Patnubay Leaks: Hard to say “I’m sorry” si Vice Consul?

Share this:

Hard to say “I’m sorry” si Vice Consul?

Text messages from OFW Rey M. – “Halos sa araw-araw sa loob ng dalawang linggong pagpafollow-up sa embahada, nawawalan ako ng pag-asa. Sabi ni Vice Consul Genotiva na pauwiin ko na raw ang anak ko dahil that case will take 1- 2 years daw bago malaman ang kaso. Nakaharap ko pa ang kaibigan kong si mr. Ahmed noon. Mabait at normal ang asawa ko pero sabi nya ‘murder ang kaso ng asawa mo’ kaya sumikip ang dibdib ko. Natawag ko naman sya bago kami dalhin sa police pero sabi nya sumama na lang kayo. Pati anak ko kasa-kasama ko.”

:Hanggang ngayon ay may trauma na. Di ko alam bakit ganito di naman kami masamang tao mula Pilipinas hanggang dito. Diyos na lang ang huhusga sa kanya at di na mangyayari ito sa iba. Inutusan nya pa akong lumuhod at makiusap sa parents ng sanggol at sumunod kahit alam ko na walang foul play na ginawa ang asawa ko. kahit masakit ang kalooban ko. at ayusin kong ano ang dapat gawin.”

“Salamat at lumabas ang katotohanan”

Case Background Details -Filipina M.

September 1 at around 7:30 AM (to 8:00 PM) – iniwan ng mag-asawang filipino ang kanilang limang buwan na sanggol para mabantayan ni Filipina M.

Sabi ni Reynante M (asawa ni Filipina) ay ayaw sana tatanggapin ng kanyang asawa ang sanggol kaso nagmamakaawa daw yong nanay ng sanggol. “Nakita ko yong sanggol sir, bago ako umalis para sa eastern province, alam ko na maysakit talaga”.

Alas 4:00 ng hapon ay dinala ni Filipina Montilla ang sanggol sa RKH Military Hospital. Alas 5:40 ng hapon ay namatay na ito.

Ang mag-asawang Rey at Filipina ay may tatlong anak, yong malalaki ay nasa pilipinas na at ang isa ay nandito sa Saudi nag-aaral. Si Rey ay nagtrabaho sa isang company at ang kanyang asawa naman ay isang mananahi sa isang saudi sponsor.

at 12:40 AM (September 2) ng madaling araw ay dinala ang mag-asawa Rey and Filipina sa Sulaimania police station. Walang representation ng embahada , wala silang translator kaya ang nangyari ay yong babaeng kapatid ng nanay ng sanggol ang nagsalita at nag-akusa na may tama daw sa ulo ang sanggol.

Bago pa sila dinala doon sa police station ay tumawag na daw si manong rey kay Vice Consul Redentor ‘Red’ Genotiva at ang sabi naman daw ni Vice Consul Red ay sumama na lang sya at may darating na taga-embassy doon. Walang taga-embassy daw na dumating.

Reaction: Yon ang pinagtataka ko dahil sa dami na nating mga cases, madaling-araw man or weekends andon naman kaagad sina jerome at zailon sa mga police cases. Pinaka-importante pa naman ito na part at dapat may translator ang inakusahan dahil dito nag-umpisa ang allegations at accusations at ang police ay sulat lang ng sulat kung anong inputs na sinasabi ng magkabilang panig. Hindi nasabi ng mag-asawa ng maayos ang kanilang side dahil hindi sila marunong mag-arabic.

Nakulong si Filipina sa Malaz Jail, at mula noon araw-araw na daw pumunta si Mang Rey sa Embassy. Wala daw malinaw na paliwanag at asisstance sa kanya. Sinabi pa daw ni Vice consul red sa kanya na pauwiin nya na ang anak nya at dahil ang case ay murder at magtake ng 1-2 years bago malaman ang kaso.

Reaction: Saan nakakuha ng ganung figures si Vice Consul Red? He should know na it is not considered a case yet if nasa police investigator pa lang. Matatawag lang itong kaso kung may recommendation na ang prosecutor’s office para sa korte. And by saying the word “murder” as early as that ay parang kasama na rin syang nag-akusa, or kumbinsido na may murder talaga na nangyari. Masakit din ang payo na pagpauwiin ang anak sa ganitong stage na depressed yong tao, nakulong na nga ang asawa ay pauuwiin nyo pa ang anak.

After 10 days ay tinawagan daw si Mang Rey ni Vice Consul Red na nagbabalita na nakausap nya na ang parents ng sanggol. Ang payo daw ni Vice Consul Red ay puntahan mo na sa bahay pagdating ng mag-asawa at humingi ka na ng tawad sa kanila at kung kailangan mong lumuhod ay lumuhod ka. Labag man sa kanyang kalooban ay pumunta si Mang Rey kasama ng kanyang anak, nagmamakaawa at umiiyak at lumuhod sya sa harap ng mag-asawa

Reaction: Anong klaseng payo naman yan? Wala pang result sa medical report, wala pang autopsy, wala pa sa prosecutor’s office, inutusan mo na ang tao na humingi ng tawad? Ano ang magiging impression dito? Kumbinsido ang embahada na guilty yong akusado? And for sensitive cases such as this ay maaring magagamit ang ganitong aksyon laban sa akusado. All OFWs in saudi arabia are aware sa ganitong tip, “you must be careful in saying sorry coz it is an admission of guilt already”… Tapos pinaluhod pa? Ano ba yan? That is okay lang siguro if totoong may kasalanan, or di ba kaya namatay sa saksak or bala yong biktima…. pero sila Mang Rey ay noon pa ay nagpapaliwanag na hindi kayang gawin ng kanyang asawa ang pumatay at lalo na ang isang angel.

Lumabas ang medical report .. Natural Cause of Death of ikinamatay ng bata, heart attack.. ( o tingnan nyo? )

September 22, nang nabigyan tayo ng pagkakataon ni Kuya Rey na makuha ang lahat ng impormasyon sa taas. Ito na yong pangatlong pagkakataon na inilapit sa patnubay ang kasong ito.

Ang pinaka-una ay inilapit ito ni Bro Mohammad Amaya sa atin at naka-schedule na sana kaming mag-usap ng personal ni Kuya Rey. Hindi natuloy dahil yon pala yong gabi na sinabihan sya ni Vice Consul Red na humingi ng tawad.

Yong pangalawa ay tumawag si Lindo, yong haris ng building na kanilang tinirhan at pinakausap sa akin si kuya rey. Ang sabi ni kuya rey ay kukuha na daw sya ng lawyer para makalabas ang asawa nya. Ang sabi ko naman ay if may namatay hindi makakalabas si ate kung hindi recommended ng prosecutor’s office.

Tinanong ko sya kung sino ang may hawak ng kaso nya sa embahada ang sabi ay si Vice Consul Genotiva. Sabi ko naman ay sige maginquire ako sa embassy tungkol sa kaso. Mayamaya sabi ni kuya rey na ibaba na daw nya yong phone at baka maubos yong load ni Lindo, at tatawag na lang daw sya sa akin.. Dahil namention ko ang mag-inquire sa embassy at dahil nawalan na sya ng pag-asa sa embassy, akala ni Kuya Rey ay yon lang ang kaya nating gagawin. Hindi tumawag na si Kuya Rey katulad ng kanyang pinangako.

Yong pangatlong beses ay inilapit naman ng grupong ANCOP sa atin. Nang tinawagan ko si Kuya Rey at nag-inquire kung ano na ang nangyari, parang wala syang ganang kakausapin ako at sabi nya na may nilapitan na syang lawyer na tutulong sa kanya. Again sinabi ko sa kanya na if ang prosecutor’s office ay mag-recommend na murder case at may court hearing, dapat ang embassy ang magrequest sa OUMWA na maghire ng lawyer para sa kay ate at hindi sya dapat magbayad kundi ang gobyerno ng Pilipinas. Kung yong mga nakapatay nga na totoo ay gumastos ang gobyerno how much more pa sa kanyang asawa na walang kasalanan. Nagpaalam na naman si kuya sa conversation.. ‘Embassy’, ‘gobyerno ng Pilipinas’ ay mga salita na lumabas sa bibig ko na sa tsansa ko nakapagdistanya kay kuya rey sa akin.

Kaya tinext ko si kuya rey na “Hindi ako yong tipong tao na makikialam sa buhay ng iba, pero kung lalapit sa akin ay hindi ako magdalawang isip. Pangatlo na itong nailapit sa amin ang case ng misis mo pero pangatlo na rin akong parang binalewala.. Wala akong ibang hiling kundi makatulong lamang.” Nagtext si kuya rey at humingi ng dispensa dahil litong-lito na talaga sya. Nagtext ako na kung pwede pagbigyan nya akong makausap kahit limang minuto lamang.

Nagusap na kami at pinaliwanag ko kay kuya rey ang proceso..

1 Police Station – ang sabi nya ay walang embahada na nag-attend sa police station investigation kahit tinawagan nya si Vice Consul Red at ang nagsalita lang doon sa police station ay yong kapatid ng nanay ng sanggol.

– pinaliwanag natin na sa paglabas ng medical report at forensic investigation at kung mapatunayan sa prosecutor’s office na walang foul play ay balewala na yong statement ng babae na nag-akusa sa kanila.
– pinaliwanag natin na ang lahat ng sinasabi ng babaeng kapatid ng nanay ng sanggol sa police station, ay itatanong din yon sa kanya pagdating sa prosecutor’s office.. so it is her words against the medical report and the autopsy.

2. Medical report result – Natural cause of death

– dapat dito pa lang ay mabuhayan na sya ng loob. Sabi naman ni kuya ay naawa na sya sa kanyang asawa na pumayat sa kulongan.
– dapat dito ay marealized na ni Vice Consul Genotiva ang mga maling payo nya.

3. Autopsy or Forensic investigation Result

– ito yong wala pa at that time.. at ito yong hinintay na result ng embassy sabi ni ka Jerome Friaz..
– i explained that to kuya rey na wag na syang mag-alala dahil si Ka Jerome na ang nakatutok nito.

4. Prosecutor’s office –

– ito yong magdecide kung may kaso na murder or wala..
– if may kaso maendorse ito sa court plus yong recommendation ng prosecutor’s office kung ano ang parusa.. if this will happen the embassy will request sa oumwa for lawyer
– if mapatunayan na hindi pinatay yong sanggol, the maari ng makalabas si ate thru kafala. kaya sabi ko ay pakiready lang yong sponsor ni ate.

Dito lang si kuya nagkakaroon ng tiwala sa atin, dahil sabi nya maliban sa lawyer na nilapitan nya ay sa atin lang daw nya ito narinig na parehong pareho sa pagpaliwanag ng lawyer, Hindi nya daw ito narinig kay Vice Consul Genotiva, sa halip ay mga mali pa na payo ang pinaggagawa sa kanya, katulad ng pagpauwi ng anak nya at pagpayo na humingi sya ng tawad at lumuhod sa pamilya ng sanggol na namatay.

Tinanong natin si kuya kung magkano ang binayad nya sa lawyer. Ang sagot nya ay wala dahil kaibigan nya daw yon. kumunsulta lang naman sya.

Pinayuhan din natin si kuya na maari syang magfollow-up sa kaso dahil asawa naman sya, dalhin nya lang ang kanilang marriage certificate and always magstart sa follow-up sa police station. Maari din ang kanyang lawyer na kaibigan ang magfollow-up or ang embahada.

September 25, binalita ni kuya sa atin na pumunta na sya sa police station, binigyan sya ng file number para magfollow-up sa Shumeisy Hospital at makuha ang autopsy report. Pumunta si kuya at ang sabi ay hindi pa tapos.

October 1, ay binalita ni kuya na tapos na daw ang autopsy pero hindi daw sya maaring mabigyan, nasa prosecutor’s office na daw. I also informed Kuya Rey na si Ka Jerome Friaz ay palagi na rin nagfollow-up sa prosecutor’s office.. So for sure Ka Jerome will be able to talk with the officer in charge.

October 5, Nag-usap na naman kami ni kuya at binalita na pumayat daw lalo si ate. Ang sabi ko kay kuya na ayon kay ka jerome ay nasa prosecutor’s office na ang autopsy report.. kaso wala doon yong case officer.

October 7, Tumawag si kuya na hindi na sya tumuloy sa prosecutor’s office dahil nanerbyus sya. Sabi ko naman ay huwag syang matakot dahil may marriage contract naman sya. Besides, if magpakita pa sya ng concern doon sa prosecutor’s office ay plus pa yon para kay ate. Try nya daw kinabukasan.

October 11, Ibinalita ni kuya na nakalabas si ate , by kafala ng kanyang sponsor. Malinaw na dito na walang murder case dahil kung murder case ay hindi maaring makafala at makalabas ang isang akusado.

Ibinalita naman natin ito sa embahada. Nangako naman si ka jerome na tutukan nya ang case hanggang sa maclear completely si ate.

Reaction: Dapat si Vice Consul Genotiva, before sya magsalita ay pag-isipan nya muna or di kaya mag-aral sya ng batas at proseso sa Saudi Arabia. Nasa patnubay.org at patnubay.com na po halos ito lahat. Libre po yan para sa lahat, para sa mga OFWs or maging sa taga-embahada man. Magiging fair, magiging sensitive sa feelings ng lahat ng ofws na lalapit sa embahada. .at higit sa lahat kung matanda na ang kausap ay dapat galangin, dapat hindi taasan ng boses.. 57 years old na po si kuya at palagi na itong nanerbyos.

Katulad nito buong embahada ang damay at masama ang tingin para sa karamihan dahil lamang sa kapalpakan ng isang embassy official. Katulad sa case nina kuya na maraming grupo ang nilapitan.

Further Actions Taken:

From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2012/10/16
Subject: Resending: Updates: Updates re Filipina M. Case and her husband’s grievance against Vice Consul Red Genotiva
To: Ezzedin Tago, Roussel Reyes, Jerome Friaz
CC:  Patnubay Advocates and Partners

Dear Amba Tago, Consul Roussel and Ka Jerome,

Nakalabas na po si OFW Filipina M. last October 11, 2012. Maraming salamat kay Ka Jerome at magpapasalamat din tayo kay Mang Rey M. na nag-leave sa trabaho para mag-sarili din ng legworking para makalaya ang kanyang asawa.

Gusto lang po naming ipaabot ang hinanakit ni Mang Rey kay Vice Consul Red Genotiva, na based sa aming evaluation ay may nagawang malaking pagkakamali sa paghandle ng case at pakikitungo nya kay Mang Reynante M.

Kami sa patnubay ay humiling,  for fairness and justice ;  na humingi si Vice Consul Red Genotiva ng tawad kay Mang Rey at sa kanyang pamilya. Hindi namin hiniling na luluhod si Vice Consul Red sa pamilya katulad ng pinayo nya sa kanila.

A sincere “sorry” ay enough na para sa amin..

Maraming Salamat,
Joseph

—–

From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2012/10/16
Subject: Resending: Updates: Updates re Filipina M. Case and her husband’s grievance against Vice Consul Red Genotiva
To: Ezzedin Tago, Roussel Reyes, Jerome Friaz
CC:  Patnubay Advocates and Partners

Pahabol:

Sa autopsy nalaman na marami ng mga sakit ang bata, kaya inadvised ng prosecutor’s office ang immediate release ni ate.. Tinawagan kaagad ni kuya ang kanyang kafil at nakalaya sya last October 11, 2012.

Heto ang summary sa mga pagkakamali ni Vice Consul Red Genotiva

  1. Walang naipadalang representation ang embahada sa police station kahit natawagan na sya ni kuya rey bago sila dinala sa sulaymania police station.
  2. Nagpayo na pauwiin ang anak at nagbigay pa ng figure na magtake ng 1-2 years ang kaso dahil ito daw ay  murder.
  3. Nag-utos kay mang rey na puntahan ang parents ng sanggol para humingi ng sya tawad  at kung maari ay lumuhod pa daw si Kuya Rey.

Malinaw ang kawalang alam sa proceso ni Vice Consul Redendtor Genotiva at ang pagiging insensitive nya sa paghawak ng distress case.

Ngayon na nakalaya si ate, malinaw na walang murder,  Ang hiniling lang namin ay humingi ng tawad si Vice Consul Red sa pamilya ni Kuya Rey para maibsan man lang ang hinanakit nito sa embahada.

I hope hindi mahirap gawin yan para kay Vice Consul Red dahil sya mismo ay nag-utos pa na magpaluhod sa taong walang kasalanan.

Lubos na Gumagalang,
Joseph

—-

From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2012/11/6
Subject: Resending: Updates: Updates re Filipina M. Case and her husband’s grievance against Vice Consul Red Genotiva
To: Ezzedin Tago, Roussel Reyes, Jerome Friaz
CC: Patnubay Advocates and Partners

Dear all,

Gusto ko lang malaman kung nakapaghingi na ng sorry si Vice Consul Genotiva kay kuya Rey M at sa kanyang pamilya para po hindi ito maipost ngayon as Patnubay Leaks.

Thanks
Joseph

—-

From: Ronnie Abeto
Date: 2012/11/11
Subject: Resending: Updates: Updates re Filipina M. Case and her husband’s grievance against Vice Consul Red Genotiva
To: Ezzedin Tago, Roussel Reyes, Jerome Friaz
CC: Patnubay Advocates and Partners

Ka Joseph,

I fully support you in this calling!!

If  Vice Consul Red had the guts to suggest this to the innocent person, siya pa na kitang-kita natin ang pagkakamali. If he is really that gentleman, he would not mind kneeling dahil hindi ito sign ng weakness at submission, kundi ng dignity ng kanyang pagkatao.

I demand and challenge VC Red Genotiva to show that he is a dignified gentleman; I may be proud of you when time comes I will meet your wife Vice Consul Angel Genotiva here in Abu Dhabi.

Regards,

Ka Ronnie Abeto
Patnubay.org – Abu Dhabi

Share this: