Updates (July 7, 2013) :
Tumawag si Mr. Omar Pangarungan noong pumunta sya dito last June 27, 2013 kasama ng Nanay ni Carlito “Khalid” Lana. Sinabi ni MR. Omar na yong sulat ni Jhigz para kay Vice President Binay ay naipadala na ng OUMWA at wala pang response si Vice President. I informed Mr. Omar na naipadala na rin namin ang sulat ni Jhigz para kay PNOY kay USEC Yabes. Sinabi ni Mr. Omar na ifollow-up nya pagbalik nya sa Pilipinas sa June 29, 2013.
Last week, nang mag-usap kami ni Jhigs last July 7, 2013; sinabi nya sa akin na nag-usap sila ni Mr. Omar ang kinompirma na nasa DFA OUMWA na ang sulat ni Jhigz para kay PNOY at ito ay kanyang iforward sa Office of the President.
Email Exchanges in Reverse Chronological Order
From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2013/6/9
Subject: Jhigz Nuguid’s Letter to President PNOY
To: Ezzedin Tago , jesus yabes, rafael seguis , Red Genotiva , Office of the President, Office of the Vice President
Cc: ATN Detention Male , Belinda Ante, roland blanco , Michelle Fe Santiago, Rachel Salinel , ronnie abeto , ellene sana , Susan Ople , anna liza navarro , Zhariya Silvestre Camid-Alamada , Jeannet Baybay, Loreto Soriano , Cecilia Lero
Dear All,
Please find the attached PDF files.. ang isa ay sulat ni Jhigz para kay President Noy at yong pangalawa ay yong sulat nya para sa Patnubay na minabuti ko na rin na mai-attached dito para maintindihan nyo ang hinaing at hinagpis ni Jhigz laban sa ating gobyerno..
To recall (see previous emails), sinabi ni ate ellene na sinabi ni USEC Yabes sa kanya na it should be Jhigz Nuguid ang magsulat sa Office of the President asking for help of the bloodmoney. Alam nya naman na nasa kulongan yong tao at napakahirap gumawa ng sulat.
If maalala nyo pa ang mga previous emails pa noon, nakailan nang request ang embassy sa OUMWA para sa bloodmoney ni Jhigz.
Nasa email din sa baba ang lahat ng reasons natin kung bakit karapatdapat tulongan si jhigz.. Ang una, tapos na ang kanyang jail terms at ang pangalawa hindi nya sinadya, aksidente ang pagkamatay ng dalawang saudi.
Tumanggi ang OUMWA thru our embassy sila sumagot sa atin (see previous email). Anong reason? wala lang dahil gusto lang tumanggi ni USEC Yabes.
Alam din namin na hanggang sa opisina nya lang ang ilang requests ng embassy para sa bloodmoney ni Jhigz at wala intention si Usec na iforward ang mga yon sa OP or sa OVP or kahit subokan nya man lang iforward. Grabe ang sins of omission na ginawa nya.
Noong nagkahearing si Jhigz noong April 1, 2013, gumawa sya ng sulat for VP Binay at pinadala nya kay Mr. Jerome Friaz. Sigurado naiforward din yon sa office ni USEC Yabes..
Anong nangyari sa sulat ni Jhigz para kay VP Binay, naiforward ba yon sa OVP? Kung sasabihin nya na “Oo” ay hindi ako maniniwala kung wala syang maipakitang proof sa atin na natanggap nga yon ng office ni VP Binay.
Bakit hindi ako naniniwala ? Dahil sa pag-uusap nina USEC Yabes at Ate Ellene Sana, ay sinabi ng USEC kay Ate Ellene (see ate ellene’s email below) na dapat sa Presidente magsulat si Jhigz…
Alam nyo naman po na nakakulong itong tao, at hindi basta-basta makapagpapadala ng sulat mula sa kulongan, alam nya naman siguro na kailangan pa ng isang hearing ulit bago maibigay ni Jhigz ang sulat sa taga embassy.
Opinion ko lang, parang masaya yata ang ating USEC sa kanyang position at power, at tuwang-tuwa sya na tanggihan ang kahilingan ng isang naghihirap na OFW at kahit requests ng embahada ay tatanggihan nya.. Dahil gusto nya lang.
Sa tulong ng mga kapatid naming Muslim sa Islamic Center ng Hofuf, na nagtuturo din sa loob ng kulongan naipaabot sa atin ni Jhigz ang sulat nya kay PNOY.. Heto na po ang sulat ni Jhigz para kay Presidente Noy..
Ano na naman kayang rason ng pagtanggi mula kay USEC Yabes? Dahil sulat kamay at hindi typewritten? O di kaya, kesyo nakatutok sila ngayon sa mga stranded sa Saudi at malaki ang gagastusin nila sa plane tickets?
Matagal na po ang kasong ito, taon na po ang binilang nito na sana kung ito lamang ang steps na ginawa noon ay matagal na itong tapos.
1. Receive the Request from the Embassy for bloodmoney
2. Forward the Request to OVP or OP
3. If approved by OVP or OP then pay the bloodmoney
4. If not approved then sagutin tayo bakit hindi naapproved..
Anong steps ang naggawa ni USEC Yabes? Wala hanggang step 1 lang…Gusto pala nila na si Jhigz ang magsulat eh di sana sa umpisa pa lang ay nag-advise na sya na dapat magsulat si Jhigz kay PNOY.
Sabi ni Ate Ellene kaya dapat kay PNOY magsulat si Jhigz ay para daw mas madaling i-lobby.. Papano maging madali kung ang gusto nyong magsulat ay nasa loob kulongan? at sa Saudi pa? at sa Hofuf pa? Mas madali sana if at least sir Yabes had used his office, his position as USEC, his authority to forward such request. Hindi naman mababawasan ang sahod nya ng isang peso kung ginawa nya yon.
Anyway, andyan na ang sulat ni Jhigz for PNOY, sana wag nyo na pong sayangin yan, dahil pinaghirapan po yan ni Jhigz sa loob ng kulongan, at hindi po madali ang pagpalabas ng sulat na yan ni Bro Mohammad para maibigay sa atin.
Ito lang po muna and God bless you all always,
Joseph
2013/4/29 Joseph Henry B. Espiritu wrote:
Dear Ate Ellene
Ganun lang pala ang isasagot nila.. bakit hindi nila sinabi noon yan sa family ni jhigz na kailangan nilang sumulat.. samantalang palagi namang pumunta sa dfa at kay vp binay ang family ni jhigz.. bakit hindi nila sinabi sa email natin na payohan si jhigz or kanyang family na kailangan nilang sumulat.. I spoke with mr. omar wala naman tayong payo na ganun ang gagawin. all i know is that may pinadala na request si sir omar for op and vp. yet nahold daw sa office ni usec yabes..
Anong cases ang kapareho kay jhigz na nasa detention centers na kailangan magbayad ng bloodmoney na hindi death penalty? Give me one ka jerome.. amba tago.. or kayo ate ellene, give me one case na bloodmoney na hindi death penalty.
isa lang ang maalala kong kaso na katulad kay jhigz. yong kay mang eliseo mallari, road traffic accident may namatay at kailngan bayaran ng bloodmoney ang fafmily. Pero binarayan yong ng Philippine government yon.
hindi naman nagsulat si manong eliseo o ang kanyang family kay PGMA noon eh.. ang embassy ang nagsulat ng request sa oumwa for financial assistance sa bloodmoney.. Ganun din sa case ni jhigz.. maraming sulat na ang embassy na pinadala sa OUMWA..
tapos sasabihin nila na may proceso sila? Lawakan nya ang kanyang pagiisip.. Para mabuksan ang kanyang puso. Jhigz deserves more help dahil hindi sya criminal. Bakit yong mga naunang usec hindi magdalawang isip magrequest sa OP at OVP..
Ngayon si jhigz pa ang gusto nyang pasusulatin sa president samantalang alam nya naman na nasa loob ng kulongan yong tao? Eh kung ganun pala ang suggestion nya, dapat sana noong last hearing ay pinadala nya ng sulat at ballpen si ka jerome para noong hearing ay pinapirma na lang ng sulat si jhigz para sa presidente..
nakakalungkot na nakakainis.. simple logic of fairness na hindi maintindihan ng dapat may malalawak sana na pag-iisip. kung gaano kahaba ang email na ito, ganun pala katindi ang “sins of omission” ni USEC Yabes.
ito lang muna
2013/4/29 ellene sana wrote:
joseph,
when i called on usec yabes last friday, april 19, we also followed up jhigs case — ang bottomline nya — for jhigs and/or his family to write directly to the president for the blood money which the president could get from his presidential social fund.
why did oumwa not approve jhigs request for blood money? ang intindi ko sa explanation ni usec yabes:
1. we do not have a clear cut policy on blood money; ang malinaw — ang unang me obligasyon dito e pamilya nang nangangailangan ng blood money; bakit nag rerelease pa rin like in the case of zapanta —to buy more time for his family to raise the blood money; for lanuza– to complete the blood money; me consideration sa death penalty in this case.
2. as you know, not only death penalty cases require blood money –marami ang katulad ni jhigs –sa ibat ibang detention centers — not that government is turning a blind eye to this — pero given the limited resources that we have — ang blood money ay pangunahing responsibilidad ng pamilya. ang legal assistance fund — ay hindi kasama ang blood money sa mandato.
3. bakit kailangang si jihgs ang sumulat sa presidente? para me basihan mag lobby ang lahat ng grupong concerned sa kaso –gobyerno at hindi gobyerno, together with jhigs family.
mungkahi ko, gumawa ng sulat si jhigs and we will make sure it gets to the president and we commit to follow it up to get a favorable response. in this situation, we can also count on oumwa to support the request. of course, you can still proceed with your other plans. pero baka puede sa bahagi nang cma, gusto naming imungkahi na hingan mo kami ng sulat ke jhigs na puede naming dalhin sa presidente asap.
maraming salamat!
2013/4/29 Joseph Henry B. Espiritu
Dear Sirs,
Gusto lang po naming magfollow-up tungkol sa request naming financial na tulong para mabayaran ni jhigz nuguid ang bloodmoney para sa pamilya ng dalawang namatay na Saudi. Last month po ay pumunta ang taga-embahada para mag-attend ng hearing. Then may schedule for another hearing sa May 1, 2013, sa Wednesday. Im sure mag-attend pa rin ang ating taga-embahada (Sina ka jerome).
Siguro mas maigi nang wag na lang pumunta ang taga-embahada sa hearing sa May 1, kung wala namang assurance na matulongan ng Philippine government si Jhigz sa pagbayad ng bloodmoney. Kawawa naman ang ating mga case officers ng embahada na kung tanungin tungkol sa bloodmoney ng judge ay walang masasagot. Hindi naman nila pwedeng sabihin na “oo” dahil wala namang pera. at hindi rin pwedeng sabihin na “hindi” dahil malaking mali ang ganung sagot.
Isusulat ko ulit dito ang mga dahilan kung bakit entitled si jhigz sa tulong financial ng gobyerno katulad ng sinulat namin sa link na ito http://patnubay.org/?p=8000
1. Nakapagbigay ang ating gobyerno ng financial help para sa bloodmoney ng ibang mga OFWs na nakapatay. Lanuza, Zapanta at iba pa. Bakit hindi pwede si Jhigz?
2. Ang halaga ng bloodmoney sa mga murder cases ay ilang million riyals ang kailangan para sa tig-isang biktima. ang kay jhigz ay 600thousand saudi riyals lamang para sa dalawang biktima na. Bakit hindi pwedeng tulongan si Jhigz
3. Ang kaso ng mga naunang nabigyan ng gobyerno natin ng tulong sa bloodmoney ay murder. Ang kay jhigz ay accident. Bakit hindi tulongan si Jhigz.
4. Nakulong na si jhigz ng mahigit isang taon, at kung mabayaran ang bloodmoney ay makakalabas na ito. Bakit mahirap intindindihin ng OUMWA ang kanyang situation?
For Fairness, Truth and Justice. Hiniling po namin ulit mula sa OUMWA ang inyong kasagutan kung bakit dineprived ninyo si Jhigz sa tulong na naibigay nyo sa iba, na kung tutuusin ay mas maliit na halaga ang bloodmoney para sa kanyang case, na kung tutuusin he deserves better help because he is not a murderer.
Alam rin namin na ang budget for bloodmoney ng mga murder cases ay nanggagaling sa office of the president or the office of the vice president. Kaya magtatanong ulit kami sa OUMWA kung nagrequest ba kayo sa dalawang matataas na opisina, kung kailan kayo nagrequest at kailan nila natanggap. Kung sakali na nagrequest man kayo ay hiniling din namin ang kasagutan ng OP at OVP; at kung bakit tinanggihan ng gobyerno ang request for help ni Jhigz na tulongan syang mabayaran ang bloodmoney.
Balita ko ayaw ni USEC Yabes, magrequest sa OP or OVP. Sir po naman Hindi kasi tama na tatanggihan nyo lang si jhigz dahil gusto nyo lang . Sana man lang sinubukan nyo munang magrequest sa OP or OVP bago kayo tumanggi.
Nasa baba po yong message ni Jhigz tungkol sa nakaraang hearing. Magdecide na kayo kung magpapunta kayo ng embassy officers doon sa court or hindi. Kung walang assurance na tulongan nyo si Jhigz para sa bloodmoney. Mas mabuti pa wala na munang taga-embahada dahil nakakahiya sa part ni jhigz maging sa ating embahada.
ito lang po muna and God bless you all,
Joseph
April 12
5:47pm
Jhigs Nuguid
Kuya musta na po? Kailan po balik nyo dto? pwede po ba mahingi number nyo dyan sa pinas
5:49pm
Idol Ko Si Cacoy
hi jhigz, sa 20th ang balik ko.. nagusap kami ni mr. omar about your case.. he submitted the request to usec yabes pero hindi pa daw naaapprobahan dahil hindi ka convicted. hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
pero we will seek help.. when will be the hearing nga ulit jigz?
5:51pm
Jhigs Nuguid
Kuya sa may 1 po ulit hearing ko.ngbigay po ng palugit sila jerome frias hanggang may 1. Tawagan po kita
2013/2/19 Joseph Henry B. Espiritu wrote:
Dear Amba Tago,
thank you so much po.. 2 days ago sa arabnews, there was a indian national whose case was the same case kay jhigz at nabayaran yong 650thousand sar.. and this is the link..http://www.arabnews.com/king-abdullah-pays-blood-money-indian-convict
Ang hiling lang naman namin sa OUMWA ay yong pagiging FAIR. at least man lang sana nagtry sila na magrequest kesa naman tatanggi dahil gusto lang nilang tumanggi.
Again maraming salamat po sir.. Jazak Allah Khair.
Joseph
2013/2/19 Ezzedin Tago wrote:
Joseph,
I intend to send a letter to the Emir and the King, to request assistance for the diyah of Nuguid similar to that extended to the Indian national subject of an article in the Arab News.
I will update you on this matter.
Ezzedin Tago
On Feb 19, 2013, at 8:19 PM, “Joseph Henry B. Espiritu” wrote:
Dear Usec Yabes,
Sir, we need to know if may request na ba na ginawa ang OUMWA to OP or OVP for the bloodmoney Jhigz Nuguid. If meron na po, may we request OUMWA to give a copy of that request to the family of OFW Nuguid.
May sagot na ba ang OP or OVP, if meron na po we also request na ibigay na rin po ito sa pamilya nuguid para maging malinaw po sa atin ang lahat.
Ipaalala ko lang po sa inyo na sa March na ang next hearing ni Jhigz.. Patuloy naman ang communication namin ni Jhigz because we are providing phone cards to him. Tinanong po natin sya kung meron bang kumuha ng listahan sa mga bloodmoney cases para sa sadaqah ng hari ang sabi ni Jhigz ay wala pa po.
Ang sa amin lang po dito, ay for fairness if the government can provide that amount for bloodmoney sa mga murder cases.. Jhigz is also entitled to that lalo na accident yong sa kanya.
Ito lang po muna and God bless you all,
joseph
2013/1/15 Joseph Henry B. Espiritu wrote:
Dear USEC Yabes,
Salam, Sir, few weeks ago we were formally informed by the Philippine Embassy in Riyadh about OUMWA’s stand not to release any fund for the payment of bloodmoney for Jhigz Nuguid’s case.
Although hindi nila direktang sinabi na stand ng OUMWA yon, i am sure na galing sa OUMWA at nirelay lang ng embassy dahil sa inyo naman nakaaddress ang email namin.
Ngayon po, since tinanggihan nyo maari ba kaming makakuha ng kopya ng request ng OUMWA sa OP or sa OVP para sa case ni Jhigz Nuguid? Gusto rin namin makakuha ng kopya ng kanilang kasagutan sa inyo.
Naniwala kami na wala sa OUMWA ang discretion sa pagtanggi sa kahilingan ni Jhigz kundi sa dalawang nakakataas na opisina, ang OP at OVP.
Please lang kung kung wala pa kayong requests sa OP or OVP, pakipush na lang nito at hindi yong tumanggi kayo dahil gusto nyo lang.
Maraming salamat po,
Joseph Henry Espiritu
Volunteer, Patnubay Advocacy Group
2013/1/9 Joseph Henry B. Espiritu wrote:
Dear USec Yabes,
Good morning po Usec
Sir, hiniling po namin na mabigyan kami ng linaw sa pagtanggi ng OUMWA sa requests ni Jhigz Nuguid for the bloodmoney budget of 400Thousand SAR. Ang natanggap lang mo naming response ay yong mula sa embassy tungkol sa stand ng OUMWA Manila kung bakit tinanggihan ang kahilingan ni Jhigz.
Kung maari po sana ay maireview nyo ulit ang mga points na naraise namin. Nasa baba po ang mga punto namin kung bakit karapat-dapat si OFW Nuguid sa naturang budget. Note: as promised namin sa naunang email ay inilagay namin sa aming public website.
At kung sakali po ay pagtanggi pa rin ang aming matanggap na sagot kung maari po sana ay ang kasagutan ay magmula sa inyong tanggapan.
Ito lang po muna at maraming salamat,
Joseph
From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2013/1/2
Subject: Resending: For Patnubay Leaks: Our Frustration OUMWA’s unfair response to OFW Ernesto “Jhigz” Nuguid request
To: OUMWA, Belinda MAnte, USEC Jesus Yabes, Ezziden Tago, Roussel Reyes, USEC RAF Seguis
Cc: Jeanette Baybay, Ernesto Nuguid, Blas Ople Center, Center for Migrant Advocacy, Patnubay Advocacy Group
Dear All,
Nagkaroon ng hearing si Jhigz noong January 1, 2013. Walang taga-embahada na nag-attend pero mayroon namang Filipino translator na naiprovide ang court na ang pangalan ay Ahmad.
Wala kaming reklamo na walang representation mula sa embahada para kay Jhigz sa court dahil naintindihan namin na hindi naman sila kailangan on that trial. Kundi ang kailangan ay yong pambayad ng bloodmoney.
Kung inyong matandaan sa hearing ni Jhigz noong November 3; nagrequest tayo for representation from our embassy. Kasama din sa request natin noon na kung maari ay sasabihin ng mga taga-embahada doon sa judge na may budget ang ating gobyerno na 400 thousand SAR for bloodmoney.. The standard budget ng Philippine government for bloodmoney, which we believed na hindi tayo tatanggihan ng OUMWA dahil sa mga malinaw at valid reasons sa previous emails. Nag-attend naman sina Consul Reyes at Ka Jerome Friaz pero hindi nila sinabi na may budget ang government na 400 Thousand SAR for bloodmoney dahil wala itong approval sa OUMWA.
Umasa kami na sa aming pagpaliwanag (see previous thread), for truth fairness and justice na hindi madeprive si Jhigz Nuguid sa tulong ng government (400 Thousand SAR) dahil he deserves it more kesa yong mga nasa deathrow. Umasa kami na sa loob ng isang buwan ay makapagdecision ng tama ang OUMWA na hindi nila ipagkait kay Jhigz ang tulong na 400 Thousand SAR.
Noong December 27, 2012. limang araw bago ang scheduled hearing ni Jhigz ay nagpaalala kami sa OUMWA, kasama na rin ang paghingi ng clarification natin sa pagtanggi nila sa kapatid ni Jhigz na si Jeannete Baybay. Umaasa kami ng sagot ng OUMWA sa aming email pero wala.
Noong December 30, 2012. Dalawang araw bago ang scheduled hearing, ay sinagot kami ng embahada (see attached PDF File) tungkol sa stand ng OUMWA kung bakit hindi entitled si Jhigz ng 400 Thousand SAR na pambayad ng bloodmoney na ang rason ng OUMWA ay DAHIL SI JHIGZ NUGUID AY HINDI SA DEATHROW.
Isang walang kwentang policy at wala sa hulog na logic, at malinaw na decision ng mga tao na walang tamang wisdom at mga walang puso. Kung babasahin nyo sa mga previous emails namin sa baba, malinaw ang aming papagpaliwanag dyan na mas karapat-dapat si Jhigz sa 400thousand SAR budget kesa yong mga nasa deathrow na nabigyan na. Tapos sasagutin nyo kami na hindi entitled si Jhigz dahil wala sya sa deathrow?
Napakababaw naman ng palusot nyo na akala nyo ay pera nyo yang irelease nyo. Pakitaan nyo kami ng request nyo sa Office of the President (OP) or sa Office of the Vice President (OVP) since sila naman ang mag-approve ng budget na yan katulad ng kay Lanuza at kay Zapanta.
Pakitaan nyo rin kami ng sagot ng OP at OVP at hindi yong ganito na sa OUMWA pa lang ay tinanggihan na si Jhigz at ang kapatid nya na hindi nyo pa nga nairequest sa OP at OVP. At kami? ang sumagot sa amin ay hindi OUMWA kundi ang embahada at nagrelay lang sa stand ng OUMWA.
Sina Lanuza, Zapanta at yong iba pang naaprobahan ang 400 thousand SAR budget ng gobyerno; ano ba ang kaibahan nila sa kaso ni Jhigz Nuguid? Pareho naman silang nakapatay at pareho silang nangangailangan ng pambayad ng bloodmoney. Ang pagkakaiba lang sa kay Jhigz ay hindi nya sinadya ang pagkapatay ng biktima.
Kahit sinong tao na may normal na pag-iisip ay sasabihin na mas dapat pa nga na tulongan si Jhigz dahil hindi nya sinadya.. Pero kayo sa OUMWA ay baligtad kayo kung mag-isip at ginawa nyo pang reason na kaya nyo tinanggihan si Jhigz ay dahil hindi sya nasa Death row, malinaw na tinanggihan nyo dahil hindi nya sinadya, dahil hindi sya criminal. Nasaan yong yong tamang logic nyo? Nasaan yong fairness?
Yon pang OFW na nasa deathrow din eastern province, ginahasa at pinatay ang isang filipina at ang palusot pa nya ay kaya nya pinatay dahil sya ang ginahasa ng filipina. At itong mag-asawa na pinatay ang katulong na filipina, inilibing sa ilalim ng sahig, sinemento sa kanilang inupahang bahay at umabot pa ng dalawang taon bago ito nadiskubre. Ngayon pumayag na ang mga pamilya ng kanilang mga nabikima na tatanggap ng bloodmoney.. Sigurado na i-approved nyo yong 400 thousand SAR para sa kanila dahil sila ay nasa deathrow, katulad nina lanuza, zapanta at iba pa.
Samantalang yong kay Jhigz ay hindi nyo approbahan, dahil hindi nya sinadya at hindi sya kriminal? walang logic eh..
Kahapon pagkatapos ng hearing.. Tinanong si Jhigz ng judge kung magkano ang pera na nalikom at sinabi nya ang totoo. Tinanong si Jhigz kung may tulong ba ang embassy tungkol sa bloodmoney, sinagot ni Jhigz na hindi sya tutulongan dahil wala sya deathrow at dahil hindi nya sinadya. Alam nyo na ang naging reaksyon ng Judge at ng translator. Nakakatawa kayo.. Katulad ng maging reaction ng makapagbasa ng email na ito once mapublished namin sa Patnubay online. Nakakainis kayo…
Kailangan palang sinadya ang pagpatay para tulongan nyo si Jhigz..
Ito lang po muna and May God bless you all (except OUMWA).
Joseph
To OUMWA: May God bless you too;; and also to your family; Please kiss them every night before you go to sleep, tell them every day how much you love them. Who knows bukas din sila ay makasagasa ng tao.. Well, okay lang sa inyo yon dahil nasa gobyerno kayo at magawa nyo ang lahat para sila ay mapawalang sala. Papano kung sila ang masagasaan? Wag naman sana aabot tayo sa ganyan bago kayo makaintindi..
——–
From: RIYADH PE
Date: Sun, Dec 30, 2012 at 10:56 AM
Subject: ZRY-MIS-5011-2012 (Ltr to espiritu NUGUID E).pdf
To: Joseph Henry B. Espiritu
Cc: oumwa@dfa.gov.ph, Rafael Seguis, ATN Section
Please acknowledge receipt. Thank you.
Best regards! EMP
Philippine Embassy
Riyadh, K.S.A.
———–
On Thu, Dec 27, 2012 at 11:44 PM, Joseph Henry B. Espiritu wrote:
Dear All,
Paalala lamang na ang hearing ni Jhigz Nuguid ay sa January 1 na po.. Thus the Philippine government has only until today to approve the 400Thousand SAR budget for bloodmoney.
Nakausap ko si Miss Jeannet Baybay (sister ni Jhigz). Sinabi nya na pumunta sya sa OUMWA kasama si Jen ng Ople Foundation. Then may mga request daw si Sir OMAR na mga sources for bloodmoney payment. There was no mention na maapproved yong 400thousand budget for Jhigz.
ito po yong mga suggested sources for bloodmoney in boldface text at ang aking kasagutan in normal font
- END of Service Benefits (ESB) – The computation for ESB is 1 half month salary per year and this will be given after the work contract.. walang benefits dahil hindi pa naman tapos ang contract ni jhigz. if meron man kalahating buwan lamang dahil one year mahigit lang si jhigz sa employer nya.
- Go to OWWA – there is no such benefit from OWWA, hindi naman si jhigz ang na-disable or ang namatay.. I havent heard na tumtutulong ang OWWA for bloodmoney. I hope for this suggestion ay ang DFA na ang magcoordinate with OWWA dahil sa parehong gobyerno naman kayo connected.
- Challenge the Embassy to lower the amout for bloodmoney – 600 Thousand SR is 300 Thosand sR bloodmoney per victim.. that is bloodmoney na dinisisyon ng judge… otherwise kung ang victims family ang magdemand.. mas mataas pa dyan ang kanilang sisingilin.
- GOSI Benefits – hindi covered ng gosi yon dahil hindi naman si jhigz ang naaksidente and we have no right to tell the family to claim the bloodmoney from gosi.. note gosi disability or death benefits ay para yan sa worker na nainjured or naaksidente during work. its a road traffic accident.. Besides the accident happened on Friday.. a no work day..
Malinaw po sa una naming requests na Jhigz deserves the same right na natanggap nina Lanuza at ni Abdulatif zapanta na naaapproved ang 400Thousand SAR.
Nasa baba po yong exchanges namin ni Jeannette at ito naman yong link ng video na lumabas sa Balitang Middle East tungkol sa kwento ni Jhigz.
Thanks, we believe na maapproved din ito ng OUMWA dahil yon naman ang nararapat para sa kasong ito. Kung maapproved nyo rin man lang I hope na hindi na hihintayin pa ang next hearing.
Maraming salamat at Happy New Year to you and your family..
Joseph
Please Read on for our Exchanges with Jeannette Baybay
12:44pm
Joseph Espiritu
hi jeannette,
this is joseph of patnubay.. jhigz told me to send a pm to you..
if you dont mind will you please tell me what transpired sa pagpunta mo sa OUMWA, sinong nakausap mo at ano nag sinabi nila..
Thanks and God bless,
joseph
December 19
12:11am
Jeanette Baybay
hi joseph, si omar ang nakausap naman with the help of jenny from susan ople, omar mentioned that he will be sending a letter to the embassy with the following :
1. Check with Jhigs previous employer kung may natitira pa na benefits na pwede idagdag sa blood money
(2) Check Jhigs oWA benefits
( 3) challenged the embassy why the total amount was 600K riyals , which it should have been 100K-200K riyals only.
12:11am
Jeanette Baybay
i need to follow up again what will be the status
do you have your number so i can call you up
12:28am
Joseph Espiritu
thanks jeanette..
1. the computation for benefits is 1 half month salary per year and this will be given after the work contract.. walang benefits dahil hindi pa naman tapos ang contract ni jhigz. if meron man kalahating buwan lamang dahil one year mahigit lang si jhigz sa employer nya.
2. there is no such benefit from OWWA, hindi naman si jhigz ang na-disable or ang namatay.. I havent heard na tumtutulong ang OWWA for bloodmoney..
3. 600 Thousand SR is 300 Thosand sR per victim.. that is bloodmoney na dinisisyon ng judge… otherwise kung ang victims family ang magdemand.. mas mataas pa dyan ang kanilang sisingilin.
4. did he mention GOSI? sinabi kasi ni jhigz that mr. omar also mentioned about GOSI.. hindi covered ng gosi yon dahil hindi naman si jhigz ang naaksidente and we have to right to tell the family to claim the bloodmoney from gosi.. note gosi disability or death benefits ay para yan sa worker na nainjured or naaksidente during work. its a road traffic accident.. Besides the accident happened on Friday.. a no work day..
12:57am
Jeanette Baybay
thanks joseph for this additional information, I’ll follow him up today and keep you posted if ill be able to contact him.
for item #4, yes he mentioned about the GOSI. may i know what do we really need to fast track the case as i’m confused now that the list that Omar mentioned seemed to be impossible
——–
2012/12/4 Joseph Henry B. Espiritu wrote
Updates:
Yesterday, November 3, 2012 – Consul Roussel Reyes and Ka Jerome Friaz went to Hofuf to attend the hearing for OFW Ernesto ‘Jhigz ‘ Nuguid. Nagkita sila ni Jhigs doon sa korte pero hindi natuloy ang hearing dahil walang translator. Namove ang hearing to January 1, 2013. Jhigz also had the chance to say sorry to the aggrieved families at tinanggap naman ng families ang sorry nya.
Today, November 4, 2012 – ililipat na si Jhigz sa malaking kulongan. As i had explained in my previous emails.
Maraming salamat kay Consul Reyes, Kay Ka Jerome Friaz at kay Ambassador Tago.. We hope na before January 1, ay maapprove yong request for the 400 thousand SR budget of bloodmoney for Jhigz. I hope OUMWA will try their best effort para kay Jhigz Nuguid.
Maraming salamat po and God bless you all always,
Joseph
——-
2012/12/1 Joseph Henry B. Espiritu
Dear all,
OFW Ernesto “Jhigz ” Nuguid has a scheduled court hearing this monday. Since the 1 year jail term as punishment for public actions are already served; most likely the upcoming hearing is only for the bloodmoney (private rights of action) of 600 thousand SR.
Since Jhigz’s friends had already collected 21 thousand SR then we are short of 579 thousand SR.
Please be informed that if the judge will know that the amount raised is only this small, Jhigz will be transferred to a big prison until the full amount of 600thousand will be paid to the aggrieved families.. Currently jhigz is detained in al Ahsa Police station. He was once detained in the muror (traffic department) jail after serving his jail terms in prison.
We are again asking from our government specifically the OUMWA to release the 400 thousand SR (budget for a blood money case) for Jhigz. As i had said before, those in deathrow like Dondon Lanuza, the 400thousand SR request was granted and for Joselito Zapanta was also granted.. So why not approve the request for Jhigz Nuguid when his case is just a road traffic accident?
During the time of GMA, the Philippine government also had paid the bloodmoney for those road traffic accident cses. What’s the difference between those cases to this of OFW Nuguid?
The PCSO released 15million sr as bloodmoney for the Jeddah chop-chop case.. and maybe for the case of erick quezon who raped, killed and burn a Filipina. So why not give the same rights for Jhigz? Jhigz is not a criminal!
Can we ask OUMWA or the Office of the President NOY, to approve?. It was requested by the Philippine embaassy for almost a year now.
Representation is needed in this Monday’s court hearing. Will you please advise the embassy officers to tell the court that we already have 421 (400 + 21) thousand SR? The aggrieved family might consider accepting this amount instead of the full 600 thousand.
We know that the embassy officers are doing well in handling this case. I hope their Manila counterpart will not waste these efforts.
Respectfully yours and God bless you always,
Joseph
——
2012/11/30 Ernesto Nuguid wrote
Good pm po kuya joseph. Ask ko lang po kung may reply n sting yung Request natin sa DFA, sa monday npo ang hearing ko, Ilang araw nlang po. Natatakot po kc ako ilipat na naman sa main jail nla, sna po maaproved na nla.
Sya nga po pala nagkausap kami ni Kuya Roland ng TFC ng Riyahd at bka sa Monday narin daw po On Air sa TV PATROL yung interview skin by phone patch at kay sir Jerome Frias ng Embasy ng Riyahd. Salamat po ng maraming marami. Mabuhay po kayo.
——–
From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2012/11/27
Subject: Resending: VERY Urgent Request of OFW Ernesto “Jhigz” Nuguid from OUMWA for bloodmoney
To: OUMWA, Belinda MAnte, USEC Jesus Yabes, Ezziden Tago, Roussel Reyes, USEC RAF Seguis
Cc: Jeanette Baybay, Ernesto Nuguid, Blas Ople Center, Center for Migrant Advocacy, Patnubay Advocacy Group
Dear Sirs,
Please find below the SOS message of OFW Ernesto Nuguid which really needs an urgent attention re bloodmoney.
May pending po na request ang embahada ng Riyadh sa OUMWA for the budget of 400Thousand SR for bloodmoney (like that of Dondon Lanuza, Joselito Zapanta).. I hope ma-approve na yon after mabasa nyo sa baba ang sulat ni OFW Nuguid at yong assessment ng patnubay sa kanyang kaso.
Maraming salamat po
Joseph
Monday
7:42pm
Jhigs Nuguid
Sir Joseph Espiritu ng Patnubay , humihingi po ako ng tulong sa inyo para maiparating sa ating Gobyerno ang aking kahilingan.
To: Mr. OMAR PANGARUNGAN
(OUMWA DFA)
Ako po si Ernesto “jhigs” Nuguid jr na nakakulong ngayon sa Shorta Alhassa ay muling lumalapit sa inyo para humingi ng tulong para sa aking kalayaan.Nagkaroon po ako ng hearing kaninang umaga Nov. 26 2012 ngunit hindi po ito natuloy at nare schedule ulit ng Dec. 03 2012 araw ng lunes sa kadahilanang hindi po nakarating si Judge Iman Al Dohish.
Bago po ako pumunta sa korte ay tumawag po ako sa aking case officer ng Embasy ng Riyahd na si Mr. Jerome Frias, nagtanong po ako sa kanya kung ano ang sasabihin ko sa korte at tinanong ko rin po ung tungkol sa request na BLOOD MONEY kung naaprobahan na, sbi po nya ay wala pa at nsa inyo daw po ang desisyon sa OUMWA DFA ang tungkol dito.
Punong puno po ako ng kaba dahil hindi ko po alam ang gagawin ko at sasabihin sa hearing habang papunta kami kanina,ngunit nagpapasalamat po ako at hindi natuloy ang hearing ko at meron pa akong isang linggo ulit para maghintay ng inyong kasagutan para sa aming request na Blood Money …
Tapos npo ang Jail term ko na isang taon kahapon Nov. 25,2012 at pwede napo akong makalaya anytime kung akoy makakabayad na.Umaasa po ako na mapagbibigyan nyo ang aming kahilingan na 400,000 saudi riyal for Blood Money. Kahit ano pong gawin namin ng pamilya ko ay hndi po namin kayang buuin ang ganitong kalaking halaga at wala po kaming sapat na pera para ipambayad sa kanila, hindi po ako kriminal at ito po ay isang Car Accident. Kayo na lang po ang inaasahan namin para akoy muling makalaya.Umaasa po ako at ang Pamilya ko na pagbibigyan nyo ang aming kahilingan . Maraming maraming salamat po. God bless.
Ernesto “jhigs” Nuguid jr “OFW KSA”
————-
Patnubay Assessment of the Case
- Nagrequest na noon pa ang embassy thru Ka Jerome Friaz (case officer ni jhigz) addressed to oumwa re 400thousand sr for bloodmoney for jhigz..
- Simple logic, if naapprove yong kay dondon, kay abdulatif zapanta.. then why not approve for jhigz?
- Nakaschedule ng hearing last monday, November 26, 2012. Dinala si Jhigz sa korte. Ang hearing na yon ay inquiry kung magkano na ang nalikom na pera for bloodmoney. Since one year na at tapos na ang jail term ni jhigz. Walang masasabi si jhigz kundi yong 21 thousand SR lamang mula sa tau gamma fraternity. Since napakaliit ng amount na nalikom masabi ng judge maging sa aggrieved family na hindi seryoso si jhigz sa pagbayad ng bloodmoney. at aabutin ito ng ilang taon pa bago matapos. Ill be honest na kung natuloy yong hearing at walang pera , dadalhin si jhigz sa Dammam Prison at doon magstay hanggang mabayaran ang bloodmoney.
- tapos na po ang jail term (punishment for public actions)…. walang pambayad si jigz.. so hanggang kailan sya magstay sa jail dahil sa bloodmoney na lang?
- hindi sya kriminal at hindi sya mamamatay tao. it was a road traffic accident.. besides marami ng binayaran ang gobyerno natin noon for bloodmoney for road traffic accidents noong di pa mandatory ang insurance. .. (walang kaibahan si jigz sa kanila)
- He deserves better sa support ng ating government kesa mga pumatay ng tao.
- magkakaroon ng hearing ulit next week.. Malamang mag-attend na ang aggrieved family at magtatanong kung magkano na ang nalikom for bloodmoney, ang problema ay wala tayong maipakita or masasabi man lang.
Dahil nito, we would like to request from DFA-OUMWA and our embassy in Riyadh
- Na maapprobahan na ng OUMWA yong request ni Ka Jerome Friaz na 400 Thousand SR para pambayad sa bloodmoney para makalaya na si Jigz. As i had said, kung na-approve ng ating gobyerno ang para kay dondon, at yong para kay zapanta, or for those drivers noon na nakaaksidente din.. so bakit hindi yon pwede kay jigz? Ngayon po kailangan na talaga ni jigz ang tulong na yan dahil hearing nya na next week.
- Magkaroon ng representation sa ating embahada sa next hearing. I talked to the Police na kasama ni Jigz papuntang korte at sinabi na next monday (December 3, 2012) na ang hearing. Thanks to ka jerome friaz sa pagtutok ng kasong ito dito.
- Sa court dapat kung masabi ni jigz at ng taga embassy na mayroon ng 421 thousand SR na nalikom for bloodmoney. Maaring tatanggapin na ng pamilya yan or maaring makapagbigay sila ng additional na palugit or papayagan na syang makalaya thru kafala.
- Gusto pang magwork ulit ni jigz at since hindi naman sya kriminal.. maari syang papayagan ng judge na makalaya at makabalik sa trabaho. We already instructed him on what to say para mapapayag ang judge.
– Patnubay Advocacy Group –
–