Patnubay Leaks: The Curious Case of Bhernadine S. and Lily M.

Share this:

Patnubay Leaks: The Curious Case of Bhernadine S. and Lily M.

From: Susan Ople
Date: 2012/6/4
Subject: Re: Bhernadine b. S and lily M case – Closed case at pauwi na:
To: “Joseph Henry B. Espiritu”

Salamat Tas! Re WelOf Bartolome, will ask sila Lily kung willing sila na magfile ng complaint. Salamat!

Sent from my iPhone

On Jun 4, 2012, at 4:27 AM, “Joseph Henry B. Espiritu”   wrote:

hi jen

fyi,  may travel document na sina bhernadine at lily. nagissue na ang embahada as per request ng police sa hafr al batin. And i think also the ticket ang embassy ang nagprovide. So makauwi na sila anytime soon.

Nadrop naman yong case dahil nagkasettle  naman daw sila na pauwiin na lang itong mga workers.. You may send an email or formal inquiry to consul roussel reyes or amba tago tungkol sa case..

Though we thank our ATN of the embassy for their efforts para matapos ang kasong ito.. hindi po sana natin palagpasin ang pagkakamali ng isang welof bartolome ng polo-ero sa action na ginawa na naging cause ng paghihirap ng dalawang kababayan.

As i had explained in the previous emails na kung  si welof bartolome ay alam lang ang tamang proceso which is sa paghingi ng tulong sa police station, at ang police station na ang tatawag amo at mga katulong.. doon pa lang sa hafr al batn police station ay natapos na ang problema. may kasundoan na nangyari.. wala sanang naifile na case yong employer.

Ang problema gumawa si welof bartolome ng kanilang nasanayang gawin ng polo which is patatakasin at sundoin sa isang lugar ang kababayan.. dinala sa khobar, then later dinala pa sa riyadh na lalong nagpalaki sa problema dahil nagfile ng police case yong amo, napilitan ang polo riyadh na maiturn-over sina bhernadine at si lily sa police .. nakulong sa malaz (al niza) jail then ibinalik sa hafr al batn, sa kulongan din habang hintayin hanggang sa natapos court hearings doon.

Ang kawawa ay sina bhernadine at lily samantlang si welof bartolome ay tapos na daw ang tour of duty at malamang ay uuwi na sya.. at maassign na naman sa ibang country.. mabuti pa sya ..

ito lang po muna and God bless you always,

kuya joseph

2012/5/21 Jennifer Rivera

Sir Joseph,

Good day po sa inyo! Nakausap ko po si Bhernadine kahapon and sabi niya kinaiinggitan daw po sila doon sa jail kaya medyo mainit daw sa kanila yung mga kasama nilang nakakulong. Natatakot daw po sila na baka mapaano pa sila doon kung magtatagal pa daw po sila. Hindi naman daw po sila nakakausap ng taga- embassy. Inapdeyt ko lang po kau. Thanks po.

Jen

Date: Thu, 17 May 2012 16:36:35 +0300
Subject: Re: FW: case of Bhernardine B. S and Lily M
From:Joseph Espiritu
To:  Jennifer Rivera, Susan Ople

so what is your assessment jen, based on my previous email?

kung sinunod lamang ang tamang proceso.. hindi ito hahantong sa ganito. I suggest that Ople Foundation will write a letter to the embassy or DFA. re actions taken by welof bartolome..

then include in your letter kung ano ang dapat ang proceso na ginawa.. (Sought the help of the civil rights department (hukuk) of the hafr al batin police )

if sinunod lamang ang tamang proceso, then wala sanang mga Filipina makukulong, or mapalipat-lipat ng kulongan.. wala sanang mag-attend ng court hearings..

I will tell you, talo na sina bhernadine sa kaso mula ng umalis sila doon sa hafr al batin  at itong welof bartolome ay dapat managot nyan. yes umuubra yang pagpapatakas nila sa iba lalo na sa amo na ayaw ng gulo.. pero it happened many times din na may nagsama ng kaso na amo at ang kawawang kababayan ang talo at nakulong..

ito lang po muna

kuya joseph

2012/5/17 Jennifer Rivera

Date: Thu, 17 May 2012 05:28:58 -0700
From: Marivic Balabat
Subject: Re: FW: case of Bhernardine B. S and Lily M
To: Jennifer Rivera

…ang alam ko po ay pinatakas sila dahil ang kausap po ni bhernadine nang panahon na yon ay c mr. bertolome,  pinuntahan po sila ni mr. bartolome sa hafr batin para i rescue. parang ang naging style nila e nagtatapon lamang ng basura sa labas ng bahay, at doon  ay sumama na sila kay mr bartolome….at sa ryadh po sila dinala sa bahay kalinga.

On Thu, 17/5/12, Jennifer Rivera wrote:

From: Jennifer Rivera < Subject: FW: case of Bhernardine B. S and Lily M
To:  Marivic Balabat
Date: Thursday, 17 May, 2012, 1:59 PM

Hi Mam,

Pa email naman po agad sa amin yung sagot sa mga questions po ulit ni Sir Joseph sa email po below.

Thank you po

Jen

Date: Thu, 17 May 2012 08:50:55 +0300
Subject: Re: case of Bhernardine B. S and Lily M
From:Joseph Espiritu
To:  Jennifer Rivera, Susan Ople

hi jen,

i have a couple more questions

1. pinatakas ba sina bhernadine then doon na sila nagmeet ni welof bartolome sa polo-khobar or a certaine place sa al khobar/ dammam?

– this is too risky dahil napakalayo ng hafr al batin at maaring may mangyayari sa dalawa bago sila makarating ng khobar/dammam

2. or pumunta sina welof bartolome doon sa hafr al batin sinundo sa pinakamalapit na mall or land mark then sabay na silang pumunta ng al khobar/dammam or riyadh? (without going to a police station first)

– then mali pa rin, dahil kung nandon na sila, then they should have sought the help of the civil rights section ng police doon sa hafr al batin. Sundoin ng police or papuntahin sa police station both ang katulong at ang amo. then doon pa lang magkakasettle na, if may pananakit makikita na kaagad, then walang akusasyon sa pagnanakaw…napagusapan na rin ang ticket, exit visa, sahod atbp..

Suggestions: 

if  isa sa dalawang questions na yan ang hindi nasunod dapat lang na mananagot dito si welof bartolome. The ople center may write a letter to the embassy asking for an inquiry kung bakit napunta sa riyadh at binalik sa hafr al batin. na kung sana ay sinunod lamang ang tamang proceso ay hindi sana ito magkakaganito.

Further note : 

it was us who taught our embassy and consulate kung papano gawin ang tamang proceso ang problema, mahirap yata sa kanila ang ganun, at gusto nila na patkasin at sabay silang aalis sa place. )

Please find the attached zip file, re hamida tuan’s case.. nasa text file kung papano natin tinuroan ang ating konsulada sa pagrescue ng tama.. yes namangha sila sa result.. pero for what reasons gusto pa rin nila talaga ang pagpatakas. okay lang if yong amo ay hindi magfile ng kaso..

Once we will get the answer from our embassy, then sabay na tayong magmonitor sa case. sa time na ito we have to go with the flow of the harder process ng justice system sa ksa.. this dahil hindi ginawa yong simple na procedure noon .. kaya nagkakaganito ito ngayon.

ito lang po muna and God bless
kuya joseph

2012/5/16 Jennifer Rivera

Hi Sir,

Good morning po! I was able to contact Ms. Marivic Balatbat and email ko po kayo as soon na makausap ko siya at makuha ko yung information na hinihingi niyo po.

Thank you

Jen

Date: Mon, 14 May 2012 15:15:39 +0300
Subject: Re: bhernadine b. S and lily M case
From: Joseph Espiritu
To: Susan Ople
CC: Jenny Rivera
Dear Ate Toots,

te i need the following info

kailan dumating sa saudi?

Anong recruitment agency?

kailan tumakas?

it is given sa email ng nanay na her daughter’s sponsor ay from hafl al batin..  Hafr al batin is in eastern region and under the jurisdiction of Polo Eastern Province.  Weof  Bartolome is from POLO Eastern province not in Riyadh..  Pero yong nakasulat ay yong kaibigan na nagrescue ay from riyadh

Saan ba na-rescue ang worker sa hafr al batin or sa riyadh

how she was rescued ..

most likely nirescue sya ng polo -ero.. katulad ng nasanayang patatakasin at sundoin na lang sa mall or anong lugar na accessible nila. and that is wrong.

I will talk to our embassy or polo-ero about bhernadine’s case.. but for now let me explain the following procedures. the following must always be the procedure to take kung may mga pananakit na ginawa yong amo.

evaluate and validate kung totoo na may pananakit. (patnubay advocates are expert on this are makukuha lahat ng infos and sa cross validation ay malalaman kung totoo ang pananakit or hindi.. kadalasan homesick lang ang worker at nanibago). And we can empower  the worker to stay if hindi totoo yong akusasyon nya.

if valdiated na may pananakit, may ebidensya ng pananakit.. at willing ang worker na sasabihin ang nangyari. then bring an arabic recommendation letter from the ambassador to the nearest police station.

ang maghandle nya ay yong civil rights department aka “hukok” ng police station, ipapatawag yong amo, at yong worker. doon magdiscuss. ang worker ay tatanungin kung totoo or hindi..

wag lalabas ng police station kung hindi masiguro ang kaligtasan ng worker. gusto nya bang babalik sa work or sasama sa mga taga embassy.. dapat may kasundoan. if babalik sa work then dapat makalatag yong rights ng worker.

if gustong sasama sa embassy, dapat malinaw ang mga sumusunod..   – passport, exit visa, unpaid salaries at ticket.. at magkapirmahan doon mismo sa police station para may panghawakan tayong kasundoan kung dadalhin ang worker.

ang procedure na ito ay itinuro ng patnubay sa ating embahada and even sa ating consulada noong 2008 at naging epektibo.. marami dyan ang namangha sa suggestion natin na ito. though ayaw nila aminin na sa atin yan galing.  Kasi yan ang palaging ginagawa ng patnubay kasama ng mga kasamahan nating saudi human rights advocate.. dahil yan ang tamang proceso na nakasunod sa batas.

ang problema kadalasan ng mga taga polo ng buong KSA  at jeddah consulate mas gusto pa rin nila yong patakasin at susundoin.  ewan ko bakit na-thrill yata sila sa ganitong process.

Sa nangyari kay bhernadine, na nakulong pa dito sa riyadh .. malinaw na hindi nasunod ang procedure na yan sa taas ate. kundi yong nasanayang payo ng polo  na “tumakas ka at sundoin ka namin sa mall na ito”. bakit yong taga polo -al khobar ay dinala pa nila sa riyadh?
Then pagdating dito riyadh. teka bakit dinala nila sa riyadh samantalang nasa hafr al batin ang sponsor? dapat kung for repatriation yan, dapat doon yan sa sswa sa dammam at dapat polo al khobar ang maghandle hanggang sa makauwi.

by immigration policies at batas na rin obligation ng employer na ireport ang worker na tumakas sa kanila. otherwise kung may mangyaring masama sa worker sa labas ay sila ang mananagot.

Normal rin na ang mga employers ay magdagdag ng kasalanan katulad ng ninakaw na gamit or pera ang purpose nito ay para makabawi sa kanilang ginastos paghire ng worker.. which is around 2000usd. and even sa immigration lalo na sswa, hindi paniniwalaan ang employer na mag-akusa  sa worker na nagnakaw at hindi ibigay ng sswa ang worker pabalik sa amo. note: hindi ibibigay ng sswa ang worker pabalik sa amo.. kundi sa embassy or sa consulate or di kaya diritso na sa airport.

Ang problema dito sa email sa baba, ang embassy pa ang nagturn-over sa police.. bakit ????????

(pasingit: I remember  the case of the late phoebe cabrido.. na may cancer nandyan na sa kalinga.. si amba villamor pa ang nagpahatid ng kawawang filipina doon sa police.. since nandon na sa police kaya tinuloy ng amo yong kaso ng pagnanakaw na hindi naman sana mangyari kung naireport kaagad sa SSWA.  dahil takot ang matandang ambasador na mamatay sa kalinga yong kababayan.  ito yong isa sa pinakamalaking away namin ni amba. na hind nya sinagot.. at ng sinabi ko sa kanila na inoperahan si ofw phoebe sa shumeisy at nakaposas sa bed.. sinagot na nila ako. “joseph hindi naman nakaposas” .. hay, ang tanong ko kung bakit nila tinurn-over sa police at hindi yong nakaposas.)

so ito yong proceso ate… sa pagrepatriate sa riyadh or sa dammam.

1. Bahay kalinga/ Shelter – wait for endorsement to sswa
2. SSWA  – they will stay there for maximum of 45 days, tatawagan yong employer para mag-issue ng noc.. kung hindi sila magissue then the sswa will stamp an exit visa pagdating ng 45 days. with or without  an noc from worker. dito lamang ang mga domestic workers kumpara sa mga skilled workers.  ang mga employer dahil takot na magkaroon ng bad record sa kanilang id number, hindi na yan magreklamo sa sswa at magbigay din yan ng pangticket.
3. Balik sa shelter/kalinga while waiting for departure.. (sa totoo lang this is not needed pero ginawa nila ito dahil kumikita ang polo dito sa ticket from politicians na pinili ang publicity kesa icorrect yong corruption, ofw groups, agency magliquidate pa yan sa owwa.. walang transparency)
4. in many nationalities na walang shelter katulad sa atin ay from sswa diretso na yan sa airport. their tickets were paid by their employers or by the saudi government.

para naman sa mga narescue ng police without embassy officials or yong takas na nahuli ng police.. ang process ay yang points 2 and 3 or 4.. depende sa iyong location..

if nasa riyadh ka or dammam then ang sswa ay tatawag yan ng representative ng embassy para mapasama agn worker sa mga endorsed ng kalinga/shelter.

para naman doon sa mga provinces na malayo sa embassy / polo..  agn proceso na pinagdaanan ng ibang lahi ay pareho sa mga filipina workers na narescue or nahuli ng police.  yes sa bawat province ay may mga sswa, may mga filipina din doon na nakahintay ng repatriation. ngunit ang ating polo ay nakaconcentrate lamang sa riyadh, jeddah and dammam. isa itong proof sa negosyo ng tickets ng mga taga polo.

Now, balik tayo kay bhernadine.. bakit nila inihatid sa police ? yan ang itatanong ko kay bashir mamaya..

it could be a lapse sa part ng polo-ero dahil dapat inilagay na nila yon sa sswa ng dammam at hindi pa inihatid sa  bahay kalinga pa ng riyadh.

inihatid nila sa police station, so tinuloy yong kaso na sana na pagnanakaw na normal na ginagawa ng mga employer na tinakasan. kaya nakulong itong kawawang kababayan sa malaz  al nissa prison at wala pang hatol. (hindi pa ito nahatulan nasa prison na dahil wala namang magkafala na amo at  Al Nisa lamang kulongan para sa babae)..  and then they would transfered to hafr al batin ..

for what na dinala sa hafr al batin.. at ano ang mga mangyayari ?

para doon ituloy ang police case

or for deportation na

or ibalik sa employer..

Ganyang ang mangyayari dahil hindi nasunod ang proceso ng ating mga taga polo. Lahat dito ay mga presumptions lamang dahil wala pa tayong nakausap na taga polo, or embassy or si bhernadine..

ito lang po muna ate and God bless,
joseph

On Mon, May 14, 2012 at 12:43 AM, Susan Ople wrote:

Hi Tas! May I pls refer to your group the case below which was endorsed to me by Ares, a Dubai-based desk editor of Gulf News. Si Ares naman ang tumutulong sa amin sa UAE cases.

Nagtataka lang ako kung bakit nakuha yung anak niya from Bahay Kalinga. I will also take this up sa DFA dito.

Pls let me know the kind of info you would need in order to help out.

Re Alfred Salmos, his sister will stay with us beginning tomorrow.

Thanks and God bless always!

T.

Sent from my iPhone
Begin forwarded message:

From: Adolfo Ares Gutierrez
Date: May 14, 2012 12:09:38 AM GMT+08:00
To: Susan Ople
Subject: FW: bhernadine b. S and lily M case

Hi Toots

May I refer to you this case. Ms Balatbat was my former officemate in the Journal Group.

Thank you.

Ares

From: Ma. Victoria Balatbat
Sent: 13 May 2012 19:20
To: Adolfo Ares Gutierrez
Subject: bhernadine b. S and lily M case

dear sir ares,

last year 2nd wyk of august 2011, tumawag sa akin ang anak kong si bhernadine b.S na umiiyak at sinaktan daw cya ang amo nya, so  nag kataon may kaibiganako sa ryadh embassy laila imperial,  at cya ang tumulong para makuha ang anak ko at ang kasama nya sa amo nito, dun ko din nakausap si mr.ron lionel bartolome ng owwa ryadh, at nadalanila ang anak ko sa bahaykalinga ryadh, at mga 3linggo na sila sa  bahaykalinga na bigla ang anak ko at may kumuha sa kanila na si basshier ang pangalan at dinala sila sa malas jail at pinag bintangan ng silang nag nakaw at hindi naman ito na  patunayan, nag stay sila ng halos isang buwan sa malas jail, then sometime last wyk ng november dinala nanaman sila sa hafr batin na kung saan sila galing, at taga doon ang amo nila , nag hehearing daw pero wala naman daw hearing na nangyari at di sumisipot ang amo nila,pero last april 3, ay nag pakita ang amo nila at nanghihingi ng 30,000riyals para maibalik nalang daw ang ginastos nya….sa ngayon ay nasa governor ng  hafr batin ang papers nila…at yon daw ang mag bibigay sa kanila ng amesty at para mapa uwina na dito sa pinas. sir masyado na pong matagal  na nakakulong anganak ko mga 6 monthhs na po. sa poea namanpo ay nagtanong din ako…hindirin po nila alamang gagawin at ang agency na inapplyan ng anak ko aang otg agency ay naka suspinde. panay din po ang follow-up ko sa omwwa/dfa, ang sabi po  nila ay antayin na lang daw po ang disisyon ng governor… di ko na po alam kung ano ang gagawin ko,sir sana matulungan mo ako sa anak ko… ito nga po pala ang cell number ko 09298xxxxx kung ano man po ay tx nyo lang po ako at tatawagan ko po kayo.

maraming salamat po at god bless, ingat po palagi…

gumagalang,
marivic balatbat

Share this: