiritu: Ate chato, ewan kong kasama, isang linya lang kasi yong sinabi tungkol sa libel.. dapat ichallenge natin ang batas nila. sana kakasuhan nila ako. 🙂

Charito Basa: Do they have the space for all of us in prison? Masaya siguro pag nandun tayong lahat, ano?

Bernard Ciocson: Complete facility po, wag kayong mag aalala, pati health clinic sagana ang fund from PhilHealth daw po…kaya inggat kayo sa pag kontra sa PhilHealth may libel kayo….lol.

pero lighterside, sa mga taga province na wala house sa Manila, e avail nyo po ang alok ng gobyerno, libre housing during your annual leave, free food, free lodging, free medical check-up, free sports facilities sa Cybercrime Offenders Detention Camp….lol

Dale Guerrero: ang binabatikos ng sambayanan sa batas na ito ay ang pagiging vague o malabo. very open -ended kaya ang simpleng pagpuna ng isang ordinaryong mamamayan ay pwedeng iclassify as libelous kung magaling ang abugado.

Tasio Espiritu: Yes ka dale.. sa isang salita na naisulat ay mapipilitan tayong pumunta ng korte dahil kinasuhan ng isang politiko.

Bernard Ciocson: bay ano ang pagkakaiba ng inclusion sa insertion? kasi hindi daw e siningit ang online libel clause….pag pareho ang meaning madadali ako ng Sottocopy na naman, at gagawing whipping boy…lol…

Tasio Espiritu: Bay, bernard di ko masyadong kabisado ang meaning ng dalawang words na ito. i think inclusion ay naisama (included) na .. ang insertion ay idinagdag pa lang.

pero sa issue ng cyber crime law na ginawa ng mga politiko. i think both words ay angkop para sa libel.. inclusion man or insertion…. basta para sa akin ay isiningit yan dahil ang pagkakaalam ko; kung mayroon mang batas sa cybercrime ito ay para protektahan ang mga mamamayan laban sa mga masasama.. at hindi ang mga masasama laban sa batikos ng mamamayan.

Bernard Ciocson: sabi ng mga congressman, ng nasa kamara wala ang online libel bago e submit sa senate… then Sen Sotto suggested the inclusion of online libel to Author Senator Edgardo Angara…not insertion ang alibi ni Sotto paninira lang sa kanya…ewan bagsak ata ako sa english talaga….lol

Tasio Espiritu: Eh inaprobahan at hindi kinuwestiyon ang insertion na naging inclussion.. then ang buong batas at lahat ng may panukala nito mula sa umpisa ay mga walang kwenta. wag na silang magsosottohan pa kung sino ang nagsingit ng libel nayan.  Yong mga nasa kamara, wag na silang magmamalinis pa bay. Dahil sa issue ngayon na sottohan, pagkakataon na nating mga mamamayan na kutyain sila sa pork-barrel. Hoy itigil nyo na yan.. Hoy!

Share this: