Ilang beses na natin ipinaabot sa ating embahada na mayroon pong mga online Arabic news na nag-stereotype sa atin maging sa ating mga kababaihan.
Kaya tayo ay nababahala dahil hindi po ito magdudulot ng kabutihan lalo na ngayon na bukas na naman ang pagpapadala ng mga kasambahay sa kaharian.
Ang tatlong sumusunod na balita sa baba ay iilan lamang sa maraming mga Arabic na balita na nagmention ng salitang “Filipino” or “Filipina”.
1. Source: http://www.alsaudeh.com
Bisha, KSA – Isang Filipina ang hinuli noong Oktobre 5, dahil sa pagmamaneho ng kotse ng kanyang asawa na nasa loob din ng parehong sasakyan.
Note: Mahigpit na pinagbabawal sa Saudi Arabia ang pagmamaneho ng isang babae kahit kasama pa nya ang may-ari ng sasakyan.
Reaction: Tolerable pa ito, yan kung totoo man ito na balita.
2. Source: http://sabq.org
Riyadh, KSA – 34 na Filipina ang isinugod sa Al Iman Hospital noong Oktobre 3, matapos masugatan nang bumaligtad ang kanilang sinasakyang company bus.
Ayon sa director ng public and media relations ng hospital, isinugod kaagad sa “Emergency Department” ang mga sugatang pasahero. Ligtas na at walang matinding problema na tinamo ang lahat na mga pasahero.
Reaction: Tolerable lang din ito pero ilan ba ang mga pasahero at bakit nakafocus ang balita doon sa mga Filipina?
3. Source: http://sabq.org
Dammam, KSA – Noong Hulyo ngayong taon, nahuli ng mga muttawa ang isang Filipina nurse na may kasamang lalaki sa loob ng sasakyan na nakakubling nakaparada sa beach. Inamin ng lalaki na wala silang relasyon ng Filipina nurse na kasama nya sa sasakyan. Nakilala lang daw nya ang Filipina nurse sa isang private hospital.
Reaction: Bakit yong nationality ng lalaki ay hindi nila isinulat dito?
4 Related Link:
Patnubay’s previous discussion on stereotyping of Filipinos
